CHAPTER: 19

1306 Words
Daplis sa kaliwang balikat ang natamo ni Jessica. Mabuti na lang naagaw kaagad ni Leo ang baril. Ngayon ay nasa loob ng hospital dito sa isla ang babae at nagpapagaling. “Anong plano mo?” Tanong ni Leo. Nandito kami sa labas. Naninigarilyo habang nagkakape. Malamig ang simoy ng hangin at kasabay ng bawat pag samyo ko, lalo akong nalulungkot, dahil wala pa si Dahlia at ang anak ko sa aking tabi. “Kakausapin ko si Rose. Siya ang napirwisyo ng sobra ni Jessica.” Sabay simsim ko ng kape sa tasa. “May time na naaawa din ako kay Jessica. Kaya nga hindi ko na gagawing palahian ‘e,” Natatawa na sabi ni Leo. “Pero pag naiisip ko ang mga kasamaan na kaya niyang gawin pa, parang gusto ko pilipitin ang leeg ng hindi na makapaminsala pa ng iba,” dugtong pa nito na biglang dumilim ang mukha. “Kahit ako, magiging bias ako dahil kapatid niya si Charles at nakita naman natin kanina lang kung gaano ito ka importante sa kanya. But what if she's just pretending? That everything is just drama to make us feel sorry for her so we won't punish her anymore.” “Same though brother!” Sagot ni Leo. “Samahan mo ako!” Sabi ko dito. “Saan?” Tanong naman nito. “Aakyatin natin ang bagong bahay ni Dahlia sa Pampanga. Parang mababaliw na ako kakaisip sa mag-ina ko,” pag-amin ko sa aking kaibigan na tumatawang tinapik ang aking balikat. Nagpasya kami ni Leo na umalis na agad at iwan muna ang pamamahala sa mga tauhan sa isla. Sa hindi kalahihan na yate kami sumakay. Pero makalipas ang halos isang oras, pagdaong pa lang namin sa pampang, agad kami napalaban sa mga hindi kilalang grupo. “Hero!!!!!” Ang huling narinig ko, bago nagdilim ang aking paningin. ___ “Ate! Ako na po ang magliligpit. Baka masugatan ka pa,” sabi ng isang katutubo na kasama ko sa bahay. Nanginginig ang tuhod ko ng biglang mabitawan ko ang baso na may lamang gatas. Bigla akong napaupo at napahaplos sa aking umbok ng tiyan. Parang bigla na lang gusto ko tumakbo pauwi ng bahay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Ano kaya ang nangyari kay Daddy? “Sana, sana okay ka lang. Please Daddy, be strong,” mahina na bulong ko sa aking sarili. Nang kumalma na ako, agad kong tinawagan si Austin. “Please, pumunta ka sa bahay. Alamin mo kung may nangyaring masama sa magulang ko.” Pakiusap ko dito. “Okay. Calm down, makakasama sa baby mo yan,” malambing at may pag-aalala sa boses na sabi nito sa akin. Hindi ako mapakali matapos ang pag-uusap namin. Hanggang sa lumipas ang halos maghapon, dumating din si Austin sa bahay. “Tsk! Napaparanoid ka lang. Umuwi ka na kaya? Okay lang si Uncle Gideon. Besides, any moment pwede na siyang magising. May mga sign na malapit na. Si Tita Rose naman, okay din siya. Pero, simula ng araw na umalis ka. Hindi pa din daw bumabalik ang asawa mo.” Sa sinabi ni Austin, doon ako nanginig. Dahil baka ito ang napahamak. Pero kailangan ko mag-ingat. Kailangan ko alagaan ang bata sa sinapupunan ko. Mas mainam pa rin para sa aming lahat na lumayo ako sa lahat ng gulo. Dahil maging ang mga doktor, hindi sigurado kung una, may susunod pa o huling anak ko na rin ang nasa sinapupunan ko ngayon. Sa ngayon, tanging panalangin lang ang kaya ko gawin. MAKALIPAS ang siyam na buwan… “Nakapaka gwapo ng anak mo, sissy! Kamukhang-kamukha ng daddy nya.” Sabi ni Raquel sa akin. Lumapit pa talaga ito para asarin ako. Hindi ako umimik, ngiti lang ang naging sagot ko dito. Ipinagpatuloy ko ang pag sayaw sa aking isang buwan pa lang na anak. Hindi ko alam kung oras na ba para bumalik ako sa bahay. “Sa palagay mo, may babalikan pa ba ako?” Tanong ko