“Ano ba Manang! Sabi ko orange juice, hindi mango juice! Isang buwan na ako dito sa mansion, hindi mo pa rin alam ang gusto ko?!” malakas na sigaw ni Jessica sa matandang kasambahay. Sabay tapon nito ng inumin sa damit ng matanda.
Hindi umiimik si Hero na nakatingin sa kanyang cellphone at pinapanood mula sa kuha ng CCTV ang nangyari.
“Iba din talaga ang kasamaan ng ugali ng fiancee mo, bro.” Mapang-uyam ang ngisi ni Charles sa tabi ng kaibigan na walang kibo pa rin sa pang-aasar nito.
Nakukuyom ni Hero ang kanyang palad habang walang kurap sa harap ng aparato at pinapanood kung paano duro-duruin ni Jessica ang matandang humihikbi. Ni minsan, hindi nanigaw man lang si Dahlia sa mga kasambahay. Madalas nga nahihiya pa ang dalaga kung mag-utos. Pero ang isang ito, iba ang kapal ng mukha na meron.
“Nasaan na ngayon si Dahlia?” sa wakas ay tanong ni Hero sa kanyang kaibigan, na siyang inutusan niyang sumunod sa dalaga.
“Nasa Sta. Milagrosa kasama ng mga katutubo at mga magbubukid na lokal.”
“Safe ba doon?” tanong pa ni Hero.
“Mas safe, kumpara sa mansion ninyo.” Makapamulsa na tumalikod si Charles matapos sumagot.
Nakuha na ni Hero ang ibig sabihin ni Charles. Pero wala pa siyang magawa sa ngayon, kundi siguraduhin na ligtas si Dahlia at malayo kay Jessica. Iba ang ugali ng tiyahin nito na baliw. Kaya naman mas mainam ito sa ngayon.
“Maganda si Dahlia, mabait at walang arte sa katawan. Bukod pa doon, ubod ng yaman. Kaya't wag ka magtaka kung isang araw, sira na pala ang bakod na ginawa mo,” makahulugan na sabi ni Charles. Nakangisi ang labi nito, pero ang mata ay seryoso.
“Do you like Dahlia?” tanong ni Hero na umangat na ang ulo at hinagis na lang basta ang cellphone sa mahabang lamesa na salamin.
“May halaga pa ba kung sasagutin ko? Alam naman natin ang totoo,” sagot ni Charles sabay lakad papalayo sa kinauupuan ni Hero at diretso lumabas ng pinto.
Napapikit na lang at nakasandal sa swivel chair si Hero na malalim ang buntong-hininga. Bigla niyang naisip ang kaibigang doktor. Kaya naman inabot nito ang cellphone at tinawagan ang lalaki.
“Good news bro! Bukas na ang flight ko. Maaga akong natapos sa misyon na ibinigay sa akin. Kaya't diretso ako sa condo mo?” punong-puno ng kasiglahan na sabi ng lalaki sa kabilang linya.
“Oo. Please lang, kailangan ko ang mabilis na resulta ng pinagagawa ko.”
“Hahahah! Natatakot ka bang makahanap ng mas bata at mas mayaman na lalaki ang munting bulaklak mo?”
“Shut-up!” malakas na sigaw ni Hero, sabay tinapos na ang tawag.
Ang totoo, natatakot talaga si Hero. Pagkakataon lang sana ang hinihintay niya para tuluyang maangkin ang dalaga, pero sandayang mabuti sa kanya ang pagkakataon, dahil ang dalaga mismo ang nag-alay ng sarili sa kanya. Kaya't hindi siya makakapayag na mawala pa ito sa kanya.
Tumayo na si Hero mula sa pagkakaupo at diretso sa kabilang bahagi ng kanyang opisina, kung saan nakalagay ng hanay-hanay sa espesyal na lagayan ang mga mamahaling alak. Kumuha lang siya ng isa, pagkatapos ay isinalin sa isang basong may lamang yelo.
Parang bigla na lang siya nawalan ng gana ipagpatuloy ang trabaho. Ayaw rin naman niya umuwi sa mansion, pero kailangan nandoon siya, dahil baka kung ano ang kabaliwan na gawin ni Jessica.
Mula noon, hanggang ngayon, balakid ang babae sa buhay niya. Patapos na ang kanyang iniinom na alak ng tumunog ang kanyang cellphone. Napakunot siya ng noo, dahil si Gideon ito. Walang dahilan para tawagan siya ng kaibigan. Kaya't kinakabahan na pinadulas niya ang kanyang daliri patungo sa answer call.
“Hello?” alanganin niyang sagot sa kabilang linya.
"Magandang araw po. Ako po si Rina mula sa Mary Kate Hospital. Tumatawag po ako tungkol kay Mr. and Mrs. La Cuesta. Sila po ay kasalukuyang nasa emergency room dahil sa car accident.
Kailangan po naming ipaalam na ang kalagayan ni Mr. Acuesta ay kritikal at ginagawa na po namin ang lahat ng aming makakaya upang siya ay matulungan. Nais po naming malaman kung maaari kayong makapunta sa ospital sa lalong madaling panahon upang mapag-usapan ang kanyang kalagayan at ang mga susunod na hakbang kung may nais p—.”
Hindi ko na maintindihan pa ang ibang sinabi pa ng nurse. Basta't natigilan ako sa aking ginagawa at hindi ko namalayan na nakailang tawag na pala ito ng “Sir” sa akin, bago ako bumalik sa wisyo.
“Okay, papunta na ako.” sabay tapos ko ng tawag at nagmamadali akong lumabas ng aking opisina dito sa building ng aming kumpanya ni Dahlia.
Agad kong pinasibad ang aking sasakyan patungo sa hospital kung saan nandoon daw ang mga kaibigan ko. Agad akong pumunta sa front desk at hinatid ako ng nurse sa pribadong silid. Nanginginig ang kamay ko ng makita ko si Gideon na puno ng tubo ang katawan, habang sa katabing kama sa kabila, nakaupo si Rose at may benda ang ulo nito at ang isang buong hita, hanggang paa.
“Hero,” atungal na iyak ni Rose. Kaya naman nilapitan ko ito kaagad at niyakap. “M–May bagyo pala, hindi namin akalain na landfall ngayon. B–Bigla ang buhos ng ulan. Kaya madulas ang kalsada.”
“Shhhhh. Paiimbistigahan ko ang nangyari, stop crying. Baka kung ano pa ang mangyari sayo,” pang-aalo ko kay Rose.
Ito ang eksenang naabutan ni Dahlia. Gustuhin ko man na ilayo si Rose sa pagkakayakap sa akin, hindi ko magawa. Mapula ang mga mata ni Dahlia at blangko ang tingin sa amin. Diretso ito sa hospital bed ni Gideon, matapos ilapag ang dala na prutas sa lamesa.
“Hero, pwede ba pakitali ang buhok ko? Nagugutom na ako, gusto ko ng kahit saging lang muna o kaya apple,” mahinhin na sabi ni Rose sa akin na halos bulong na lang sa sobrang hina.
Inabot ko ang bag nito at kinuha ko sa loob ang isang panali sa buhok. Parang ngayon pa lang, napapangiwi na ako dahil ang hirap pala nito. Pero sa mga babae, parang basic na lang.
“Okay na yan, wag mo na pagandahin pa,” sabi pa ni Rose. Nahalata siguro nito na panay suklay ako at hindi ko magawang itali. Kaya naman minadali ko na ito at basta na lang binuhol. Nag balat ako ng saging at inabot ko kay Rose. Tinawag ko ang nurse at inutusan na bantayan ito at ibigay ang kailangan.
“Can we talk?” halos nagmamakaawa na tanong ko kay Dahlia, habang nakaupo ito sa tabi ng gilid ng kama ni Gideon.
“Wala naman tayong dapat pag-usapan. Isa pa, may fiance ka na. Bagay kayo, pareho kayo gurang. Kaya maghahanap na lang ako ng ibang bubuntis sa akin, yung mas bata. Pwede rin ako mag hired ng lalaki, mayaman naman ako ‘e,” inosente, pero ang lakas mang-asar. “Isa pa, nandito tayo dahil kina Daddy, kaya wag kang selfish. Doon ka muna kay Mommy, di ko pa tapos ikwento ang paglalambingan ninyo.”
“A–Anong paglalambingan na sinasabi mo? Baka biglang tumayo si Gideon dahil sa mga paratang mo sa amin, masama yan,” nayayamot na dipensa ko kay Dahlia.
“Edi mabuti kung ganun. Dahil sabi ng doktor, ligtas na si Daddy. Pero walang kasiguraduhan kung kelan magigising,” lumuluha na sagot ni Dahlia.
Napahawak ako sa aking dibdib. Parang ang sakit makita na lumuluha si Dahlia. Para itong inapi sa itsura ngayon. Magulo buhok, namumula ang ilong at magang-maga ang mga mata.