Chapter 36

1028 Words

Dahil sa pagdating ng Baxter gang kaya lalong lumakas ang puwersa nina A. Mula sa dalampasigan ay nakasunod din naman agad sa isla ang grupo ni El Padrino. Kaya kahit nawala man ang grupo nina Juan, at nalagasan sina Felix, halos patas pa rin ang laban. Gayun pa man ay aminado silang malakas din ang puwersa ni Lady Bat. Halos kapantay ng grupo ni Lord Raccoon. "Pumasok ka na sa loob, A! Hanapin mo na rin sina Aarah. Kami na ang bahala rito," pagtataboy sa kaniya ni B habang nakikipagbarilan pa rin. Ipinagtulakan din siya ni E. "Sige na, pare! Mas kailangan ka ni Aarah sa loob. At siguradong kailangan din ng back up ni Boss Bernard. Baka pinagtutulungan na siya roon ng mga kalaban." Kanina pa nga nag-aalala si A kina Bernard at Aarah. Gustong-gusto na niyang pumasok sa loob ng mansiyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD