Chloe's Point of View Umuwi na lang ako ng bahay dahil sa dumi ng uniform ko. Kung anu-ano ang binato nila sa 'kin after ng public apology ko. Ni hindi ko in-expect na gagawin nila sa 'kin 'yon. Talagang nangati ang buong katawan ko, dahil 'yong ibang estudyante hindi ko alam kung ano 'yong pinagbabato pa sa 'kin. Ganito pala ang feeling ng walang magtatanggol sa 'yo dahil wala kang kaibigan, walang taong nagmamahal sa 'yo bukod sa mga magulang mo. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako kaagad ni Mommy. Nakaawang ang mga labi niya, marahil ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin at magiging reaksyon niya sa nakikita niya. Nang makalapit ako sa kaniya ay biglang lumiko ang labi niya, namuo ang luha sa kaniyang mga mata hanggang sa unti-unti na iyong tumungo sa kaniyang pisngi. "Hija,

