CHAPTER: 15

1201 Words
“Raquel, nandito na ako sa labas ng condo mo,” sabi ko sa aking kaibigan mula sa kabilang linya. “My Goodness! Anong nangyari? Teka, halika muna sa loob,” tulad ng inaasahan ko, exaggerated ang reaction nito. Pero nagtataka man, hila nito ang bagahe ko papunta sa loob ng elevator habang nakatitig sa mukha ko. “Mamaya ko na lang kukwento sayo. Medyo pagod din ako sa byahe ‘e.” Sabay yakap ko sa aking kaibigan. Hindi nagtagal, nakarating kami sa unit nito. “Bukas ka na mag kwento. May pagkain dyan. Sorry sis, kailangan ko umalis. Kulang ng OB sa emergency.” Sabay pasok nito sa kanyang silid at kinuha lang ang bag niya at hinalikan ako sa pisngi. “Lahat ng kailangan mo nandito naman. Kaya bahala ka na okay? Call me, pag may need ka pa.” “Salamat. Baka bukas aalis na na rin ako or maybe two days lang ako dito,” nakangiti na sabi ko sa aking kaibigan na inikutan lang ako ng mga mata. “Walang nagpapa-alis sayo dito. Pwede ka dito kahit habang buhay mo pa. Dahil regalo mo ito sa akin. Pag nakapagtapos na ang dalawang kapatid ko, magreresign na ako sa trabaho ko na toxic at magpapatayo na lang ako ng sarili kong clinic. Wala na akong social life at puro na lang puki ang nakikita ko. Wala rin akong lovelife at feeling ko, kahit tumuwad ako sa harapan no Charle, hindi man lang ako susulyapan ng tingin. ” Sabay dabog nito at lumabas ng pinto. Natatawa na lang ako dito at kahit papano, saglit na nawala sa isip ko ang nangyari kanina sa bahay. Medyo napangiti habang naiiling na pumasok ako sa isang silid na available. Noon pa ako nag offer na pag-aaralin ang mga kapatid ni Raquel, pero ayaw niya. Mas gusto daw niya na sariling sikap niya itaguyod ang mga ito, para hindi daw siya makonsensya. Naghubad na ako ng aking damit at nag half bath lang ako. Tumayo ako at uminom ng vitamins na reseta rin nito sa akin. Ito din ang doktor ko, kaya kahit papano ay kampante ako. Habang nakaharap ako sa salamin, napangiti ako sa baby bump ko na medyo visible na. Pinigilan ko ang umiyak, dahil alam ko naman na walang maganda itong maidudulot sa akin o sa baby ko. Kaya hinaplos ko na lang ang aking tiyan at tumingala para mas mapigilan ang pagbagsak ng aking luha. Dinampot ko ang aking cellphone matapos ko mag bihis. Nagpadala ako ng voice message kay Austin at after nito ma-seen ay tumatawag na agad ngayon. “Ayaw ko makipag-usap. Please kung kaya, ipalinis mo ang bahay sa Pampanga. Gusto ko lumipat sa Wednesday,” medyo pagod na sabi ko sa aking kaibigan. “Seryoso ka?” Tanong nito na hindi ko sinagot. “Okay, doble na lang siguro kukunin ko na helper bukas. Magpahinga ka na muna, ikwento mo na lang ang nangyari pag nagkita tayo.” Halata ang pag-aalala sa boses nito. Pero dahil parang pagod na pagod ako ngayon, gusto ko muna matulog at ipagpabukas na lang ang lahat. “Sige, bye na.” Sabay patay ko ng tawag. ____ “Hero, anong gagawin natin ngayon?” Tanong ni Rose sa akin habang umiiyak. “Sa ngayon, wala. The enemies need to think that you're the woman I love, not Dahlia. We can't let everything we've worked hard for be ruined.” “H–Hindi ko kaya na pati si Dahlia malagay sa kapahamakan. Kung nandito lang sana si Mommy. Kung hindi dahil sa kanya, hindi sana magiging ganito kagulo ang lahat. I wish he had ended things with Jessica back then. Para hindi na kami ginigulo ng ganito. Sabihin mo kay Leo, bilisan ang kilos. Dahil may mga galamay pa rin ang babaeng ‘yon na gumagalaw para sa kanya,” lumuluha kanina. Pero ngayon, halata na ang matinding poot sa salita at mukha ni Rose. “Magpahinga ka na. The entire mansion is surrounded by guards, so don't be afraid. I'll talk to Raquel first; I need to know if Dahlia is okay. I know she's the only one my wife would go to.” Sabay tayo ko at diretso akong lumabas ng bahay. Habang nasa loob ako ng sasakyan, hindi ko maiwasan na hindi masuntok ang manibela. Kung akala ni Jessica ganun ko lang siya kadali na mapapatawad, nagkakali siya. Oras na lumabas na ang kanyang anak, pagbabayaran niya ang malaking gulo na ginawa niya sa mag-inang si Rose at Dahlia. Maging sa akin. “Any update?” Tanong ko kay Leo na kasasagot lang ng tawag ko. “Konting hilot na lang, bibigay na ‘to. Mukhang wala naman itong kasabwat na sindikato. Mukhang isang tao lang ang lagi nitong kausap. Yun ang kailangan natin alamin,” kanina ay mapaglaro, pero ngayon ay seryoso ang tono ni Leo. “I have faith in you, brother—you know that well. We're nearing our target, so we must proceed with caution. The only issue is that my wife Dahlia has escaped from me,” problemado na kwento ko. “Hahahah! Kahit ako naman ang babae lalayasan kita. Ang pangit ng plano ninyo ni Charles. Bakit ka ba nagtiwala sa bugok na ‘yon? Alam mong inlove ‘yon kay Dahlia noon pa ma—.” “What? Repeat what you're fvcking said!” “Wait, tol! Brother! Hello?!” Pagpapanggap ng kaibigan ko na may problema sa linya. Pero obviously, nadulas lang ito. Wala akong magawa kundi ang alisin ang earbud sa tenga ko at ihagis na lang basta dito sa loob ng aking sasakyan. Hindi ko namalayan, nandito na pala ako sa hospital at sakto paglabas ko, palabas din si Raquel at ang dalawa pa nitong kasamang doktor. “Doctor Diaz, can we talk?” Salubong ko sa kaibigan ng aking asawa. “Sure, doon tayo sa opisina ko.” Sabay nauna na itong humakbang. “Maupo ka. Anong meron?” Tanong nito matapos namin makapasok sa loob. Kinuwento ko ang lahat na pwedeng malaman ng doktora para lang paboran ako nito. Sa kanyang itsura, mukhang kumbinsido naman ito. “Kahit ako magseselos ‘e. Parang gusto ko na umuwi at yakapin ang kaibigan ko. About sa pakiusap mo, hindi ko alam kung kaya ko pigilan si Dahlia. Marami ka pang hindi alam tungkol sa kanya. Hindi siya masunurin na kaya mong hawakan. Isa pa, hindi ko kayang pigilan si Austin na kausapin at samahan si Dahlia. Dahil mas nauna pa sila na maging mag kaibigan, kumpara sa amin.” Hanggang sa nakalabas na lang ako ng hospital, tulala pa rin ako. Parang wala na akong pagpipilian kundi ang kausapin si Austin. Kaya kinuha ko ang numero nito kay Raquel, pero mukhang matigas, hindi sinasagot ang tawag ko. Napamura na lang ako habang sinisipa ang gulong ng aking sasakyan. “Fvcking love sick!” Mura ko ng paulit-ulit habang naiinis lalo kay Jessica. Dahil kasalanan niya ang lahat ng ito. Mahal ko ang asawa ko, hindi ko lang magawa na maging showy ngayon, dahil malaki ang posibilidad na may kasabwat si Jessica at ito ang may gawa ng nangyaring aksidente sa mag-asawang La Cuesta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD