Chapter 1
Hya's Point of View
Nandito ako sa labas ng school, ang Mendez University na isang private University na mayroong malawak na library with a computer center, two museums, three auditoriums, two cafeterias, one café, music room and a studying room. Ang unibersidad ay mayroon ding sports complex na may kaniya-kaniyang gym, weight room, running track, 25-meter swimming pool, baseball field, tennis court, basketball court, volleyball court, at ibang pang recreational areas para sa mga estudyante. Ang Unibersidad ay mayroong four courses, ang Engineering, Architecture, Tourism at Business Administration. Sobrang napakalawak ng Universidad at tanging mayayaman lamang ang pumapasok rito dahil medyo pricy nga naman talaga ang tuition.
Hay, ilang kembot na lang, ga-graduate na ako, kami ng mahal kong si Ced.
"Hi, love!" Isang napakagwapong lalaki ang sumalubong sa'kin. Grabe! Ang pogi talaga ng mahal ko.
"Akin na 'yang bag mo, ako na ang magdadala," kinuha niya ang bag ko at isinaklay niya ito sa kaliwang balikat niya.
Araw-araw niya itong ginagawa, sasalubungin niya ako sa labas ng school at ihahatid niya ako sa harap ng Architecture building. Marami ang naiinggit sa'min, mga tagahanga ni Ced at lalong-lalo na ang ex niyang si Chloe Veneracion.
Isang model at napakagandang binibini si Chloe pero marami ang galit sa kaniya dahil sa ugali nito. Marami ang nagsasabi na nakita raw nilang magkasama ang dalawa pero hindi ako naniniwala dahil may tiwala ako sa boyfriend ko at nang tinanong ko naman si Ced tungkol sa isyung kumakalat sa school, sabi niya hindi raw iyon totoo.
"Sana all, gwapo ang boyfriend!" sabi ng isang estudyanteng nadaanan namin.
"Ang swerte naman niya!"
"Hays. Dapat ako ang girlfriend niya!"
"'Di hamak na mas maganda naman ako sa girlfriend niya!"
Iilan pa lang 'yan sa naririnig ko araw-araw kapag kasama ko ang mahal ko,pero wala naman akong pakialam sa kanila dahil alam kong mahal na mahal ako ni Ced.
Architecture ang kursong kinuha ko at Engineering naman sa mahal ko.
"Love, heto na bag mo oh, pasok ka na," iniabot niya ang bag sa'kin and he kissed me on my forehead.
Sweet niya, 'di ba?
Tumalikod na siya patungo sa Engineering building. Medyo malayo ang distansya ng Engineering building dito sa Architecture building, dahil ang katabi ng building na ito ay ang Business Administration building.
Naglakad na ako papasok sa building at tumungo sa elevator dahil nasa fourth floor pa ang room ng Architecture fourth year students.
"Sana all, hinahatid ng napakagwapong boyfriend," bungad ng kaibigan kong si Candie na parang kanina pa akong sinusundan.
Candie Vergara, isang simpleng babae, mabait at palangiti.
"Mag-boyfriend ka na rin kasi," I smiled and gazed at her.
"Wala pang nangangahas na ligawan ako, eh. Hahaha, siguro kung kasing ganda kita, pwede pa," saad niya.
"Maniwala sa'yo. Sobrang dami kayang admirer mo, may pa-flowers pa nga yung iba!"
"Nagbibiro lang ako. Ang totoo niyan, wala pa talaga sa isip ko ang magkaroon ng boyfriend," umirap siya.
"Oo, halata naman dahil ilang beses ko nang nakita na tinatapon mo sa trashcan ang bulaklak na ipinapadala sa'yo ng admirer mo," ngumisi ako.
"Oo, may dahilan naman ako kung bakit," malungkot na sambit niya.
Lumabas na kami ng elevator at diretso na sa room namin. Patuloy pa rin ang pag-uusap namin dahil magkatabi lang ang upuan namin.
"Ano nga ba ang dahilan mo? Ang tagal na nating magkaibigan tapos hindi mo man lang nasabi sa'kin," singhap ko.
"Dahil nga... iniwan kami ng daddy ko, sumama siya sa ibang babae," she said, sighing. "Niloko niya ang mommy ko."
Kitang-kita sa mga mata niya ang lungkot at galit na nararamdaman niya.
"Hayaan mo at magiging maayos din ang lahat sa inyo. Maging masaya ka na lang kasama ang mommy mo, ipakita mo na masaya kayo kahit wala siya," payo ko.
"Oo," she smiled. "Salamat, marami akong natututunan sa 'yo kahit noong una pa lamang tayo magkakilala," dagdag niya pa.
"Syempre naman, ano pa't naging kaibigan mo ako. Tanging payo nga lang ang maitutulong ko sa 'yo," tinapik ko ang balikat niya.
"Teka," kunot-noong tinitigan niya ako, "May sakit ka ba?" inilagay niya ang kaniyang kaliwang palad sa noo ko.
"Wala naman, bakit?" pagtatakang tanong ko.
"Ano kasi... parang pumayat ka tapos namumugto ang mga mata mo," saad niya.
"Baka dahil sa puyat lang ako, wala naman akong sakit, eh," sagot ko.
"Ah, baka nga pero iba talaga, saka bakit may pasa ka sa braso mo?" tanong niya habang nakakunot pa rin ang kaniyang noo.
"Hindi ko alam, eh. Siguro nabangga lang kung saan kaya nagkapasa, hayaan mo at kakain ako ng marami, baka kulang lang din sa kain ito," sabi ko and I smiled.
"Sige, mamaya sabay tayong mag-lu-lunch."
"Sige. Nandiyan na ang Professor natin, mukhang bad mood."
"Good Morning!" bati ng Professor namin.
"Good Morning, Sir!" sagot namin.
"Two students will be expelled from this school, hopefully wala sa inyo rito ang estudyanteng iyon," sabi ng Professor namin at nagkatinginan kaming lahat.
"Bakit po, Prof?" tanong ng isang kaklase namin.
"Last night, someone saw two students kissing inside the library," sabi niya na parang galit na galit.
"What?"
"Nakakahiya naman."
"Sino kaya ang dalawang iyon?"
"Grabe naman, hindi na nirespeto ang school."
Lahat kami ay nagulat sa narinig namin. Sino kaya ang dalawang estudyanteng iyon?
Hanggang matapos ang klase namin ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino ang dalawang iyon.
NASA cafeteria kami ni Candie para mag-lunch nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Hi, Love. Bakit napatawag ka?" tanong ko kay Ced.
"Love, I'm sorry kung hindi tayo sabay na mag-lu-lunch today. I have something to take care of. Babawi na lang ako next time," sabi niya.
"Sige, Love. I love you," sagot ko.
"Thank you, Love. I love you too," saad niya.
Lagi siyang busy kapag ganitong oras, hindi ko na lang tinatanong kung bakit. Ni hindi niya nga rin ako mahatid pauwi minsan dahil sabi niya, nagpapahintay daw ang daddy niya. Kaya nagpapasundo na lang din ako sa driver ko.
"Alam ko na kung bakit ganiyan na naman kalungkot ang mukha mo, busy na naman siya, ano?"
"Ano pa nga ba, Candie. Hayaan mo na," sambit ko pero nakakatampo talaga. Wala naman akong magagawa.
"Bantayan mo 'yang si Cedric, dahil duda ako riyan! 'Di ba magkatabi lang ang Engineering building at Tourism building at nandun yung ex-girlfriend niyang bruha, baka mamaya nilalandi na naman no'n si Cedric mo!"
"Candie, may tiwala ako kay Ced. Hindi niya magagawang lokohin ako."
"May tiwala ka. Tsk. Marami na nga ang nagsasabi at nakakakitang magkasama sila tapos hindi ka man lang naniniwala, kumain ka na nga!"
"Proofs ang kailangan ko para paniwalaan ko ang mga sinasa..."
"Hya! Candie!" sigaw ni Sophie. Dala-dala niya ang tray na puno ng pagkain at dali-daling umupo sa tabi ko.
Sophie Alvarez, kaklase kong makulit, maganda siya kaso puro kalokohan ang alam. Kaibigan ko rin siya pero minsan ko lang makasama dahil ang lagi niyang kasama ay ang bestfriend niya.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko.
"Alam niyo na ba? Nakita niyo na ba yung video?" hingal na hingal na tanong niya sa'min.
"Napaka-tsismosa mo talaga Sophie!" sambit ni Candie.
"Anong video?" tanong ni Candie.
"Yung kagabing naghalikan sa library. Panoorin niyo ito, lalo na ikaw Hya," kinuha niya ang cellphone niya para ipakita ang video.
Lumapit naman si Candie.
"Si Chloe 'yan, ah. At ang lalaki si..."
"Si Ced," dugtong ko sa sinabi ni Candie