Chapter 3

1115 Words
Hya's Point of View Nasa cafeteria kami ng school, kasama ko si Candie. "Hindi pa rin ba kayo nag-uusap ng manloloko mong boyfriend?" ngumunguya't punong-puno ang bibig na tanong niya sa'kin. "Hindi pa, bahala siya sa buhay niya," sagot ko sa kaniya habang iniikot-ikot ang tinidor. Hindi ko pa nagagalaw ang pagkain ko dahil sa wala akong gana. Ewan, pero feeling ko isusuka ko lang lahat ng kakainin ko. "Hiwalayan mo na kasi ang ugok na 'yun! Hindi ako makapaniwala na kaya ka niyang lokohin sa kabila ng kabaitan mo," napangiwi siya. "At isa pa, imposibleng hindi na siya uulit sa panloloko niya, isipin mo naman na simula pa noong naging kayo ay niloloko ka niya," taas-kilay niyang sambit. "Naubusan na nga ako ng bait, eh. Kaya pati siya nagtaka kung bakit nagbago ako, nag-iba ugali ko," napabuntong hininga ako. "Dati-rati, balewala lang sa'kin lahat, iba talaga kasi kapag nasaktan ka nang sobra." "Kulang pa nga ‘yung ginawa mong 'yun! Hay naku! Bakit ba kasi sa dinami-rami ng lalaki sa campus na nagkakagusto sa'yo, 'yung manloloko pang 'yun ang napili mo?" sabi niya at napakunot-noo siya. "Kasi mahal ko siya, he's so sweet saka mabait naman siya at masayang kasama," sambit ko at tinusok ko ng tinidor ang saging na nasa tray. "Hindi ko inaasahang darating kami sa gan..." "Hya! Candie!" napapitlag kami ni Candie. "Kung makasigaw ka naman Sophie, parang emergency palagi," sita ko at marahang hinampas ko siya gamit ang kanang kamay ko. Humahangos na inilapag niya ang kaniyang dalang tray na puno ng pagkain. Hindi ko alam pero nasusuka ako sa strong na amoy ng curry sa pagkain ni Sophie. Napatakip ako sa ilong ko gamit ang panyo at pinipigilang magsuka. "O, anong nangyayari sa'yo, Hya? Masama ba ang amoy ko at napatakip ka ng ilong mo?" kunot-noong tanong ni Sophie habang inamoy ang kaniyang sarili. "Ang baho naman niyan," itinuro ko ang pagkaing dala niya na nasa tray. Sobrang nahihilo talaga ako. Siguro dahil konti lang ang laman ng sikmura ko. Pero may sekreto akong hindi sinasabi sa kanila. Limang buwan na akong buntis pero ayokong sabihin sa kanila, maging kay Ced. Natatakot ako na baka iwanan ako ni Ced. Napaka-sensitive pa naman ng pinagbubuntis ko ngayon. Saka ko na lang sasabihin sa mga kaibigan ko, pati na rin kay Ced. "Hya! Anong nangyayari sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Sophie at lumapit din sa'kin si Candie. Biglang dumilim ang paningin ko, kaya napapikit na lamang ako. Tanging boses na lamang nila ang naririnig ko. "Hya?! Gumising ka!" mariing sinampal-sampal ang magkabilang pisngi ko, ngunit hindi ko na kayang imulat ang mga mata ko at pakiramdam ko'y nanghihina ako ng sobra. "Tulong! Tulungan ninyo kami!" *** Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa'kin ang puting kisame at paglingon ko ay nakita ko ang dalawa kong kaibigan na parehong malungkot ang mga mukha. Nasaan ba ako? "Hya? Buti naman at nagising ka na!" saad ni Sophie na bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. "Anong nangyari?" tanong ko, dahil ang tanging naaalala ko lang ay ipinikit ko ang aking mga mata dahil lumabo ang aking paningin. "Nahimatay ka, kaya dinala ka namin kaagad rito," malungkot na sagot ni Candie. "Salamat sa inyo ha? Ano pala ang sabi ng Doctor?" "Hya, ano..." biglang tiningnan ni Candie si Sophie at tumango ito, hindi ko alam kung para saan ang pagtango na yun. "Hi...hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa'yo," sabi ni Candie habang may namumuong luha sa mga mata niya. "B..bakit?" kabadong tanong ko. "Hya, bu...buntis ka, limang buwan kang buntis! Bakit mo nilihim sa 'min ang lahat?" sambit niya. Natuwa ako sa sinabi ni Candie pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi man lang sila natutuwa, kahit manloloko ang magiging ama ng anghel na 'to pero masaya pa rin naman ako. "Bakit umiiyak kayo? Dapat nga matuwa kayo, pero hindi ko sinabi sainyong bunyis ako dahil nahihiya ako at natatakot ako na baka iwan ako ni Ced," napabuntong hininga ako. Magkakaanak na kami ni Ced, paano ang pag-aaral ko? Magbabago pa kaya si Ced para sa'min ng magiging anak namin? "Hya naman! Tanggap ka namin kaya dapat sinabi mo sa 'min," malungkot na sambit ni Candie. "Pasensya na talaga sainyo kung hindi ko sinabi," sambit ko, pero nanatiling malungkot ang kanilang mukha. "Bakit parang uutangan kayo?" "Hya... Hya, ma...may taning na ang bu...buhay mo," nauutal niyang sambit. Tila tumigil ang diwa ko sa narinig ko. May taning? Bakit? Ano ba ang sakit ko? Bigla na lang na bumuhos ang luha mula sa aking mga mata. "Ma...may taning?! Bakit?!" pasigaw kong tanong sa kanila. "Mag-hunos dili ka, Hya," sambit ni Sophie. "Bakit nga?!" sigaw ko sa kanila. "Hya, ma...may leukemia ka," sagot ni Candie. Animo'y tumigil ang mundo dahil sa narinig ko. Parang nalagyan ng napakaraming tinik ang aking puso. Napatingin ako sa kawalan habang patuloy sa pagbuhos ang mga luha ko. Bakit ganito ang nangyari sa'kin? Ano ba ang nagawa kong kasalanan? Bakit ang sama ng dagok ng langit sa 'kin? Namulat ako nang walang mga magulang at tanging kayamanan lang ang kanilang naiwan, pati ba naman ngayon, kailangan ko pa ring magdusa? Diyos ko, bakit? Ipinanganak ba talaga akong malas? Bakit kailangan kong magdusa ng ganito? Ano ba ang dapat kong pagbayaran para maranasan ko ito? "Na..nasaan si Ced?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. "Papunta pa lang siya rito, ipinaalam rin namin sa bahay mo ang nangyari sa'yo kaya pupunta rito ang mayordoma," sambit ni Candie. Napabuntong hininga ako. Oo, mayordoma, at ibang mga katulong lang ang kasama ko sa bahay dahil when I was 10 years old, my parents died on a plane crash. Napakaaga kong naulila, kaya nga naiisip ko kung bakit napakamalas ko. Grabe, siguro nang magpaulan ng kamalasan, nasalo ko lahat. "Napakamalas ng buhay ko ano?" sambit ko. "Hya, hindi naman sa malas. Nagkataon lang ang lahat, Hya," giit ni Sophie at hinawakan ang kamay ko. "Hya, mahal ka namin. Nandito lang kami para sa 'yo, tandaan mo, hindi ka malas Hya. Hindi mo mararanasan ang mga pagsubok na ito kung hindi mo kaya, mahal ka ng Diyos, Hya," sabi ni Candie habang nagpupunas ng luha niya. Huminga na lang ako ng malalim. Ngayon, paano mabubuhay ang anak ko, kung may taning na ang buhay ko? Paano ko siya maililigtas? Kung magkakaroon lang ng himala para magbago ang kapalaran kong ito, pero wala eh, wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang siguro tanggapin ang lahat pero papaano? Mahal ko si Ced, ayokong maiwanan siya mag-isa. Paano kung mabuhay ang anak ko? Sino mag-aalaga sa kaniya? Ayokong lumaki siya ng walang Ina, tulad ko. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD