CHAPTER: 14

1436 Words
“Anong nangyari, masama ba pakiramdam mo?” tanong sa akin ni Austin habang inaalalayan ako papasok sa loob ng kanyang sasakyan. Ang sadya ko dito ay pumirma lang at wala na akong plano pang bumalik muna sa opisina. “Pwede ba na wag muna tayo umuwi?” tanong ko sa aking kababata at kaibigan na abogado. “Where do you want to go?” Seryosong tanong nito habang nakasandal ako sa kanyang balikat at nanatiling nakahinto pa ang sasakyang sa labas ng building na pag-aari namin ni Hero. “Kahit saan, sa malayo sa lahat. Gusto ko muna huminga. Natatakot ako na baka pag lumabas na ang anak ko, malungkutin din siya tulad ko.” “Bakit kasi kung ano-anong masama ang iniisip mo? Yeah! Hormones, dahil nga buntis ka. Pero please, don't overthink. Tama ka, hindi yan maganda para sa bata. Pangarap mo ‘yan, pangarap mo na magkaroon ng anak hindi ba? Kaya responsibilidad mo yan na dapat priority mo siya over everything.” Hindi na ako umimik, tumango na lang ako at ipinikit ang aking mga mata. “Seatbelt, please. Aalis na tayo.” Sabay halik ni Austin sa noo ko. Kaya umayos na ako ng pagkakaupo. Makalipas ang halos dalawang oras, nakarating kami sa hindi ko alam na lugar. “Saan ito?” tanong ko. “Pampanga,” tipid na sagot nito. Sabay bukas ng pinto para lumabas at umikot, para alalayan ako sa pagbaba. “Five years ago, may kasamahan ako sa trabaho na abogado din. Sa ibang bansa na sila ng family niya for good na. Noong una ayaw ko bilhin itong lugar. Kasi masyadong marami ang puno at liblib. Pero dahil mababa ang bigay niya na price, at hindi pa naman ako noon mahilig bumili ng properties kinuha ko na rin kahit hindi ko alam kung para saan ko ba magagamit ang property na ‘to. Obviously, walang kapitbahay dito at mahirap ang supply ng foods. Hahaha! Kaya ayaw ko dito. Never did I know, mukhang ikaw pala ang magmamana ng lugar na ‘to.” Nakangiti si Austin na nagkukwento. Nilibot ko ang aking paningin. Ang ganda ng paligid. Hindi nakakatakot dahil ang daming halamang namumulaklak. Pero masyadong masukal na. “Gusto ko dito. Give me your bank account and kung magkano ito,” nakangiti na sabi ko kay Austin na tumango. Binuksan nito ang bahay at napangiti ako. Maganda ang loob kahit dalawang palapag lang ito, mukhang safe naman dahil maganda ang mga bintana at pinto. Maging ang pagkakagawa ay mukhang matibay talaga. “May maliit na parang falls sa hindi kalayuan dito. Pero hindi ko na tanda kung saang banda. May contact pa naman ako sa dating owner. Ang alam ko, may mga naninirahan sa palibot nito, pero mga katutubong lokal. Yung gate na dinaanan natin kanina ng huminto tayo, nakaregister doon ang plate number ng sasakyan ko, dahil kung hindi, baka hinabol na tayo ng itak kanina. “Ganun dito ka higpit?” Paniniguro na tanong ko. Tumango lang si Austin kaya napangiti ako. Nilibot ko ang buong bahay hanggang sa makarating ako sa likod. Napangiti ako ng malanghap ko ang sariwang hangin. May balcony dito na ang likod ay bangin. Medyo nakakatakot, pero okay lang. Mukhang tahimik at fit sa akin ang lugar. Naupo lang ako sa mahabang upuan na kutson at nakatingin sa malawak na puro berdeng dahon. Hindi ko alam kung nasaan na si Austin. Mukhang kinausap sa phone ang kaibigan niya. “Dah, sa gilid pala doon ang daan papuntang falls!” Malakas na sabi ni Austin at tinuro ang kanan na bahagi ng masukal na damuhan. “Please, kumuha ka ng tao na maglilinis dito. Palagyan mo din ng harang na mataas banda dito, para safe sa bata. Stainless siguro na harang, yung hindi kasya ang kahit maliit na bata. Ako bahala sa gastos,” seryosong sabi ko sa aking kaibigan na kunot ang noo na tinitigan ako. “I want you to know that I'm still here for you, always on your side. I'm hesitant to comment on anything involving your mom, as that's a personal family issue. All I can offer is an ear to listen. It's difficult for me to even give an opinion because I don't want to risk making a mistake. Kaya please, kung may plano ka, ipaalam mo sa akin.” Seryoso si Austin na nakaluhod pa sa harapan ko. Napangiti ako na hinaplos ang pisngi nito. Kung sana dito na lang ako nakaramdam ng lahat ng bagay na naramdaman ko kay Hero sure ako sa safe ang puso at isip ko. Pero ang nakakalungkot, kapatid lang talaga ito para sa akin. “Bakit kasi hindi na lang ako?” Lumuluha na nakapikit si Austin habang hawak din ang kamay ko na nananatili sa kanyang pisngi. “I'm sorry. Kung pwede lang sana na turuan ang puso. Ang unfair naman kung ikaw lang ang nagmamahal. Ayaw ko ikulong ka sa one sided relationship,” paliwanag ko dito. Tumayo si Austin at nakangiti na pinahid ang kanyang luha. “Pa-gabi na, tara na? Walang pagkain dito. Snack lang ang binili natin kanina. Kainin mo na lang habang nasa biyahe pauwi. Balik na lang tayo dito pag malinis na. Baka kasi may mga ahas na o kung ano dito. Di natin alam.” Medyo nalungkot ako para sa kaibigan ko. Nagpapanggap lang ito na okay ngayon at masyadong obvious ang panginginig ng boses nito habang nagsasalita. “Kanina pa tumutunog ang phone mo, hindi mo ba sasagutin?” tanong ni Austin habang nagmamaneho. “Hello?” Balewala na sagot ko sa kausap ko sa kabilang linya. “Pauwi na kami. I'm with Austin,” sagot ko kay Hero na pinatayan ako ng tawag kaagad. Ipinikit ko ang mga mata ko. Parang ayaw ko talaga umuwi, pero ayaw ko naman mag-alala si mommy sa akin. After all, ina ko pa rin siya. Kahit ba nagseselos ako sa kanya ng sobra. Pagdating namin sa gate, nagpapaalam na si Austin na hindi na papasok. Dahil sabi ko, ayaw ko na makipag-usap, matutulog na ako agad. Kaya naglakad na lang ako papasok sa loob ng gate at nag wave dito ng kamay habang papalayo ang sasakyan. Pero nanginginig ang mga tuhod ko ng naabutan ko si mommy at Hero na magkayakap sa sala. Ang mga kasambahay at bantay kanina sa gate, naabutan ko na nagbubulungan, kaya nagmadali akong pumasok. Lalo pa akong nainis, dahil si mommy nakapantulog na damit na ngayon at si Hero nakasuot lang ng boxer shorts at walang damit pang-itaas. “A–Anong meron? Bakit kayo ganyan?! Napaka-insensitive ninyo. Ikaw mommy, may asawa ka na at andoon sa kwarto agaw buhay. Ikaw Hero, asawa mo ako pero kung maglingkisan kayo ng mommy ko, para bang ako pa ang dapat mahiya at mag adjust. Ang mga maids, usap-usapan kayo! Hindi ba kayo nahihiya kahit na lang sa akin?” Hinihingal at mataas na tono kong sigaw sa dalawa. “What? What are you saying Dahlia? Listen, no one is…” Hindi na natapos ni mommy ang sasabihin niya ng tinalikuran ko ito at mabilis akong umakyat sa taas. “Dahlia, honey please open the door,” Mahinahon na sigaw ni Hero sa labas ng pinto ng aking kwarto. Nagmamadali ako na nilagay na lang lahat ng mahalagang papeles sa maleta ko at ilang damit ko. Sabay bukas ko ng pinto at namumula ang mga mata ni Hero ng mabungaran ko. “Swear to God, If I stay in this house, you'll all just wake up to find me dead,” mahinang bulong ko kay Hero. “Dahlia, please, give me a moment to explain. I ask you to trust my words. These feelings are completely new to me, and being in a relationship is something I’ve never experienced before. At my age, I’m still learning how to navigate all of this, but one thing I know for sure is that my heart genuinely cares for you. Believe me when I say you mean everything to me.” Saglit ako na natigilan sa sinabi ni Hero. Pero nasasaktan ako ngayon ng sobra, kaya gusto ko munang huminga. “Please, hayaan mo muna ako,” mahinahon na bulong ko. Hanggang sa nararamdaman ko na unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa braso ko. “Baby, Dahlia please…” lumuluha si Mommy ng abutan ko sa sala, pero sarado ang isip ko ngayon at ayaw ko tumanggap ng paliwanag. Ayaw ko din dagdagan pa ang mga masasakit na sinabi ko kanina sa kanila. Kaya hinalikan ko na lang ito sa noo at hila ko ang maleta na lumabas ng mansion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD