Candie's Point of View Nandito na ako sa school hinihintay ko si Sophie habang nakaupo ako sa bench. Bwiset! Hindi ako makatulog ng maayos kagabi dahil sa lalaking 'yon. Wala eh, nag-iisip lang ako ng mga maaari kung gawin, kung paano ko siya sasaktan ng sobra-sobra sa bandang huli. Noong unang pagkikita namin ay iniisip ko na baka siya na ang lalaking para sa 'kin, ang lalaking magiging akin habambuhay, pero nagbago na ang lahat, napalitan na ng galit ang puso ko. Kanina pang panay ang chat niya sa 'kin sa messenger. Napaka-sweet niya! Syempre, kailangan ko rin magpanggap na sweet din ako sa kaniya. Mukhang mabilis kong mapapaibig ang lalaking ito. Kung sa una niyang girlfriend ay nasaktan lang siya, sa 'kin makakaranas siya ng doble-dobleng sakit at pagsisisi. "Hi, Good Morning! Mi

