Bukas na ang field trip namin, kaya ito ako ngayon nag-aayos ng mga dadalhin kong gamit para sa field trip. Sabi ni Mads ay beach iyong pupuntahan namin kaya nag-dala rin ako ng swimsuit.
Limang damit at syempre ladies staff ang dadalhin ko. Nang malagay ko na ang dadalhin kong mga gamit sa travel bag after no'n ay lumabas na ko sa kwarto. Nakita ko si Basty na naghahanda ng pagkain namin sa lamesa. Napangiti ako dahil doon.
Since last week na lumipat siya dito, palaging may nakahandang pagkain na luto niya sa lamesa. Ewan, ang simple lang ng ginagawa niya pero iba ang impact sa 'kin.
Hindi ako tanga para hindi maramdaman ang nararamdaman ko kay Basty. Hindi pa ko sure, pero isa lang ang nararamdaman ko para kay Basty.
I am happy when I'm with him.
"Nandiyan ka na pala," yumingin siya sa 'kin. "Kain na tayo." Nakangiting sambit niya.
Nakangiti akong tumango at umupo na para kumain.
"Naghanda ka na gamit mo para bukas?" Tanong ko.
"Oo, kanina lang," sagot niya. "Nagpaalam ka na sa manager mo?
Uminom ako ng tubig. "Oo, kahapon pa."
Tumango siya at ipinagpatuloy ang pagkain. Napansin kong kanina pa siya tingin nang tingin tapos umiiwas pag-nahuli ko siya.
"May gusto ka bang sabihin sa 'kin?" Tanong ko.
Binaba niya ang hawak na kubyertos. "Ano, kasi," Na pakamot siya ng batok niya. "Birthday kasi ni Mama next Friday, pwede ka bang pumunta sa party?" Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Oo, pwede naman. Anong oras ba party?" Tanong ko.
Nawala ang pangamba sa mukha niya at napalitan ng saya. "10 PM naman start ng party. Pwedeng kahit after na ng class natin tayo pumunta. Pwede malayo rin kasi ang bahay namin dito."
"Okay, then I'll go with you." Ngumiti ako.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para sa field trip namin. 10:30 AM kailangan nasa school na kami dahil 11 o'clock ang alis namin. Ang sabi ni Basty ay mahigit two hours ang biyahe papuntang Maryo Maligaya.
Lumabas ako para tingnan kung naghahanda na si Basty. Nang wala siya sa sala at kusina kaya chineck ko kung nasa banyo siya, kaso wala rin.
"Baka tulog pa," Bulong ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa kwarto ko para ko para kunin ang gamit panligo ko tsaka lumabas ulit para maka-ligo na.
Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Basty na kakagising palang. Nag-pupungas pa siya ng kanang mata niya.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil ang cute niya lang pag-bagong gising. Magulo ang buhok niya, pero gwapo parin siyang tingnan.
Ngumiti siya ng makita ako. "Good morning, Crystal."
"Good morning," Sinarado ko ang banyo. "Maligo ka na at maga-alas diyes na. Baka malate tayo." Sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.
Nagbihis na ko ng ma-isusuot ko. I'm wearing a printed ice cream pink crop top and black button down high waist skirt, and a black high Converse. Pa-messy bun ang pagkakatali ng buhok ko.
As usual, naglagay ako ng kaunting make up. Foundation, power, blush on and then pink lips stick okay na ko don. I want to keep my natural pale white skin.
Nang maayos na ang hitsura ko ay kinuha ko ang bag na naglalaman ng mga gamit ko at ang sling bag ko. Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Basty na nasa sala na.
Nakabihis na rin siya. He's wearing cargo shorts, a grey long sleeve and sneakers. Nakataas hanggang siko ang long sleeve niya. Napaka-gwapo niya sa suot niya.
"Alis na tayo." Kuha ko ng atensyon niya.
Tumingin sa 'kin. He looked at me from head to toe and toe to head. Napaiwas pa ko sa uri ng tingin niya sa 'kin. Bakit kasi gano'n siya kung makatingin?
"You're so beautiful, Crystal." Aniya.
Kahit hindi ko sabihin ay alam kong namumula ang pisngi ko. Lagi naman akong na sasabihan ng maganda, pero noong siya ang nag-sabi ay parang lumundag ang puso ko.
Wala! Iba na talaga 'tong nararamdaman ko.
"You look great too." Puri ko sa kanya.
Ngumiti siya. "Tara na?" Aya niya. "Akin na yang dala mong bag, ako na magdadala."
Tumango ako ibinigay ang bag ko. Hindi naman mabigat iyon, pero nag-insists eh. Lumabas na kami sa bahay. Ako ang nag-lock ng gate at pumunta na kami ng school.
Pagdating namin ng school ay maraming ng estudyante ang nandoon. Meron na kasing limang bus na nasa lounge ng University. Hinanap namin sila Mads at Martinez.
"BASTY DITO!" Napatingin kami ni Basty sa sumigaw. Sila Mads at Martinez iyon.
Nakasuot ng black fitted denim pants at T-shirt na blue si Martinez habang si Mads naman ay naka high waist short at crop top na black habang naka lugay ang buhok niyang hanggang balikat niya.
Nasa number 3 bus sila. Lumapit kami sa kanila. "Balita ko hindi magkakasama ang mga estudyanteng nasa iisang course eh." Ani ni Martinez.
"So, paano 'yon?" Tanong ni Basty.
"Hintayin nalang natin ang announcement." Sabi ni Mads.
Naghintay pa kami dito ng mga 10 minutes bago dumating ang mga teacher at si Mr. Angeles na head teachers ay pumunta sa stage na may hawak na mic.
"Okay, before we go I have some announcements to make. This school field trip will be different from the other field trip that we had last year." Paunang salita nito. "Limang bus ang sasakyan na'tin at sa isang bus Hindi pwedeng mag-sama ang nasa i-isang course. You must have a partner, boy and girl from different courses. For example, one boy from The Bachelor of Arts in Mass Communication and one girl from Civil Engineer. All students must have a partner because we will have activities when we get there. Hindi pwede ang girl and girl, boy and boy at lalo ang magka-partner sa iisang courses because you will lose your points. Ang may pinakamataas at maraming points ang malikom mae-exempted sa dalawang subjects this quarterly exam. We will leave in 10 minutes." Pagkatapos ay bumaba si Mr. Angeles sa stage.
Nag-ingay ang mga students. May ibang agree sa announcement at may mga di rin agree. Pero kahit anong sabihin nila, hindi na magbabago ang sinabi ni Mr. Angeles.
Hindi ko alam kung sino ang magiging partner. Hindi naman pwede si Mads, kasi iisang course at mag-classmates pa kami. Sayang yung points.
Nag-angat ako ng tingin kay Basty. "May naisip ka ng magiging-partner mo?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin siya sa 'kin. "Oo." Simpleng sagot niya.
"Martinez, wala pala tayong makakain sa bus mamaya. Bili muna tayo." Maya-maya ay sabi ni Mads.
"Oo nga! Dito nalang kayo ni Snow, kami nalang ni Basty bibili sa cafeteria." Tumango naman si Basty at umalis na ang dalawa.
"Partner na kayo ni Martinez?" Tanong ko kay Mads ng makaalis ang dalawang lalaki.
"Of course! Kayo ni Basty?" Nakangiting sambit niya.
I pouted. "Eh, meron na raw siyang partner eh! Mag-hahanap nalang siguro ako sa ibang course." Malungkot na saad ko.
"Si Sebastian, hindi ka niyaya na maging-partner niya? Hala!" Gulat na tanong ni Mads.
May lumapit sa amin ni Mads na isang lalaki. Matangkad rin siya, naka brown denim pants siya at dark brown polo shirt.
Nakangiti ito sa 'kin. "Hi, Snow. I'm Brian from mass com building, I just want to ask if you don't have a partner yet," Lumapit siya sa 'kin. "Tayo nalang sana."
"Ah, w—"
"Meron na siyang partner, so pwede ka ng umalis." May pumatong na braso sa balikat ko.
Umalis yung lalaki.
Napatingin ako kay Basty. "Sabi mo kay ka-partner kana?"
"Oo, ikaw."
Napangiti na naman ako ng palihim. Hindi kasi pa kasi direct ba sinabi sa akin kanina na ako ang gusto niyang maka-partner.
"Sebastian, grabe ang possessive mo rin pala?" Pang-aasar ni Mads at tumawa.
"Tingnan mo naman ang kapit. Kapit ng ayaw mawala!" Dugtong ni Martinez at tumawa rin.
Napatingin ako sa braso niyang nasa balikat ko parin. Hindi niya pinansin ang sinabi ng mga kaibigan at hinigit niya pa ko papalapit sa kanya kaya tumaas ang tingin ko sa kanya.
Sa iba siya nakatingin. Matangkad si Basty at hanggang balikat niya lang ako. Maya-maya ay pinasakay na kami sa bus. Sa bus 4 kami sumakay.
"Doon tayo sa pinakadulo ng bus, para apat tayong magkakatabi." Sabi ni Martinez at naupo na sa dull ng bus. Yung pang-limahan ang upuan.
"Dito kami ni Crystal," Ani ni Basty at tinuro ang dalawang upuan. Pangalawa sa hulihan. "Maupo kana." Tumingin siya sa 'kin.
Wala akong magawa kundi ang sumunod dahil may mga students rin na gusto ng umupo. Nasa tabi sabi ako ng bintana at katabi ko si Basty na kakatapos lang ilagay ang bag namin sa lalagyan sa taas.
"Ang possessive talaga, gustong ma-solo." tukso na naman nila Mads at Martinez.
Seryoso pa rin ang mukha ni Basty. Nakakapanibago kasi, this past few days hindi na siya masyadong makulit at ma-ingay tulad ng dati.
"Bakit?" Doon ko lang na-realize na nakatingin na pala siya sa 'kin.
"Ang seryoso mo na masyado nitong mga nakaraang araw," Ani ko. "May sakit ka ba?" Tanong ko at nilagay ang kamay ko sa noo niya.
"Sabi mo i-try kong wag kang kulitin?" Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.
Natawa ako. "Sineryoso mo naman eh, nagbibiro lang ako no'n."
"So, gusto mo yung side ko na makulit, ma-ingay at lagi kang ginugulo?"
"Oo," Sabi ko. "Mas nasanay akong gano'n ka eh. Sabi ko sayo wag mo kong sanayin sa mga bagay dahil baka biglang mawala 'to."
Ngumiti siya kaya nakita ko na naman ang dimple niya. "Okay lang na masanay ka, kasi wala naman akong balak na itigil 'to." Aniya at kinurot ng mahina ang pisngi ko.
Umiwas ako ng tingin sa kanya. Nararamdaman ko na naman kasi ang pamumula ng pisngi ko eh.
Umandar na ang bus ng sinasakyan namin. May sari-sariling ginagawa ang mga students sa bus. May mga tahimik, yung iba nag-kakantahan tapos yung nag-uusap.
Tumingin ako kay Basty at nahuli ko siyang nakatingin rin sa'kin. Natawa kami pareho nang mag-tama ang mga mata namin.
And then I feel his hand move. He intertwined his hand with mine. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumingin ako sa bintana para itago ang mga ngiti ko sa labi. Grabe, iba na talaga itong nararamdaman ko sa kanya!