CHAPTER: 9

1186 Words
“S–Señora Cecilia, what is this?” halos sabunot ko ang aking buhok habang hawak ang papel kung saan pirmado namin ito ni Dahlia. “Bakit, may problema ba sa apo ko?” taas ang isang kilay na sabi ng lola ni Dahlia. Mahina na itong maglakad, kaya nakaupo na lang sa wheelchair. Pero matalas pa rin ang dila magsalita. “Your grandchild is far too young, Señora. And considering that she's Gideon's child—Gideon, my best friend.” Napayuko ako habang pinipilit na kumalma. “Wag mo na problemahin ang mga bagay na ‘yan. Let's say, magpanggap ka na lang na walang alam. Total, malapit na rin naman akong mamatay. Ilang taon na lang itatagal ko o baka buwan na lang. Who knows. I'm sure that when they find out about your secret marriage with my favorite apo, I'm already dead.” Nakangiti pa ang matanda habang nagsasalita. Habang ako, stress sa desisyon nito at panloloko sa akin. Siguro, ito yung time na nagmamadali ako at may meeting. Dahil sa sobrang tiwala ko sa matandang ‘to, naisahan ako. “Ayaw ko mapunta sa iba si Dahlia. Ayaw ko rin mapunta sa iba ang lahat ng meron ako na dugo at pawis literal ang inalay ko. Ikaw lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko. Ikaw lang din ang taong nakakaalam ng mga sikretong negosyo ko. Kung patay na ako at magdesisyon kayong maghiwalay, lahat ng ari-arian ko, mapupunta sa charity. Pero kung magkaroon kayo ng anak sa hinaharap, sa kanya mapupunta ang lahat. Pero pera lang yan, mahalaga ang apo ko. Sa buhay kong ito, sa kanya ko binuhos lahat ng pagmamahal ko kay Rose na hindi ko naibigay, dahil may asawa na siya ng balikan ko. Kaya sana, ingatan mo ang apo ko.” Medto emosyonal ito, kaya medyo kumalma ako at naawa. Naiiling na tinungga ko ang alak na laman ng aking basong hawak. Bumalik sa akin ang mga nangyari sa nakaraan habang umiinom ako ngayon mag-isa. Isa ito sa dahilan kung bakit bumalik ako ng bansa. Okay na sana ang buhay ko na palipat-lipat ng bansa para sa negosyo ng matanda. Kaso, hindi ko pwedeng hayaan na lang si Dahlia. Dahil personal ito na hiling ng nag-iisang tao na nagtiwala sa aking kakayahan, na ngayon ay wala na. “Sir! Sir!” sunod-sunod na katok ang nagpatayo sa aking pagkakaupo at pagmumuni-muni. Pagbukas ko ng pinto, si Manang pala. “Yes, Manang?” kunot-noo na tanong ko sa matanda. “I'm sorry, Sir. Pero si Ma’am Dahlia, paalis na,” hinihingal na sabi nito. Natigilan ako at nag-iisip ng paraan. “Sige, ganito na lang. Sakyan mo gagawin ko. Kunwari lasing na lasing ako okay?” sabi ko sa matanda na natigilan pa. Sa sobrang seryoso kong tao, hindi siguro nito akalain na maiisipan ko ang ganitong kalokohan. Hindi ko naman akalain na paglabas pa lang ng silid ko, sisigaw na itong si Manang. At hindi ko din naisip na maaari akong pagsamantalahan ni Jessica ngayong nagpapanggap ako. Mabuti na lang mabilis gumana ang utak ko. Kaya nahiga ako agad sa hita ni Dahlia, habang nakaupo at mukhang nang-aasar sa kanyang tiyahin. Hula ko ay sinakyan lang din ako at alam na nagpapanggap akong lasing. I'm not drunk. I just pretended to be drunk so I could stop Dahlia from leaving. I still want to talk to Dahlia and clarify the relationship we have. Kaso, mukhang bistado ako ng babae. “Stop pretending to be drunk. Your fiancé has already left,” sabi ni Dahlia na bigla na lang tumayo at hinawakan agad ang kanyang maleta. “Manang! Sabihin mo sa mga gwardya at sabihin mo sa gate ng Village, wag palabasin si Dahlia. Umakyat ka sa taas, please. Bago pa kita buhatin at baka maipit ko pa ang tiyan mo,” sabi ko kay Dahlia na parang iiyak na. Kaya mabilis akong tumalikod at binaybay ang hagdan pataas. “Ano ba kasi ang plano mo?!” pasigaw na tanong ni Dahlia habang nakasunod sa akin. Kahit galit na ito, tulad ni Rose, mahinahon pa rin kung magsalita. “Please, have a seat first.” Turo ko sa upuan, sabay salin ko ng alak sa baso. “Ayaw ko, sabihin mo na sa akin ngayon pa lang kung bakit hindi ako pwedeng lumabas ng sariling mansion ko!” mataas na ang tono ni Dahlia sa pagkakataon na ‘to. Pinaikot ko muna ang yelo sa baso na may lamang alak bago ko ito tinungga. Humakbang ako patungo sa lamesa sa kabilang side at binuksan ko ang drawer. Kinuha ko ang isang brown envelope at dinukot ko ang laman na papel, sabay balik ko sa kinatatayuan ni Dahlia at inabot sa kanya ang papel. May pagtataka ito na tinitigan muna ako sa mukha. Maging ako, biglang naging mahina sa confrontation, dahil sa bagay na ‘to. Kung business matters ito, madali lang siguro para sa akin. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin o ipapaliwanag o simulan ang paliwanag. “T—Teka! Kelan ako pumirma dito? Sila Mommy ba alam ito? Paano ito nangyari?” sunod-sunod na tanong ni Dahlia na mabilis ko hinawakan ang balakang. Dahil parang mabubuwal ito sa pagkakatayo. “Sabi ko sayo maupo ka muna.” Nanghihina na naupo naman sumunod sa akin si Dahlia. “Si Señora Cecilia, ang lola mo ang may gawa ng lahat. Ito din ang dahilan kung bakit ako umuwi ng bansa. Pwede mong kausapin ang abugado ng pamilya ninyo kung marami ka pang tanong na hindi ko kayang sagutin,” pagbubukas ko ng usapan. “Naalala ko na! Sabi ni Mamita, pamana daw niya sa akin ang pirmahan ko. Binasa ko naman ang ilang papel noon, pero sa dami, hindi ko na binasa pa ang iba,” mahinang bulong ni Dahlia sa sarili, na sapat para marinig ko. Ganun na ganun din ang style na ginamit sa akin ng matanda. Dahil binasa ko din ang mga unang pahina ng papel na pinirmahan ko, pero dahil tiwala ako, nilagdaan ko na lang din ang iba. Isa pa, andoon din si Charles. Bahay ang suhol sa kanya ng matandang tuso, kaya tinabla ako. Habang tahimik na nagsasalita mag-isa si Dahlia, umiinom naman ako ng alak. Dahil sa medyo tinamaan na ako, niyakap ko ito mula sa kanyang likod, habang nakaupo pa rin. “Kaya legally…asawa kita. What we shared in bed is just normal for a married couple,” bulong ko dito habang hinahalikan ang kanyang batok. “Please stop. Hindi mo na ako madadala sa ganyan. You need to clear things out with Aunt Jessica bago mo ako landiin,” sabay tayo nito at hinampas pa muna sa akin ang papel bago tumalikod at iniwan ako sa loob ng aking silid. Napabuntong-hininga na lang ako. Pero ang mahalaga sa ngayon, hindi ito nagalit, hindi din umiyak si Dahlia. Mukhang sa kanyang reaksyon, hindi naman plano agad na makipaghiwalay ang aking batang asawa. Tungkol sa tiyahin nito, madali na lang para sa akin ang lahat. Lalo pa’t bukas na rin sisimulat ang surpresa ko na paternity test sa batang pinagbubuntis ni Jessica.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD