“Bakit ka pa bumalik?” salubong na tanong sa akin ni Tita Jessica na halata ang pagka-irita sa mukha at pananalita.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil ayaw ko ng gulo. Pero makulit ito at hinarangan pa ako sa hahakbangan ko sana. Kaya ngumiti ako tinitigan ito ng nakakaloko.
“Pag hindi ka tumabi, itutulak kita para madulas ka. Pag mapahamak ka, wag mo akong sisihin, pwedeng mawala sayo ang bata na ginagawa mong sangkalan para manatili ka sa bahay ko at makasama si Uncle Hero.” Sa sinabi ko, bigla itong namutla at tumabi. “Alalahanin mo, matanda ka na at first and last chance mo na ‘yan. Wag ako ang guluhin mo, dahil hindi ako nakikialam sayo,” dagdag na sabi ko pa, sabay diretso ako sa kusina para uminom ng tubig.
“Ma'am Dahlia, balik ka na dito. Kung hindi, aalis na lang kami,” sabi ni Manang na lumuluhang inabutan ko.
“Bakit, anong ginawa sa inyo ng bruha?” tanong ko na may halong pag-aalala.
“Pag wala na si Sir Hero, sinasaktan kami ni Ma’am Jessica,” sumbong ng matanda na para bang nagpakulo ng dugo ko.
“Hayaan mo, kakausapin ko po si Uncle Hero,” sabi ko sa matanda na tumango at nagpasalamat sa akin.
Nag ayos ako ng aking mga damit at inalis ang mga gamit na makaka-ipit sa tiyan ko. Plano ko rin umuwi muna sa mansion nina Daddy. Hindi ko kayang tagalan na nakikita ang mukha ni Jessica dito sa sariling mansion ko pa mismo. Kaya ako na mag-aadjust.
“Are you going to run away again and leave me?” tanong ni Uncle Hero sa akin.
Hindi ako umimik at nanatili akong tahimik habang nagliligpit. Kanina ay panay na ang katok nito, hindi ko binigyan ng pansin dahil bulag yata ito sa mga nangyayari sa bahay na ito.
“U–Uncle,” halos hindi ako makahinga ng pagpihit ko, nasa harapan ko na ito at halos magkadikit na ang aming mga ilong. Napatingala lang ako at napatitig sa gwapo nitong mukha. Sinasaway kong pilit ang aking sarili na wag maging marupok sa mga oras na ito. “Galing ako sa magandang pamilya at pinalaki ako ng maayos, parang hindi naman tama na maging kabit mo lang ako,” pagtataray na sabi ko dito, sabay ipon ko ng lahat ng aking lakas at tinulak ko ito sa kanyang dibdib.
Bumuntong-hininga muna si Uncle bago binuka ang kanyang bibig at muling sinara. Tatalikod na sana ako at iiwan na ito sa loob ng silid ko mismo ng hawakan nito ako sa kamay.
“I'm not sure about what happened between Jessica and me in Singapore. But to myself, I know that nothing happened between us. Paulit-ulit ko binabalikan ang mga nangyari, pero wala akong maalala. Maging ang alaga ko, tinitigan ko pang mabuti that time. Kilala ko ang sarili ko, when it comes to bed. Alam mo rin yan. One round is not enough for me. Kaya pagkatapos, madalas namumula ang butas ng alaga ko. Pero ng araw na ‘yon, wala. Magaling lang si Jessica, nagawa niyang planuhin ang lahat. Dahil burado ang mga CCTV. Pero linggo lang, gagawin na ang paternity test sa laman ng tiyan niya. Kung ako ang ama, willing ako ibigay lahat ng nararapat sa anak ko. Pero hindi ang itali ang sarili ko kay Jessica. Tungkol naman sa anak natin, mananatili ka sa tabi ko. Sabihin mo ng makasarili ako, pero dito ka lang. Dito lang kayo ng anak natin,” sabi nito sabay bitaw sa kamay ko at lumabas na ng aking silid.
Hindi ko alam ang gagawin. Napaupo na lang ako sa gilid ng kama. “Paano bang katangahan ang ginawa ko at napunta ako sa ganitong sitwasyon?” naiinis na bulong ko sa aking sarili.
Kailangan ako ni Mommy ngayon at lalo na ni Daddy, kaya't gusto ko man manatili pa, aalis ako ngayong gabi para mas mabantayan ko ng personal ang mga magulang ko, sa ayaw at sa gusto ni Uncle Hero..
“Dahlia!!!!!” malakas na sigaw ni Manang ng palabas na ako ng gate. Dahil pababa naman si Uncle Hero ng hagdan at mukhang mahuhulog pa ito sa sobrang kalasingan.
“Manang, hayaan na ninyo mahulog. Hindi ko kayo pwede tulungan, may laman na bata ang tiyan ko. Baka ma out of balance pa tayo pare-pareho,” nayayamot na sabi ko sa matandang kasambahay.
Sabay upo ko sa sofa at masama kong tinitigan si Uncle Hero. Ang tiyahin ko, namumula ang mga mata na lumapit sa kinauupuan ko at masama akong tinitigan.
“Who's the father?” madiin na tanong nito sa akin. Nagtitigan kami sa mga mata at hindi ako papatalo dito.
“Bakit ko sayo sasabihin, si mommy ka ba?” tanong din ang naging tugon ko.
“Wag mong sagarin ang pasensya ko, Dahlia. Wag mo rin akong kakalabanin, dahil hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa mga humaharang sa plano ko,” madiin na bulong nito sa akin.
Aminado ako na nakaramdam ako ng konting takot. Hindi para sa sarili ko, kundi para sa bata na nasa sinapupunan ko. Lalo pa’t baka ito na ang una at huli, mahirap isapalaran ang kaligtasan.
“Subukan mo akong pakialaman, tingnan natin kung ano ang kayang gawin sayo ng magulang ko,” sagot ko naman dito na nginisian ako.
“Sino, ang Daddy mo na nakaratay sa kama? Hahahaha!”
Di na ako kumibo pa, ayaw ko sabihin at magmula mismo sa bibig ko na si Uncle Hero ang ama ng bata sa sinapupunan ko. Dahil ayaw ko malagay sa alanganin.
“Dahlia, my wife. Saan ka pupunta?” lasing na sabi ni Uncle Hero ang nagpatigil sa namumuong alitan namin ni Tita Jessica.
“Lasing ka na, halika na Manang. Samahan mo ako, sa silid ko na lang muna si Hero, para maalagaan ko habang lasing,” sabi ni Tiya Jessica.
Muntik na ako mapatawa ng malakas, dahil mabilis na nahiga sa kinauupuan ko na coach si Uncle at ginawang unan ang aking hita. Sabay yakap sa aking balakang. Namumula ang mukha ni Jessica na nakatitig sa akin.