sa aking kaibigan na ngumiti. “Bakit hindi mo subukan? Sasamahan ka namin ni Austin. Lagi lang kami nasa tabi mo, kahit ano pa ang maging desisyon mo.” Sabay yakap sa akin ni Raquel. Nagpapasalamat ako ng malaki sa dalawang kaibigan ko. Sila ang nanatili sa tabi ko na masasabi kong one call away lang. Ginawang kapitbahay ang Manila to Pampanga. “Wait lang, tumatawag si Austin,” putol ni Raquel sa usapan namin. Kaya't natahimik kami pareho. “Ano daw?” Tanong ko dito na nanlaki ang mga mata at nagtatalon sa tuwa. “Tutulungan na kita mag impaki sissy! Gising na si Uncle Gideon! Gising na ang daddy mo!” malakas na sigaw ni Raquel na nagpaluha sa akin dahil sa sobra kong katuwaan. “S–Sige! Bilisan natin, para hindi tayo abutin ng gabi sa daan,” nanginginig ang labi ko sa halo-halong emosyon. “Kayong dalawa, kasama kayo huh? Wala akong iba na pinagkakatiwalaang mag-aalaga sa anak ko, kayo lang. Bukod kay Austin at Raquel,” sabi ko sa dalawang katutubo na mukhang excited din sumama. “Ma’am Dahlia, kinakabahan ako. Baka masungit ang magulang mo,” sabi ni Mayumi, ang isa katutubo na kasambahay. “Hindi naman siguro, Ate. Mabait naman si Ma’am. Kaya sigurado na mabait din ang magulang niya,” sagot naman ni Magayon. Hindi ako makasabay ng kwentuhan sa kanilang dalawa, maging si Raquel at Austin, di ako makausap. Okupado ng sari-saring isipin ang utak ko. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ano ang naghihintay sa aking pagbabalik. “Daddy!” malakas na sigaw ko pagdating sa mansion na bahay ng aking mga magulang. Ang aking ama ang bumungad sa akin, nakaupo sa wheelchair at nagpapainit sa hardin. Nasa tabi nito ang nurse at si Mommy. “My baby,” tipid na sagot ni Daddy. Lumuluha ito na bukas palad na hinihintay ang yakap ko. “I'm sorry, Daddy. Patawarin mo po ako, iniwan kita noong panahon na kailan mo a–” “Shhhhhh. It's okay. Hindi mo kailangan magpaliwanag kay Daddy, naiintindihan kita baby ko.” Sabay haplos ng aking ama sa aking likod. Kaya't mas lalo akong umiyak. Dahil sa lahat ng tao, ito talaga ang nakakaintindi sa akin. “Anak,” mahinang bulong ni Mommy na tawag sa akin, kaya't napalingon ako. “Kayo na ba ni Hero? Pwede naman akong mag file ng annulment, bukas na bukas din.” Sabay kalas ko sa pagkakayakap sa aking ama. “Baby, listen to me: Your mom and Hero aren’t in a romantic relationship. The only reason Jessica needs to believe your husband doesn’t like you is so she won’t do anything to hurt you. That woman’s crazy — she pulls everyone into her mess. So the two of them decided that to keep you safe, they had to pretend they were in love and that they were ignoring me. On top of that, Jessica is the one who caused the accident your mom and I were in.” “Kitang-kita ko paano sila mag lambingam, and you believe them?” giit ko pa sa aking pinaniniwalaan. “Baby, may CCTV ang buong bahay at recorded ang audio. Pwede mo panoorin. Isa pa, kausapin mo si Charles. Alam niya ang lahat. Bukod pa doon, ang asawa mo ay kagagaling lang din, mula sa aksidente. Nakakulong ngayon si Charles dahil ito ang nag tambang sa asawa mo.” Hindi ako makagalaw. Ang dami na pala nangyari, ang dami ko pa lang hindi alam. Nanghihina ako sa sobrang kahihiyan ngayon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Mommy at si Hero. Mukhang nasobrahan ako, mukhang sa pagkakataon na 'to, ako ang mali. Sinayang ko ang emosyon at oras sa kaartehan, kung sana naging bukas ang isip ko at mas inuna ko makinig, sana naalagaan ko man lang ang asawa ko, lalo na sina Daddy at Mommy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD