Sophie's Point of View Shuta naman, kanina pa akong pikit nang pikit ng mga mata ko pero hindi ako makatulog, eh. Gusto ko na talagang matulog kasi kapag hindi ako nakatulog, mangingitim na naman ang mata ko, magmumukha na naman akong panda! Hindi ko alam pero kinabahan ako nang sobra. Sabi nila kapag nakaramdam daw ng kaba ang isang tao, may masamang nangyari daw o kaya mangyayari pa lang. Tsk. Nag-aalala tuloy ako kina Daddy at Mommy. Kumusta kaya sila Mommy at Daddy? Wala sila ngayon dito sa bahay, eh. Si Besh Hya kumusta kaya? Sana wala namang nangyaring masama sa kanila. Pinagpapawisan din ako ng malalamig. Diyos ko! Bakit kaya nangyayari sa 'kin ito? Ayokong may mawala sa kahit sinumang mahal ko at malapit sa buhay ko. Kayo na lang po ang bahala sa kanila. Gabayan n'yo po an

