CHAPTER: 16

1038 Words
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” Tanong sa akin ni Austin. Hinatid ako nito at ni Raquel sa Pampanga ngayon. “Sis, ang creepy naman ng lugar na ‘to. Parang sa mga American horror movie,” sabi ni Raquel na nagakangiwi pa. “Pero kung kasama ko naman dito si baby Austin, kahit patayin pa niya ako ayos lang. Basta g*hasa muna.” Tila ba nanaginip ito ng gising. Kaya naman nailing na nagkatinginan lang kami ni Austin habang tumatawa. Sanay naman na kami sa kakulitan at hayagan na pagsasabi nito ng pagkagusto sa lalaki. “Dahil buntis ka, may makakasama ka dito na magkapatid na dalaga. Pareho silang lokal. Medyo turuan mo na lang at mga walang masyadong alam sa mga gamit na de kuryente. Pero magaling sila sa gawaing bahay.” Sabay turo ni Austin sa iba pang gamit at pag papaalala ng mga dapat ko pang gawin. “Okay na. Sabi mo nga may kasama ako dito na kabisado ang buong lugar. Mahigpit din ang siguridad sa buong lugar, kaya wag ka na mag-alala.” Sabay yakap ko kay Austin at Raquel. Matapos ng mga habilin ni Austin, nauna na itong umalis. Kami ni Raquel ang naiwan dito at ang dalawang kasambahay na dalaga. “Pwede ko na ba malaman sis ang nangyari?” Biglang seryoso na tanong nito sa akin. Matapos ko magkuwento, tahimik lang si Raquel at parang malalim ang iniisip. Niyakap ako nito habang hinahaplos ang aking likod. “Matalino ka sis, alam mo na hindi ganong klase ng babae ang mommy mo. Isa pa, best friend ng daddy mo ang asawa mo. Sana naisip mo na ang nakaraan ay ang mommy mo, ikaw na ang asawa ngayon. Isa pa sis, pinuntahan ako si Uncle Hero sa hospital, nagpapatulong siya na kausapin ka. Pero kahit ganun, kaibigan kita. Kaya sayo ang loyalty ko at wala ako sa posisyon para pumayag sa pabor na gusto niya.” Sabay halik ni Raquel sa pisngi ko. Oras na ang lumipas magmula ng magpaalam ito sa akin. Pero hanggang ngayon ay parang nabaon pa rin ako sa pag-iisip. Sabi rin ni Raquel, masyadong emotional ang buntis. Pero bakit parang hindi aware sina mommy? As if naman hindi niya napagdaanan ang ganitong stage ng pagiging ina. “Kung nandito ka lang sana Lola. Sana may kakampi ako at alam ko ano ang mas dapat kong gawin,” bulong ko sa kawalan. Dahil miss na miss ko na ang grandmother ko. ____ “I shouldn't have trusted your plans! Now what? My wife and my baby bean have left me.” Sabay tungga ko ng alak na laman ng aking baso. Nandito kami ngayon sa isang high end bar sa Pampanga at maghahanap ng paraan para makalapit kay Dahlia. “I know, everything was okay before. Maybe you were the one who went too far? You were too greedy. Dahlia is your wife now, but you still act like Rose is your wife. Ayan! Natinik ka tuloy. Hahahahaha!” Malakas ang tawa ni Charles at nakakapikon ng sobra. Pero napa-isip ako. Hindi kaya, totoo na sumobra ako? Pero hindi ko intensions na magkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-ina. Para tuloy pakiramdam ko, ako ang masama. Kahit pa ang gusto ko lang sana, maging maayos ang pagbubuntis ni Dahlia. “I also didn't expect this to happen. I thought Dahlia only wanted me because she wants a baby.” Sabay tungga ko na naman ng alak. “Mag-isip ka. How do we get close to Dahlia?" “Naalala mo noon ang kwento mo? Noong bagong dating ka lang sa mansion. Akala mo hindi na doon nakatira si Dahlia. Dahil five in the afternoon na, tulog pa rin. Get’s mo ba ako? Kung tulog mantika ang asawa mo, madali na lang ‘to,” nakangsi na sabi ni Charles. “How are we supposed to get in? I heard the natives there are cannibals, which is a major problem. Kung doon sa siyudad kaya natin paganahin ang pera, dito ay hindi ako sigurado.” Napapahilamos na sabi ko sa aking kaibigan. Kaya matalim na tinitigan ko si Charles. Naiinis ako na nakalimutan ko rin na bata pa pala ang napangasawa ko at kailangan ko itong intindihin at gawing baby. Sa dami kasi ng naganap at dahil nasanay ako ng matagal na panahong mag-isa, hindi ko na tuloy alam kung paano makitungo sa babaeng mahal ko. Yes, mahal ko Dahlia una ko pa lang siya na nakita. Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader. Noong nalaman ko na may gusto si Charles sa aking asawa grabe na ang inis ko. Ano pa kaya na alam na pala ni Dahlia na first love ko ang mommy niya. Siguro grabe ang sama ng kanyang loob. “Alam mo ba brother, kung ano daw ang pakiramdam ng ina. Yun din ang nararamdaman ng baby sa loob ng tiyan,” biglang sabi ni Charles habang nakatitig sa kanyang baso na may lamang alak at iniikot nito ang yelo sa likido. “Where did you hear that nonsense?” Tanong ko. “Google,” tipid na sagot nito. Kaya naiinis ako na nagsearch. “Hey! Kung ayaw mo na sa cellphone mo, Ibigay mo sa akin.” Napatayo sa gulat na sabi ni Charles. Dahil biglang ibinagsak sa lamesa ni Heeo ang kanyang latest model ng mansanas na aparato. “Tapusin na natin ang problema kay Jessica. Kung kinakailangan na patayin ko siya gamit ang mga kamay ko, gagawin ko. Rather than worrying about what else that crazy woman might do to my wife.” Naiinis na hinila ko si Charles na hinawakan ako sa kamay. “Si Doctora Raquel, kailangan natin siya makausap. Alam ko na matutulungan niya tayo. Kahit mag install na lang ng cameras sa bahay na tinutuluyan ng asawa mo ngayon. Kahit ‘yon na lang. Habang kumikilos tayo paano mapipigilan si Jessica. “Ikaw ang makipag-usap. Use your charm,” sagot ko dito. “Hindi ko kayang magtaksil kay Dahlia. Sorry brother,” sabi nito sa akin habang nakangisi. “Gago!” Malakas na sigaw ko. Sabay suntok ko sa braso nito. “Malakas ‘yon ah!” Reklamo nito na pinagtawanan ko lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD