Hindi ko alam kung anong tama na maramdaman ko. Naiinis at nagseselos ako sa sarili kong ina. Alam ko naman noon pa man ay soft na si Mom. Masyadong dependent kay Daddy at sobrang lambing.
Lumaki ako na wala si Uncle Hero at nag dalaga ako kasama si Lola Cecilia. Kaya bago para sa akin ang ganitong trato ni Uncle Hero kay Mommy, knowing na noon pa pala mahal at first love pa ni Uncle si Mom.
Naiinis na lumabas ako ng private room dito sa hospital. Naglakad ako patungo sa doctor ko, dahil follow-up check-up ko rin. Habang nakaupo ako sa labas ng room, nakatitig lang ako sa mga nagmamadali na doktor at nurse.
“La Cuesta Dahlia,” tawag ng staff sa pangalan ko. Kaya naman tumayo na ako at pumasok sa loob.
“Doc, delay ako ng two weeks. Pwede ba ako magpa-vaginal ultrasound?” tanong ko sa aking kaibigan na tinitigan ako habang nakataas ang isang kilay.
“Hoy! Dahlia, umayos ka! Walang doktor pasyente dito ngayon, tayo lang nandito na dalawa,” napatayo at diretsong tagalog na sabi ni Raquel.
“H–Hindi na ako virg*n, wag mo na itanong ang detalye. Please lang, masama pakiramdam ko.” sabay ubo ko at sinadya ko na paliitin ang mga mata ko, para kunwari talaga masama pakiramdam ko at tigilan ako nito sa pagtatanong.
“Mag pregnancy test muna tayo, next ay dugo, bago ang request mo. Wag ka paladesiayon Dahlia. Ako ang doktor dito at pasyente kita,” sabi ng kaibigan ko. Hindi na ako nakipagtalo pa, para matapos na agad.
“Anong oras lumalabas ang result?” tanong ko, matapos gawin ang mga sinasabi nito.
“Isang oras lang. Balik ka muna kina Tita sa room nila, ako na lang pupunta doon mamaya. Bago ako mag out, dala ko na result. Para din masilip ko sina Tita Rose,” nakangiti na sabi ni Raquel.
“Hero, pwede kaya gawan mo ng paraan? Gusto ko na sa bahay na lang kami ni Gideon. Parang mas di kami dito makakapahinga. Isa pa, di ako dito komportable,” narinig ko na sabi ni Mommy kay Hero.
“Sige, kung tapos na lahat, gagawan ko ng paraan. Bigyan mo ako ng dalawang linggo,” sagot ni Hero sa aking ina.
“Thank you, Hero!” sabay yakap na naman ni Mommy.
Naiinis na naupo na lang ako sa labas at napayuko at hindi na tumuloy sa pagpasok sa loob.
“Why are you out here? Tara sa loob.” Sabay lahad ni Uncle Charles ng kanyang kamay sa akin. Gwapo din ito, kung tutuusin, may laban ito kay Uncle Hero.
Dahil kanina ko pa rin gusto na pumasok, tumayo na rin ako. Ewan ko ba, ako ang anak, pero ako pa nahihiya sa parang lambingan nina Mommy at Uncle Hero.
Pagpasok namin ni Uncle Charles sa loob, inaayos na ni Uncle Hero ang kumot ni Mommy. Mukhang nakatulog na ang aking ina. “Halika dito, Dahlia. May dala akong mga pagkain, ano bang ulam ang gusto mo?” tanong ni Uncle Charles sa akin.
“Gusto ko sana beef steak. Medyo nagsawa na ako sa manok at gulay sa probinsya,” medyo nahihiya na pagsasabi ko ng totoo.
“Meron dito, mabuti na lang pala bumili ako.” Sabay ayos nito ng bento box at nilapag sa lamesa, sa kinauupuan ko. “Bro, yung pagkain mo nandito na,” sabi nito kay Uncle Hero, habang abala sa pag-aayos ng juice na dala din nito.
“As far as I know, I was the one who asked you to order my food. Pero bakit hindi ako ang inaasikaso mo?” naiinis na tanong ni Uncle kay Uncle Charles.
“You take care of Mrs. La Cuesta so well, so I'm sure you can take care of yourself.” lihim ako na napangiti sa sagot ni Uncle Charles. Parang gusto ko tuloy magdiwang sa pang-iinis nito.
“I know you're tired from work, you can go home now, Charles,” sabi pa ni Uncle Hero sa kaibigan, na para bang pinalalayas na nitong sadya ang lalaki.
“Okay lang ako, mas malakas pa ako sa’yo. Maybe you're the one who wants to rest? I'll take care of Dahlia.” nakangisi si Uncle Charles, habang si Uncle Hero, umiigting ang panga at halata na naiinis sa kaibigan.
Hanggang sa wala ng nagsalita. Tinalikuran na lang kami ni Uncle Hero at hindi na ito dumampot pa ng pagkain.
“Dahlia, my G! Buntis ka!” malakas na bungad ni Raquel. Kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nakuha agad nito ang gusto kong sabihin, pero huli na ang lahat. Dahil sa ilang salita na sinigaw nito, detalyado naman.
“Who’s pregnant?” tanong ni Uncle Hero na hindi agad sinagot ni Raquel. Bumaba ang tingin ni Uncle sa kamay ng kaibigan kong doktor, nakalaylay ang ultrasound ko at kitang-kita ang pangalan ko sa taas na bahagi nito.
“Let's talk,” sabay hila ni Uncle Hero sa kamay ko, at hindi na nito hinintay pa ang sagot ko, kung payag ba ako. Kaya wala na akong nagawa, kundi magpatianod sa paghakbang, hanggang sa makarating kami sa rooftop ng hospital.
“Hindi ko hinihiling na pakasalan mo ako o panagutan. Alam ko naman ang sitwasyon mo ngayon. Kaya sana, hindi na makarating kina Mommy na may nabuo tayo. D–Don’t worry, hindi naman kita ipapahamak. H—” hindi na natuloy pa ang sasabihin ko pa sana. Dahil si Hero, nilamukos na ako ng halik sa labi.
“Please, don't say anything more that will hurt me. Aayusin ko ang lahat. Hindi ito magtatagal, ilalagay ko ang mga bagay-bagay sa tamang pwesto. Just trust me, please.” Magkadikit ang noo namin ni Uncle Hero habang nagsasalita siya.
Sa oras na ito, mabilis ang t***k ng puso ko. Mainit ang mga mata ko na para bang may namumuong tubig sa gilid at malapit na tumulo. Ramdam ko kasi na sincere siya sa kanyang mga sinasabi. Pero ayaw ko naman magmukhang cheap na second option lang palagi.
Bigla ko inalis ang kamay nito sa pagkakayakap sa balakang ko at malakas ko itong tinulak. “Saka mo na lang ako kausapin, pag na ayos mo na ang lahat. Sa ngayon, magpanggap muna tayo na hindi magkakilala.” Lakas loob na sabi ko at mabilis ko itong tinalikuran. Mabilis din akong bumaba at pumasok sa loob ng elevator.
Pagbaba ko sa 7th floor, mabilis akong pumasok sa comfort room at doon lang ako nakahinga ng matiwasay. Hindi ako papayag maging second option kay Jessica o kahit kay Mommy.
“Pangako baby, pangako Dahlia, hindi ka magiging kawawa this time,” naluluha na sabi ko sa aking sarili.