CHAPTER 9

1483 Words
Napatingin ako kay Crystal nang bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Sinilip ko ang mukha niya at nakita ko na natutulog siya. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatabon sa maganda niyang mukha at dahan-dahan na nilagay iyon sa likod ng tenga niya. Napangiti ako ng makita ang maamo niyang mukha. Naalala ko tuloy nang una beses ko siyang makita sa school. Nasa registrar siya noon at kakalabas ko lang ng office, dahil kinausap ako ni si Sir. Aguilar para sa field study na gagawin ko sa US. May offer kasi sa akin sa US. Mag-aaral ako doon ng agriculture, syempre tinanggap ko kasi gusto rin ni papa. Magandang opportunity daw iyon para sa akin at sa farm namin para pag ako na ang nag-patakbo ng farm namin ay maalagaan ko iyon ng maayos. Ayokong i-down sila mama at papa dahil ako lang ang anak nila at ako lang pag-asa ng farm namin, kaya kahit ayoko sa agriculture ay ito ang kinuha ko na course. Kailangan ko na maging selfless dahil nga nag-iisang anak lang ako. Unang kita ko palang kay Crystal, nagustuhan ko na siya agad. Hindi ako naniniwala sa love at first sight dati, pero ngayon totoo pala siya. Parang hihinto ang mundo mo pag nakita mo yung taong mahal mo. Weird, but that is how I feel when I see her. I tried to make her notice me by annoying her. That is the only way that I know para makausap ko siya. Hindi ako makulit, madaldal at maingay na tao, ginawa ko lang 'yon para mapansin niya ako. Feeling ko kasi hindi niya papansinin or kakausapin kung seryoso ako. Natotorpe ako dahil ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Wala na akong ibang paraan para napansin niya ko, kaya nangungulit ako sa kanya. Alam nila Mads at Martinez na may gusto ako kay Crystal. Mga kaibigan ko sila kaya kilalang-kilala na nila ako. Hindi na muna ako aamin sa kanya, hanggang hindi pa tapos ang issue nila ng ex-boyfriend niya. Gusto kong okay ang lahat bago ako umamin dahil mukhang alanganin pa ko sa puso niya ngayon. Ramdam ko na may gusto pa siya sa ex niya. Napatingin ulit ako sa kanya ng gumalaw siya ulit. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin. "Malapit na tayo?" tanong niya. "Wala pa, medyo malayo pa ang byahe kaya matulog ka muna," sagot ko. "Sorry nakatulog ako," aniya at tinanggal ang pagkaka-sandal sa balikat ko. "Wala naman akong balak na matulog eh." "Kumain nalang tayo," sabi ko at kinuha ang paper bag na naglalaman ng binili namin ni Martinez sa cafeteria kanina. Nakangiting tumango siya. Nilabas ko sa paper bag ang dalawang roast beef sandwich. Binigay ko sa kanya yung isa. Kinagatan naman niya iyon agad. Pinunasan ko ang gilid ng labi niya dahil na lagayan ng ketchup. "Tama na yang sweetness niyong dalawa! Kanina pa kayo! Penge nga ng kinakain niyo." Napatingin kami kay Mads na may nakakalokong ngiti sa mga labi niya. "Manahimik ka nga diyan!" Saway ko sa kanya. Inirapan niya ako. "Hihingi lang ako ng pagkain, Sebastian. Tulog kasi itong si Martinez." "Oh, sayo na lang 'to," ani Crystal at binigay ang isang roast beef sandwich kay Mads. "Salamat, Snow!" Masayang sambit niya. "Ang damot mo! Torpe ka naman!" Asar niya bago kinagatan ang sandwich. Natawa si Crystal kaya tumingin ako sa kanya. Nag-kibit balikat siya bago kinagatan ulit yung sandwich na kinakain. Nakarating kami ng Baryo Maligaya ng mga alas-dos ng hapon. Nasa lounge muna kami dahil may announcement na naman si Mr. Angeles. "Now that we are here," Panimula ni Mr. Angeles. "I'll be announcing the rooms of each student. Hindi porque boy and girl ang magkaka-partner para sa activities natin ay iyon na rin ang magiging roommate niyo sa kwarto niyo. Of course, that's not okay. Kaya yung mga magjo-jowa diyan, hindi niyo maso-solo ang isa't-isa." Biro ni sir at tumawa pa. "Based on your roommate, sa isang kwarto ay dalawa ang magkasama kaya pwedeng kahit ang mga kaibigan niyo ang kasama niyo sa room ay okay lang. But you have to make sure na hindi magkakasama ang babae at lalaki sa isang room. And you have to sure that tomorrow morning ay nandito na kayo sa lounge dahil ang late may minus points. Remember that you have to earn points as many as you can to be exempt in 2 subjects. Wala tayong gagawin ngayong araw kaya you can enjoy yourselves. Do whatever you want." Sa dami ng sinabi ni Mr. Angeles, sa pinaka-huling sinabi niya lang sumigaw ang mga estudyante. Pumunta na kami sa naka-assign na room namin. Magka-roommate kami ni Martinez habang sila Mads at Crystal naman ang magkasama sa iisang kwarto. Nasa 2nd floor ang kwarto namin ni Martinez habang nasa 3rd floor naman sila Crystal at Mads. Hinatid muna namin sila Crystal at Mads sa kwarto nila bago kami pumunta ng kwarto namin ni Martinez. Sakto sa dalawang tao lang talaga ang kwarto. May dalawang single bed na magkatabi, nasa gilid ang banyo at may malapit na veranda. "Kumusta kayo ni Snow, pare?" Tanong ni Martinez habang nag-aayos ng gamit niya. "Ewan," simpleng sagot ko. "Nako! Patay tayo diyan," aniya. "Bilis-bilisan mo baka maunahan ka pa ng iba. Tandaan mo andiyan pa ang ex niya." Tumingin ako sa kanya. "Bago siya makapunta rito, si-siguraduhin ko na wala na siyang babalikan dito. Hindi ako papayag." Maikling sambit ko. "Kaya bilisan mong gumalaw, Sebastian." Payo niya. Sana lang talaga hindi na bumalik ang Aaron na yan dito. Kung bumalik man siya at guluhin niya si Crystal, ako ang makakalaban niya. ••• "Ano na bang score niyo ni Sebastian?" Tanong ni Mads sa 'kin. Nag-aayos kami ng mga gamit namin. Ang sabi ng ibang students ay mag su-swimming daw kami, kaya hinanda ko na rin ang swimsuit na susuotin ko. "Wala. We're friends." Sagot ko. Binato niya ko ng unan. "Sus! Wag mo akong lokohin, Snow. May friends bang nag ho-holding hands?" Pang-aasar niya. "Eh, hindi ko naman alam kung may gusto siya sa'kin or wala. Hindi rin siya nag-papakita ng motibo." "Ikaw ba? Anong score niya sayo kung may gusto siya sayo? Tanong niya. "Mabait si Basty at alam kong hindi niya ko ipapahamak, kaso ayoko muna madaliin ang nararamdaman ko dahil kakagaling ko lang sa break-up." Sagot ko. Lumapit siya sa 'kin. "So, meron siyang puwang dito." Tinuro niya sa dibdib ko. Ngumiti ako sa kanya. "Oo, pero hindi ko muna mamadaliin ang nararamdaman ko. For now, I'm happy when I'm with him." Tumalon siya na parang kinikilig. "Wish you all the best for both of you." Masayang sambit niya. "Tara baba na tayo." "Ay, oo nga pala," Bumalik siya sa kama niya at pinakita ang one-piece swimsuit niya. "Magsu-swimming pala tayo! Muna na kong mag-palit ah?" Nakangiti akong tumango sa kanya.Tapos na kong mag-ayos ng umalis si Mads sa banyo. Nakasuot siya ng black one-shoulder backless swimsuit. Dahil sa suot niya umangat natural na kulay ng balat niya. Lalo siyang pumuti sa suot niya. "Okay ba?" Sabi niya at nag-pose pa siya. Nag-thumbs up ako. "Ang ganda mo tapos ang sexy mo pa. Ang liit ang waistline mo." Dahil sa suot niya, mas nakita yung S-curve line niya. Ang sexy ni Mads. Malaki kasi ang balakang ko, pero siya ang liit. "Suotin mo na rin yung sayo, para makapag-swimming na tayo." Pagma-madali niya. "Oo na." Ani ko at pumasok na sa loob ng banyo. I'm wearing a two-piece off-shoulder ruffle swimsuit. May flowers design iyon na nakapalibot. Since ayokong naka-panty lang dahil hindi ako sanay at ayokong ilabandera ang malaki kong balakang ay nagsuot ako ng ripped shorts. Tinanggal ko ang pagkaka-lugay ng buhok at lumabas na ng banyo. "Ang ganda-ganda mo, Snow. Nakakainggit ang pagiging maputi mo." Sabi ni Mads nang makalabas ako ng banyo. "Ano ka ba, Mads! Di hamak na mas maganda ka sa 'kin," Ani ko. "Okay lang ba yung suot ko?" Tanong ko. "Para walang away, parehas nalang tayong maganda." Humagikgik siya. "Oo no! Ang ganda-ganda mo! Tara na dahil ang kagaya nating magaganda ay hindi tinatago dito sa kwarto." Pinalupot niya ang braso niya sa 'kin at hinila na niya ko palabas ng kwarto. Dumiretso kami sa baba at nakita namin ang ibang students na nandoon na. Ang nga teacher naman ay nasa cottage. Maganda rito sa Baryo Maligaya. Aragon Grandé Hotel Ang pinag-i-stay-an namin. Ang fresh ng air at sobrang ganda ng dagat. Asul-asul na ang kulay ng dagat. "Maligo na tayo sa dagat!" Masayang sambit ni Mads sa 'kin. "Ikaw na muna. Do'n lang ako sa may bartender." Sabi ko at tinuro ang bartender hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. "Oh, sige basta pag-nakita sila Martinez at Basty sabihin mo nagpapaka-sirena ako." Aniya at tumawa pa. "Oo." Tumatawang sagot ko. Pumunta siya ng dagat habang ako ay pumunta sa bartender. Umupo ako sa harapan ng counter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD