Candie's Point of View Ewan, pero nang hinalikan niya ang kamay ko ay nakaramdam ako ng kuryente. He's so handsome at ang mga labi niya parang gusto kong matikman. Hay, grabe! "Okay ka lang ba?" he asked. "Huh? Hehehe, oo naman!" sagot ko sa kaniya. Hay naku, napapatulala talaga kapag tinititigan siya. Ang gwapo niya! "Basta, tuloy tayo next Sunday. Magkita na lang tayo sa 7-Eleven, ha?" he smiled at me. Parang ang sarap pisilin at kurutin ang pisngi at ilong niya. He's really cute. "Oo, sige," matipid kong sagot sa kaniya, at nginitian ko siya. Anong oras na kaya? Hindi kami pwedeng magpahatinggabi ni Sophie kasi may pasok pa kami. Ang pinakaayoko pa naman sa lahat ay ang antok ako kasi talagang nakakatulog ako sa oras ng klase. Tinumbok ko ng aking mga mata si Sophie, para senyasa

