bc

Loving My Cold Husband

book_age18+
298
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
arranged marriage
arrogant
independent
bxg
humorous
city
like
intro-logo
Blurb

YOUNG CEO's CLUB #4

(R-18)

MAXIMILLIAN FOX LOPEZ is the eldest grandson from the Lopez Clan. He has everything he can ask for, money, fame, and women.

He obeys his parents, takes good care of his only sister and his cousins. And a very established businessman.

But what happens when his Dad tries to play cupid and ask him to marry his deceased bestfriend's daughter as a promise to him before he dies?

JILLIAN ALFONSO, Executive Secretary of Serena Lopez, her father died due to cancer, when Maximillian Lopez came as COO after her boss left, she learned that before her father died, he already gave her hand to his bestfriend's son, and that is none other than the devil incarnate, Maximillian the Devil.

Will love blossom with two hearts that has been forced to be with each other? Can they compliment each other when their personalities are oceans apart?

She ran away when she experienced his secret first-hand. She ran away with her broken heart and a wounded body and promise to never go back. But can she really run away from the Fox's kiss?

Can he find her? Can he change his ways for her now that he realized he's crazilly in love with his wife?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
JILLIAN Mula sa computer ko ay napa-angat ako ng tingin sa umistorbo sa trabaho ko. Nagsalubong ang kilay ko nang mabungaran si Agnes mula sa Marketing Department. "Ms. Jill balita ko may papalit kay SVS bilang CEO, kasi ayon sa source ko hiwalay na raw sila ni Sir Calvin, baka naman knows mo, pabulong naman..." wika niya paglapit niya sa lamesa ko sabay lapag ng folder sa harap ko. Napataas naman ang kilay ko, sinenyasan ko siyang lumapit at bumulong, "Balita ko rin nagkakatanggalan ngayon dito sa kumpanya lalo na yung mga chismosa..." Napangisi ako nang bigla siyang umatras sa akin at madramang napahawak sa dibdib niya, "Nagtatanong lang naman eh..." "You're not asking, you're asking for gossips related to our boss and being her Executive Secretary I need to focus on my job and not meddle with her personal life. So if you don't have any business here, go back to your desk or your desk will be removed," seryoso kong wika sa kanya na mukhang ikinainis nito. "Nagtatanong lang naman eh! Sungit nito kaya walang jowa eh!" pabulong niyang sambit pero nakarating pa rin sa tenga ko. "What did you say?" "W-wala... s-sabi ko puro ka gawa, pahinga ka naman," sagot niya na tumango-tango at tumalilis na paalis. Ang dalahirang 'yon! Umakyat para humakot ng chismis tapos ipapamukha na wala akong jowa? Sana pala inistapler ko yung bunganga niya para matahimik ang walangya! Napatingin akong muli sa computer ko, binabasa ko ang e-mail galing kay Yna, yeah... I call my boss by her first name 'cause she told me to. I've been hanging out with them for a year now and Serena is such a down to earth person kaya madali mo siyang maapproach. Her e-mails said that she'll be having her indefinite leave because she needs to hide from Calvin. And again, yeah I know what happened to them, I saw her that day so I know... She said that her cousins Coraline and Maximillian will take over while she's away. She's also close with Coraline, a witty and brazen girl na mas madalas kong kasama nitong mga nakaraan dahil may sinusundan umano siyang miyembro ng YCC o Young CEO's Club na silang magkakaibigan ang founder. Magtatatlong taon na ako rito sa Lopez Inc., nag-umpisa akong maging simpleng office clerk sa HR Department nang minsang makasalubong ko si Donya Elvira kasama si Serena habang may bitbit na mabibigat na files. Dahil bago pa lang ako noon ay ako ang madalas na utusan ng mga kasamahan ko mula sa pagprint at pag-photocopy hanggang sa paglilinis at pag-aayos ng mga 201 files ng libong empleyado, hanggang sa pagtitimpla o pagbili ng mga kape nila. Naawa si Serena sa akin dahil sa lahat ng tao sa HR ay ako lang daw ang busy samantalang lahat sila ay nagkukwentuhan lang at may kanya kanyang mundo. And from that day ay itinalaga niya na akong Executive Secretary niya, nagulat pa ako na kilala niya ako pero masaya ako dahil makakalaya ako mula sa mga kasamahan kong ang tingin lagi sa mga bagong empleyado ay 'others' o mababa pa sa kanila kahit magkakapareho lang ang trabaho namin. Maraming nagtaas ng kilay nang tumaas ang posisyon ko, sinabing sumisipsip ako sa may-ari ngunit hindi nila alam na kahit ako ay nagulat sa desisyon ni Serena Lopez. Mag-isa na lang ako sa buhay dahil ang mga magulang ko ay excited na magkita sa langit kaya naiwan akong ulila. Wala akong kapatid dahil nga maagang namatay ang Mama ko. Ang Papa ko naman na dating bodyguard ni Mr. Aries kale Lopez ay pumanaw na rin nang maka-graduate ako ng college. Ang sabi niya pa sa akin ay masaya siyang lilisan dahil hindi magagalit si Mama at matutuwa pa dahil maayos ang buhay ko. Kung alam lang nila... Walang araw na hindi ko sila naisip, minsan ay magtatampo ako sa Diyos bakit maaga niyang kinuha ang mga magulang ko, ni hindi ko naibigay sa kanila ang magandang buhay... Hindi kami salat pero hindi rin naman kami mariwasa, kumbaga ang tawag sa amin ay 'middle class', mabuti at pareho silang may pensyon na hanggang ngayon ay hindi ko ginagalaw at iniipon lang para matupad ang pangarap nila para sa akin. Busy ako sa pag-sort ng files sa cabinet ko nang marinig ko ang hagikgikan ng mga babae sa kabilang opisina, mga hagikgikan na parang kinikilig. Mukhang may bago nanamang empleyado sa departamentong iyon kaya nagkakagulo ang mga kababaihan. Nakayukyok ako sa lamesa ko nang kalabitin ako ng isa pang sekretarya ni Serena na si Candice, napatingala ako sa kanya ngunit hindi siya sa akin nakatingin, nang silipin ko ang tinitignan niya ang nanlaki ang mga mata ko. Sa pagmamadali ay nakalimutan kong nasa ilalim ako ng lamesa kaya pagtayo ko ay nauntog ako ng malakas. "Ms. Alfonso are you alright?" nag-aalalang wika ni Donya Elvira. Mabilis kong inayos ang sarili ko at tumayo habang hinihimas ang ulo kong nauntog. "G-goodmorning Mrs. Lopez, I'm sorry I didn't know you'll be coming today," saad ko habang nakatungo ang ulo. Nahihiya ako dahil sa gilid ng mga mata ko ay may kasama siyang lalaki, nakakahiya na makita nila akong gano'n. "It's okay hija, bukas pa sana talaga ang punta kaso itong apo ko nagmamadaling asikasuhin itong kumpanya," natatawang wika ng ginang. Nag-angat ako ng tingin at nasalubong ko ang malalamig at walang buhay na tingin mula sa panganay na apo ng mga Lopez, the stone cold billionaire, Maximillian Fox Lopez. Mabilis kong iniwas ang tingin ko sa kanya nang taasan niya ako ng kilay. "Goodmorning Mr. Lopez," I curtly nod my head and tap Candice who is still in a daze while looking at Maximillian. Well hindi ko naman siya masisisi, Maximillian Lopez is one hell of a delicious man. He have blue eyes, stands 6 feet and a drop dead gorgeous body, a real drool worthy. His infamous Fox Kiss... that kiss women around his circle are all talking about. Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin sa Fox Kiss na yan dahil unang-una hindi ko na-try at pangalawa... never kong iti-try. Ang mga labi ko ay para lamang sa magiging asawa ko. He's one of the hottest bachelor in town at ayon pa sa grapevine ay walang balak na mag-asawa ang panganay na apo ng mga Lopez. He's aloof and elusive at iilang babae lang ang nakapasa sa standards nito. Matagal siguro akong napatitig sa kanya kaya malakas siyang tumikhim dahil awkward na ang moment. Kinalabit na rin ako ni Candice na kaninang nakatanga sa lalaki. "I-I'm sorry Mrs. Lopez I zoned out for a while there. You said?" "You really are a funny little lady, anyways as I'm saying my dear Maximillian will be Serena's substitute. All of Serena's pending reports and for signatures will be directed to him. Are we okay?" nakangiting paliwanag ng Donya. Ramdam ko naman ang pag-iinit ng mga pisngi ko dahil sa pagkatulala ko kanina, ayoko sanang tingnan si Max pero para siyang may magnet at nahatak niya ang atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatitig siya sa akin at nakataas ang gilid ng labi, 'oh s**t now he thinks I'm stupid and drooling over him!'