Pakiramdam ko, useless ako dahil iniwan lang naman ako ng aking asawang buntis. Nasanay na akong magkasama kami sa isang bahay. Nasanay na din ako na lagi ko siyang nakikita sa loob ng halos isang dekada. Na kalmado at pakiramdam ko kompleto ako, basta’t nandyan lang siya.
“Fvck!” Malakas na mura ko. Dahil pakiramdam ko, hindi na tahanan ang bahay na ‘to. Dahil wala dito ngayon ang asawa ko, na dati naman ay masaya ako, kahit dalawa lang kami.
Ngayong umaga, pakiramdam ko ay may kulang sa akin. Nandito ako sa bahay na pamana sa aming mag-asawa ni Donya Cecilia. Tanging mga kasambahay lang ang dinatnan ko at hindi pa ako bumabalik sa mansion nina Rose at Gideon magmula ng umalis si Dahlia.
Dahil hindi ako makatulog sa aking silid na dati pag higa ko, mahimbing na ako agad na nagpapahinga. Sa silid ni Dahlia ko naiaip pumunta. Napapikit ako ng niyakap ko ang unan nitong gamit.
“If only you knew how much I love you, Dahlia.” Sabay pikit ko ng aking mga mata.
“Dito na titira si Hero simula ngayon. Para naman may kasama kaming lalaki ni Dahlia. Nitong mga nagdaang mga araw hindi ako komportable matulog, pakiramdam ko may nakatingin sa amin. Kaya't pinilit ko itong si Hero na bumalik na ng bansa. Dahil kung hindi siya papayag, konsensya niya na mamatay akong maaga dahil sa nerbyos,” puno ng awtoridad na sabi ni Donya Cecilia. Pero may halong lambing ang kilos. Yumakap pa ito sa braso ko at tumingala na kumindat sa akin.
Pero habang magbibiruan kami nina Rose at Gideon. Naagaw ang atensyon ko sa dalaga na may kargang bata, sinusubuan niya ng pagkain ang nasa isang taong gulang pa lang na lalaki.
“Is she your eldest child, Rose? Why does it seem like she's getting married so early?” Sa tanong ko, nagkatinginan ang tatlo at sabay na nagtatawanan.
“Oo, si Dahlia yan.” Sabay yakap ni Gideon kay Rose.
Hindi na ako nagtanong pa. Pero parang may kung ano sa akin na nanghihinayang. Hindi dahil sa kamukhang-kamukha ito ni Rose. Kundi maging kilos nito, parang si Rose. Pero pag ngumiti, parang si Gideon. Ngiting tinipid.
“Ang ganda niya no?” mahina na bulong sa akin ni Donya Cecilia. Na tinanguan ko ng walang pag-aalinlangan.
“Napakahilig sa bata ng anak ko na yan. Hindi ko na nga mabilang kung ilan ba ang scholars niya. Hindi yan nag cecelebrate ng birthday dito. Doon yan sa kabundukan. Nagdadala ng mga gamit sa school at mga pagkain. Nasa bata talaga ang puso niya,” kwento ni Rose.
Napaisip ako, anong klase ng lalaki kaya ang asawa nito? Sigurado ako hindi papayag sina Gideon na may anak ito at sa murang edad, disgrasyada lang.
“Paano tol? We’ll go ahead! Maaga pa ako bukas,”paalam ni Gideon habang akbay ang asawa nito na si Rose.
“Mommy! Maaga din ako bukas, hindi ko pwedeng alagaan si Rowan,” sabi ni Dahlia na nagpakunot ng aking noo.
Umalis na lang ako at lumabas ng bahay. Sa hardin ko napili tumambay para manigarilyo. Mula sa aking kinatatayuan, kita ko kung paano magmahal ng anak si Gideon. Napangiti ako at para bang bigla ko na lang gusto magkaroon ng pamilya. Iniisip ko tuloy kung sino ang pwede ko maging asawa. Ang kaso, walang babae na malapit sa akin at wala din akong nagugustuhan.
Hanggang sa ang unang araw ko ay naging linggo, buwan at mga taon. Nanatili akong nasa mansion ng Donya. Ako ang namalakad sa mga negosyo nito na ayaw pamahalaan ni Dahlia. Hinayaan ito ng matanda na mag explore at mag enjoy sa kanyang kabataan.
Isang gabi, habang nakaupo ako sa labas at nagkakape. Napansin ko na papasok pa lang si Dahlia ng gate at may lalaki lang na maghatid dito. Napatingin ako sa aking orasan na pang bisig. Alas dos na ng madaling-araw.
“Uwi pa ba ito ng matinong babae?” Malakas na tanong ko kay Dahlia na mukhang nakainom pa. Mali yata ang pagkakakilala dito ng kanyang pamilya. Malayo sa crystal na sinasabi nila na napaka-fragile.
“Uncle Hero! Bakit ang pogi mo?!” Malakas na tanong nito na humakbang pa papalapit sa aking kinauupuan. Kaya naman natumba ito at nagulat pa ako ng napasubsob ang mukha nito sa pagitan ng dalawang hita ko.
“Fvck!” Mura ko. Dahil ang kamay nito, nakahawak–sakal pa ang aking alaga na naninigas na ngayon, dahil sa lamig ng panahon. Tanging pajama na maluwag lang ang suot ko at wala akong suot na panloob. Kaya halos maramdaman ko pa ang init ng palad nito.
“Ay ahas! Ang laki!” Malakas na sigaw ni Dahlia habang nanatili sa kanyang pagkakasubsob sa sandata ko at nakahawak pa rin.
Kaya naman bigla ko itong itinayo at binuhat patungo sa kanyang silid. “Next time, don't drink if you can't handle it. I'm not a saint like they told you. You might end up having another firstborn if I can't control myself with you.” Sabay labas ko ng pinto matapos ko ito ihagis sa kanyang kama.
KINAUMAGAHAN paggising ko, pulang-pula ang mukha ni Dahlia ng makita ko sa hapag-kainan. Mukhang nahihiya ito dahil natandaan ang nangyari kagabi.
“Good morning, Sir!” Puno ng sigla na pagbati sa akin ng isang matanda na kasambahay.
“Good morning, Dahlia.” Nakangiti na kinindatan ko ang babaeng namumula ang mukha. Habang si Manang, tinapik ko lang ang balikat, bilang pagbati din.
Simula ng gabi na ‘yon, madalas ko na tingnan si Dahlia, silipin sa kanyang silid. Hindi ko alam kung bakit nakagawian ko na. Nakangiti ako na natutulog sa gabi basta’t makita ko ang maamong mukha nito. Maging ang pagpunta nito sa mga kabundukan, mula sa malayo ay nakasunod ako.
Madalas wala si Dahlia sa mansion. Kami lang ni Donya Cecilia ang naiiwan. Ang buong araw ng pahinga ko, madalas nauuwi sa kwentuhan lang, na nag-eenjoy din ako. Matalino, madiskarte at tuso ang matanda. Wala itong nilihim sa akin na paraan para umangat. Lahat ng alam nito, tinuro niya sa akin. Ang kapalit, mahalin ko lang si Dahlia.
“But… how? Dahlia has her own family and a child. You can't possibly mean I should destroy her marriage, can you?” Naguguluhan ma tanong ko sa matanda. Isang hapon na araw ko ng pahinga.
“Hahahahah! Stupid! Nakita mo ba na may nagpakilala na asawa dito? Ilang taon ka na dito, di ka ba nagtataka?” Sagot ng matanda na tanong din naman.
“What about the child, though? I don't want to ruin their family,” naguguluhan na sagot ko pa. Dahil baka nga single–mother ito.
“Si Rowan ba? Anak na bunso ‘yon ni Rose, na apo ko rin.” Hawak ng matanda ang kanyang tiyan at tawa ng tawa.
Naiiling na lang ako. Ganap na ganap ang arte ni Gideon. Siguro tawa ng tawa ang gago na ‘yon. Dahil naloko niya ako. Naoansin siguro na hindi maalis ang tingin ko sa dalaga niyang anak ng una ko pa lang makita.
“Na ayos ko na ang lahat, anak. Because of Dahlia, I feel like I have made up for all my shortcomings with Rose. Not only that, I also chose the most suitable man for my beloved granddaughter. Hindi sa hindi perfect si Gideon para kay Rose, ang sinasabi ko, ikaw at si Dahlia,” medyo emotional na sabi ng matandang babae.
“But there's a huge age gap between us. I'm practically Dahlia's father. She might even rebel because you're setting me up with her.” Pero sa sinabi ko, parang di ako kumbinsido. Unang kita ko pa lang sa dalaga, nakuha na nito ang atensyon ko. Nawala lang bigla, dahil akala ko anak niya si Rowan. Pero magmula ng gabi na unuwi ang dalaga ng lasing, para bang bigla na lang naisip ko, “Bahala na!” Kahit na ang mangyari, maging anino ako nito. Tulad ng nangyari noon sa akin, at sa ina nito.
“Sir! Sir! Malamig po ang sahig. Aalalayan ka na po namin sa silid mo,” nagulat ako sa boses ni Manang at kasama na nito ang isang gwardya dito sa mansion. Nakatulog pala ako sa sahig sa sobrang kalasingan. Napanaginipan ko pa ang nakaraan. Noong buhay pa ang matandang Donya.
Bukas na bukas, aalis ako. Pupunta ako sa pulang lupa. Tatapusin ko na ang problema kay Jessica. Para masundo ko na ang aking mag-ina. Parang hindi ko na kaya pang manatili dito na wala si Dahlia. Sobrang namimiss ko na ang asawa ko.