Chapter 60

1072 Words

Nauna na si Candie sa park pero wala pa ring Sophie na dumarating. Buntis pa naman siya ka talagang mabilis siyang mairita. Kahit kailan talaga ay walang pagbabago ang kaniyang kaibigan, lagi itong nahuhuling dumating. Malapit na namang uminit ang ulo niya dahil sa kahihintay niya rito. Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin ito dumarating. Nangangati na ang pwet niya sa kauupo at kahihintay rito. Unti-unti na namang nagsasalubong ang kaniyang mga kilay sa inis. Gusto niya itong tawagan para tanungin kung nasaan na pero hindi niya na lang tinuloy dahil baka ma- highblood lamang siya. "Hi, Besh," bati sa kaniya ng kaniyang kaibagang mabagal pa sa pagong. Bahagyang inirapan niya ito. "Ang tagal mo naman!" she said, at ngumuso siya na parang bata. Umupo ito malapit sa tabi niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD