Chapter 2

1232 Words
Hya's Point of View Tulala pa rin ako sa nalaman at napanood kong video. Hindi ko pa rin lubos maisip na sa kabila ng pagmamahal na pinaparamdam ko sa kaniya ay magagawa niya pa rin akong lokohin. Why did he do this to me? Hindi pa ba ako sapat para maghanap pa siya ng iba? "Uy! Kumain ka na, lalamig na 'yang pagkain mo," sita ni Candie na nakakunot-noo. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko," hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko. "Pasensiya ka na Hya, hindi ko pa sana ipapakita sa 'yo 'yong video pero kailangan mong malaman para aware ka sa mga ginagawa ng boyfriend mo," giit ni Sophie at napabuntong-hininga siya kasabay ng pagtapik nito sa balikat ko. "'Yan na yung proof na hinihintay mo, Hya. Baka hindi mo pa paniwalaan 'yan! Kaya ka inaabuso ng boyfriend mo, eh," inirapan ako ni Candie. Sa tutuusin marami na talagang nagsasabi na laging magkasama si Ced at Chloe pero kahit ni isa wala akong pinaniwalaan. Napabuntong-hininga ako, "Ano ba ang gagawin ko? Tulungan ninyo naman ako," pakiusap ko habang hindi pa rin matigil-tigil ang pagtulo ng luha ko. "'Wag kang mag-alala dahil sasapakin ko talaga ang babaeng 'yon, kapag nakita ko," nanggigigil na sambit ni Candie. "Trouble-maker ka talagang babae ka!" marahang pinitik ni Sophie ang noo ni Candie. "Aray, naman! Ikaw, hmp! Kung hindi lang talaga kita kaibigan, naku... pinutol ko na ang mga daliri mong 'yan!" may pagbabantang sabi nito at ginantihan lang siya ni Sophie ng nakakalokong ngiti. "Alam mo, mag-usap kayong dalawa ng boyfriend mo, pakinggan mo ang mga paliwanag niya tapos kung pasado pa, bigyan mo ng another chance," suhestiyon ni Sophie. "Pwede na rin pero kung sa'kin nangyari 'yan, hindi ko na bibigyan ng chance," napangiwi siya at lumingon sa'kin. "Alam mo kasi Hya, kung mahal ka ng Cedric na 'yon, malamang hindi siya papatol sa ex niyang si Chloe," dagdag pa ni Candie. Napabuntong-hininga ako at marahang pinupunas ang sunod-sunod na luhang tumutulo mula sa aking mga mata. "Hi...hindi ko alam, bahala na," pumipiyok na sagot ko sa kanila dahil sa kakaiyak ko. "Tahan na, Hya. Alam mo, hindi madadala sa pag-iyak ang mga ganiyang problema. O, heto panyo," sambit ni Candie kasabay ng pag-abot niya sa'kin ng panyong hinugot niya sa kaniyang bulsa, na kinuha ko naman. "Hayaan mo't gaganti tayo sa bruhang ex ng boyfriend," kinuyom niya ang kamay niya na nakaibabaw sa mesa, "Gusto mo isama na natin ang boyfriend mo para matigil na rin ang kagaguhan niya," seryosong sabi nito. "Sinisita mo ako kanina tapos ikaw mukhang mas malala pa ang binabalak mo," wika ni Candie. "Girls, the devil is coming!" mahinang sambit ni Sophie at dumako ang tingin ko sa kaniya. "Nasa'n ang demonyong 'yan?" tanong naman ni Candie. "What the hell are you doing here?" taas-kilay na bungad ni Candie sa naka-crossed arms na si Chloe kasama ang kaibigan nito. "Tumabi ka, Candie! Hindi ikaw ang kailangan ko!" maarteng sita ni Chloe. Napabuntong-hininga ako at tumayo, "Anong kailangan mo sa'kin?" tanong ko sa kaniya. "Hiwalayan mo si Cedric! Akin lang siya Hya, siguro naman napanood mo kung paano tumugon ang boyfriend mo sa matatamis kong halik," sarkastikong sambit niya. "Sumusobra na talaga ang bunganga..." lalapit sana si Candie para sapakin si Chloe ngunit hinigit ko ang kanang braso niya. "Alam mo Chloe, kahit anong gawin mo, ako pa rin ang hahanap-hanapin ni Ced. Mahal ako ni Ced pero ikaw? Isang hamak na ex lang na hanggang ngayon pilit na isinisiksik ang sarili," inirapan ko siya. "Ah, talaga ba?" napangiwi siya at dinampot niya ang isang basong tubig sa table at biglang ibinuhos sa'kin kaya napapitlag ako. "'Yan lang ba ang kaya mo?" ngumisi ako at bigla ko siyang sinapak. "Ahhhh!" napahawak siya sa kaniyang pisngi at tiningnan ako ng napakasama. Hindi pa ako nakuntento kaya itinulak ko siya, na siya namang naging dahilan para mapaupo siya sa sahig. "Tama na, Hya!" sita ng kaibigan niyang si Zia at tinulungang tumayo ang bruha. "Umalis na kayo kundi..." hindi ko pa natapos ang sinabi ko nang magsalita ang bruha. "Mahal," she said, sobbing. Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Ced. Mahal? Daig pa na siya ang girlfriend! Lumapit si Chloe sa kaniya at napangiwi naman kaming tatlo ng mga kaibigan ko. "C..ced, tingnan mo ang ginawa ng walang hiyang girlfriend mo," nagpapaawang sambit niya habang nakahawak pa sa namumulang pisngi niya. Napabuntong-hininga si Ced, "Umalis ka na Chloe, please." Ngumisi ako sa sinabi ni Ced sa bruha. Kawawa naman siya at pinapaalis na. Napansin pala niya ang pagngisi ko kaya ginawi niya ang kaniyang tingin sa'kin, binaba ko ang tingin ko. "Bago ako umalis, gusto ko lang sabihing hindi ako mapapaalis sa school na ito dahil ipinagtanggol ako ni Ced kanina, habang kausap ang daddy niya, ang Chairman ng school na ito," she smirked at me. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni Chloe, kaya pala tumawag siya kanina dahil kinausap sila ng Chairman. "Chloe, please! Umalis ka na!" muling sambit ni Ced. Ngumiti lang si Chloe at tumalikod na ito. Napalunok ako nang biglang hinigit ni Ced ang braso ko at hinatak ako palabas ng cafeteria. Nagkatinginan naman ang dalawang kaibigan ko. "Ano ba, Ced! Nasasaktan ako!" nagpupumiglas ako hanggang sa nabitawan niya ang braso ko. "Ano? Ano bang ginagawa ko ha? Kung makahatak ka sa'kin parang ako pa itong may kasalanan!" sambit ko habang may namumuo na namang luha sa aking mga mata. "Hindi ka naman dating gano'n 'di ba?" giit niya. "Ang alin? Dahil ba sinapak ko ang ex mo at tinulak ko siya? Ano?" napabuntong hininga ako. "Hindi naman sa gano'n, pero hindi naman kasi tama ang ginawa mo," pagtatanggol niya. Napangiwi ako sa sinabi niya, "Putiks! Kinakampihan mo pa talaga siya? So, ano ba ang tama ha? Ced?!" bigla kong naramdamang bumuhos na ang luha ko. "Ano ba yung tama?! Yung naghalikan kayo?" napahagulhol ako ng iyak. "Hya, I'm sorry. Patawarin mo ako," sambit niya. "Sorry? Patawarin?" I smirked. "'Yan lang ang sasabihin mo? Ang kapal din ng pagmumukha mo Ced!" sinapak ko siya at naglakad ako papalayo. "Hya, please! Magpapaliwanag ako, alam kong nagkamali ako dahil sa ginawa ko," pigil niya sa'kin. "Please? Para saan pa Ced?" tanong ko at bumuntong hininga ako. "Love, I'm so sorry," sinusubukan niyang hawakan ang kamay ko pero pumipiglas ako. "Hindi madadala ng sorry ang mga panlolokong ginawa mo," I said, sobbing. "Ano bang pagkukulang ko? Saan ba ako nagkulang?" "I'm so sorry, Love. Wala kang pagkukulang, Hya. Wala." "Wala? Pero bakit kailangan mo akong gaguhin ng ganito? Anong meron sa kaniya? Masarap ba siya kesa sa'kin? Mas malaki ba ang d*d* niya?Ano?!" bulalas ko at nanginginig na ako sa sobrang galit na nararamdaman ko. "Hin..." "Huwag ka nang magpaliwanag, pakiusap," giit ko nang magsasalita pa sana siya, pero tumalikod na ako paalis. Ayoko nang marinig pa ang mga paliwanag niya. *** Hindi ko pa siya kinakausap simula nang araw na iyon. Maraming tawag at mensahe ang natatanggap ko mula sa kaniya pero kahit ni isa wala akong tugon. Simula nang lumabas ang video nilang dalawa ay nagsilabasan na rin lahat ng larawan at videos na kinuha pa ng ibang estudyante habang magkasama sila. Halos araw-araw pala akong niloloko ni Ced. Magkasama sila lagi ng babaeng iyon. Ganito talaga siguro ang kapalaran ko. Kung nagbago man ako ay dahil iyon sa panlolokong ginawa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD