“I'm really sorry, Mommy. Nadala ako ng selos, masyado akong naging selfish,” umiiyak na paghingi ko ng tawad sa aking ina. Akmang luluhod pa lang ako ng hawakan agad ako nito sa siko. “No anak, hindi mo kailangan gawin yan. I want you to know that your feelings are validated. Sadyang sinadya ka namin tiisin, para hindi ka mapahamak. Pasensya ka na anak. Kung alam mo lang kung gaano kasakit para sa akin, na ina mo ang sitwasyon natin.” Sabay hagulgol ni Mom ng iyak. Kaya napayakap ako dito. Halos ayaw ko bumitaw. Yung init ng yakap na sa ina mo lang mararamdaman. Yung hagulgol niya na nasasaktan, parang hinihiwa ang puso ko. Yung nanginginig niyang boses kanina habang nagpapaliwanag, parang gusto ko sakalin ang sarili ko. Ang sakit! Sobrang sakit pala makita na ako ang dahilan kung bak

