“Any update?” Tanong ko kay Leo mula sa kabilang linya.
“Papunta na ako sa opisina mo. Kailangan natin ito pag-usapan ng personal,” sagot ni Leo na nagpakunot ng aking noo.
Bakit kailangan niya ako kausapin ng harapan? Bakit dadayo pa ito dito. Gaano kahalaga ang impormasyon na hawak nito ngayon.
“Kape?” tanong ni Charles na tinanguan ko lang. Dalawang buwan na simula ng makapanganak si Jessica at hanggang ngayon, nandoon pa rin siya sa isla. Sa higpit ng siguridad doon, sigurado na wala siyang takas.
“Papunta na daw dito si Leo. I wonder what important thing he has to tell me,” sabi ko kay Charles na kalalapag pa lang ng kape sa aking mesa.
Sa pagkakataon na ito, tahimik lang ang kaibigan ko at hindi umiimik. Nanibago ako, dahil hindi naman ito ganito.
“Brother!” malakas na pagbati ni Leo ka papasok pa lang ng pintuan.
Pero nagulat ako ng paglingon nito kay Charles, agad nitong sinugod at pinagsusuntok. “Fvck you! Papatayin kita!” malakas na mura pa ni Leo sa aming kaibigan.
“A–Anong nangyayari, may gusto ba magpaliwanag sa akin?” Salitan ang tingin ko sa dalawa na pareho duguan ang labi. Pero mas nabugbog si Charles, dahil ang kilay nito, pumutok din.
“Bakit hindi mo itanong sa bestfriend mo! Magsalita kang traydor ka!” Malakas na sigaw ni Leo kay Charles na hinablot pa nito ang kwelyo ng suot na long sleeves, sabay hugot ni Leo ng baril sa kanyang tagiliran at tinutok sa noo ni Charles.
“Bakit hindi mo iputok?! Ano, puro amba, duwag naman!” Paghahamon din ni Charles.
Dahil mukhang malabo tumigil ang dalawa, tinalikuran ko ang mga ito at tinungo ko ang aking drawer cabinet. Kinuha ko ang isang baril na may nakakabit na silencer at pinaputukan ko ang sahig kung saan nakatayo ang dalawa.
“Alam mo ba na ang hinahanap natin na mata ni Jessica ay nandito lang sa tabi mo? At alam mo ba na kapatid lang naman sa ina ni Jessica si Charles!” Pasigaw ang boses ni Leo at umalingawngaw sa buong opisina ko.
Sitting there with my shoulders slumped, I felt drained and could barely stir. And out of all the people I know — of course — Charles is the only one I can bring myself to trust. Kaya tumayo ako at nilapag sa ibabaw ng aking lamesa ang baril. Humakbang ako papalapit kay Charles at hawak ang kwelyo ng damit nitong suot, tinitigan ko ito gamit at matalim ko na mga mata.
“Ayusin mo ang paliwanag mo. Dahil kung hindi, papatayin kita ngayon din,” sabi ko dito sabay bitaw sa kanyang damit at tinulak ko sa upuan.
“Lumaki ako na ama lang ang kasama, alam ninyong dalawa yan. Tanging larawan lang ng ina ang meron ako. Sa America habang nagtatrabaho ako bilang teller ng bangko noon, nakilala ko si Jessica. Mabilis nagkapalahayan ang loob namin. Manager siya doon at ginagalang ng lahat. Sa akin lang siya ngumingiti, sa iba masungit siya.
Kaya lakas loob ko siya inaya na kumain. Dahil gusto ko rin magkaroon ng kaibigan. Pumayag naman ito na kumain kami, pero sa fast food lang daw. Alam siguro niya na wala akong pera. Dahil isang buwan pa lang ako sa trabaho. Nag-uunahan pa kami magbayad habang nasa linya pa lang, doon aksidente na paghugot ko ng wallet, nalaglag ito sa sahig at siya ang pumulot. Nakita niya ang larawan ng aming ina.
Noong mga panahon na ‘yon, wala na ang aming ina. Wala na rin ang aking ama. Kaya wala kaming matatanungan. To make the story short, nagpa-DNA kami. Ang resulta ay magkapatid nga kami. Noong una, pumayag ako maging sunod-sunuran sa kanya. Binantayan ko si Rose, hanggang sa naging si Dahlia.
Nabulag ako sa mga nakakaawa niyang kwento, na akala ko siya ang api talaga. Hanggang sa nagkita na tayo ulit sa US, binanggit mo rin ang pamilya ni Gideon La Costa. Doon nagsimula na manimbang ako ng sitwasyon. Kababata kita at alam ko na hindi ka sa akin magsisinungaling.
Ang totoo, pinaniwala ko lang si Jessica hanggang ngayon na kakampi niya ako. Dahil kung sa iba siya lalapit, hindi ko na kaya pang protektahan si Dahlia at si Rose. Ang inaakala ninyo na may gusto ako kay Dahlia ay mali. Dahil maging si Jessica, yun din ang paniniwala niya, na obsessed ako kay Dahlia. Para hindi niya ito galawin.”
Hindi ako makapagsalita. Tinitigan ko si Charles at tinitimbang ko kung nagsasabi ito ng totoo. And knowing him, mukha naman. Dahil hindi nga ni Jessica pinakialaman si Dahlia, kahit pa sa loob ng mansion noon.
“Wow! Just wow! Mukhang nauto mo na naman si Hero. Pero hindi ako! Tandaan mo, babantayan kita simula ngayon!” Sabay talikod ni Leo at nakangisi pa na pinaputukan ng baril ang sahig, kung saan nakaupo si Charles. Sabay suksok muli ng baril sa kanyang tagiliran at umalis.
Naiiling ako na nakatitig lang. Mas mukha pa itong sanggano, kumpara sa doktor. Sino ang mag-aakala na nagliligtas ng buhay ang lalaking ‘yon.
“Wala akong pakialam kung kapatid mo si Jessica. Simula sa araw na ‘to, hindi ka na pwedeng tumapak sa pulang lupa,” sabi ko kay Charles. Sabay tayo at iniwan ko ito.
Sa ngayon, sarado ang isip ko. Ayaw ko muna kausapin pa si Charles. Hahabulin ko si Leo at kailangan ko makaharap si Jessica.
Katapos ang ilang oras na byahe namin sa dagat. Nakarating na rin kami ni Leo sa isla. Tulad ng dati, tahimik ang labas nito. Hindi mo akalain na may ibang negosyo sa loob nito.
“Ano sa palagay mo, mukha bang nagsasabi ng totoo si Charles?” tanong ni Leo sa akin habang sabay kami na naglalakad patungo sa white house.
“Mukhang totoo naman, pero ang ayaw ko lang ay tinago niya ang lahat sa atin. Tatlo na lang tayo na magkasangga. Pare-pareho tayong walang pamilya na masasandalan. Wala tayong aasahan kundi ang bawat-isa. Pero nagawa pa rin niya na mag lihim. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ko pa siya.”
Tumango-tango lang si Leo sa akin na tinapik ang aking balikat. Pagpasok namin sa loob ng bahay, diretso ako sa underground. Naabutan ko si Jessica na nakaupo lang sa harap ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip nito. Ngayon na wala ng make-up ang mukha nito, kitang-kita na ang edad nito. Pagkakita nito sa akin, agad itong lumapit.
“Susunduin mo na ba ako, Hero my love?” tila baliw na tanong nito. Pero halata sa mga mata ang lungkot at pilit na pinapasigla ang boses.
“Nasaan ang bata?” Tanong ko dito.
“Sa kabilang bahay, inaalagaan ng mga kasambahay. Hindi ko pa pinapakita sa kanya. At wala siyang karapatan para makita,” si Leo ang sumagot. Na ang tono ay mapaglaro din.
“Bistado ko na ang kakampi mo. Ano ang gusto mong gawin ko kay Charles?” nakangisi na tanong ko sa babae na biglang sinugod ako at pinagkakarmos ang aking katawan.
“W–Wag ang kapatid ko! Don't you ever lay hands on my brother! Swear papatayin kita! Wala siyang alam sa mga kasinungalingan at kasalanan ko,” umiiyak na sigaw nito.
Napangisi ako na hinawakan ang leeg ni Jessica hanggang sa mamula ang buong mukha nito sa higpit ng pagkakasakal ko. Hindi pa rin humuhupa ang galit ko dito. “Mahal mo pala ang kapatid mo, bakit idinamay mo? Alam mo ba na anumang oras, pwede na siyang ipalapa ngayon sa aking mga alagang aso sa gubat?” pananakot ko pa dito. Para pigain ang impormasyon.
“N–No! Please. Patayin mo na lang ako!” Sigaw nito sabay sugod kay Leo na parang baliw. Agad nitong nakuha ang baril ni Leo at tinutok sa aming dalawa ng salitan. “Si Charles lang ang meron ako. Walang ibang nagmamahal sa akin. Simula pagkabata ko, investment ang tingin sa akin ni Mommy. Si Daddy naman, minolestya ako. Si Gideon, hindi ako inambunan kahit konting pagmamahal. Ikaw! Ginamit lang ako, anak lang ang gusto ko sayo. Kahit anak lang, ipinagdamot mo pa!” Sabay tutok nito ng baril sa kanyang ulo.
Nagkatitigan kami ni Leo at nag-usap sa tingin. Walang pag-aalinlangan na sinugod namin ito ng sabay. Hanggang sa isang putok ng baril ang nagpatigil sa aming mundo sa mga oras na 'to.