. Ngumiti ako ng maliit at tumango, "I'll prepare all of the papers Mrs. Lopez," wika ko at inayos ang mga folders na nasa gilid ng computer ko. Gayundin si Candice na hawak ang ilang accounts mula sa Finance Department. "Anyways hijo I'd like you to meet Yna's two most trusted employees, Candice Mayor and this pretty lady in pink is Jillian Alfonso," nakangiting pakilala sa amin ng ginang. Mabilis na inabot ni Candice ang kamay niya kay Maximillian, nang matapos ay hinawakan ni Candice ang palad niya at inamoy. Gusto kong matawa sa reaksyon niya, gusto kong ipusta ang buhay ko na hindi niya huhugasan ang mga kamay niya hanggang hindi nawawala ang amoy ni Maximillian doon. Isang tikhim ang umagaw ng atensyon ko mula kay Candice kaya napalingon ako sa dalawang kaharap, pagbaba ko ng tingin ay nakalahad na pala ang kamay ni Mr. Lopez. Mabilis ko itong tinanggap at parang gusto ko agad bawiin dahil sa kakaibang init na hatid ng malaking palad niya. Pumintig din ang puso ko nang diinan niya ang pagkakahawak sa mga kamay ko. "Pleased to meet Yna's favorite girl..." pakiramdam ko ay luluwa na ang mga mata ko sa samu't-saring emosyon nararamdaman ko. Ikinalas ko na ang kamay ko sa kanya at muli siyang tinitigan. Napansin ko naman ang pag-ngiti ni Donya Elvira kaya yumuko akong muli. "A meeting will be held later at 2pm so I expect every department heads to be present. I will introduce Maximillian as the company's COO. So if you excuse us ladies may meeting pa kami with the board. Shall we go Fox?" malambing na turan ni Donya Elvira sa apo. Tumango naman ang lalaki at tumalikod na. Nakatanaw na lang ako sa papalayong likod nila nang bigla akong sundutin ni Candice sa tagiliran ko, "Ano ba 'yon Candice?" kunot-noong tanong ko. "Ano 'yon ha? Kung makapagtitigan kayo parang ang may something ah!" nanunukso niyang turan na ikinataas ng kilay ko. "Something pinagsasabi mo riyan? Eh kung stapler ko 'yang dila mo gusto mo?" pananakot ko sa kanya, bigla niyang tinakpan ang bibig niya at inirapan ako. "Ay bagay talaga kayo ni Sir Maximillian, pareho kayong masungit! Red tide ka girl?" muli niyang pang-aasar, inirapan ko lang din siya at ibinalik ang mga mata ko sa screen ng computer ko. "Ewan ko sa'yo kung anu-anong iniisip mo. Gawin mo na lang yung ibang reports nang matapos tayo ng maaga bago ang meeting mamaya. Ako na bahalang mag-email sa bawat departments," nagsimula na akong magtipa sa computer at hindi na siya inintindi. "Opo Ma'am... pero para sa'kin may chemistry talaga kayo ni Sir Max! Ay mamamatay sa inggit mga babae sa Marketing nito!" akma niyang aabutin ang cellphone niya nang hawakan ko ng mahigpit ang kanang braso niya. "Subukan mong ichismis 'yan Candice ipagkakalat ko na jowa mo si Car-" pananakot ko pero agad niyang tinakpan ang bibig ko. "Huy joke lang Jill! Chill ka lang! Hindi naman ako magchachat sa kanila eh, tatawagan ko si Ms. Grace kasi kulang yung SOA na binigay niya! Huwag ka ngang ano!" "Sinasabi ko lang... hawak kita sa leeg Candy," nginisihan ko siya ng nakakaloko kaya naman sinabunutan niya ako ng bahagya. Biruan na namin ang pananakit sa isa't isa lalo at matagal na kaming magkasama na dalawa sa executive office ni Serena. Tinitigan ko ang kamay kong kanina lang ay hawak ni Maximillian, hanggang ngayon ay parang may maliliit na sundot ng kung ano roon. Bakit ako nakakaramdam ng ganito sa lalaking bato na 'yun?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook