Hya's Point of View Grabe, habang lumilipas ang mga oras parang humihina naman ang aking katawan. Sana makaabot man lang ako kahit mga ilang buwan pa. Gusto kong makasama pa si Ced, si Nanay at ang mga kaibigan ko. Nakakaramdam na ako ng pagod pero kailangan ko pang lumaban para sa mga mahal ko sa buhay. Nasaan na kaya siya? Ayokong matulog na wala pa si Ced kasi baka hindi na ako magising. Natatakot ako na baka pagpumikit ako ultimo na iyon. "Andito na naman kami! Mambubulabog sa katahimikan!" sabay na bulalas nina Candie at Sophie. May mga dala-dala silang prutas at iba pang mga pagkain. Inilatag nila iyo sa ibabaw ng mesa. "Mabuti naman para may kasama ako rito," sambit ko at nginitian ko sila. "Nasaan nga pala ang magaling mong boyfriend?" taas-kilay na tanong ni Candie. "Pinap

