"Ma'am, you want a drink?" Tanong ng bartender sa 'kin.
"Can I have orange juice?" Ngumiti ako.
He smiled too. "Of course, Ma'am!"
Mabilis niyang gumawa ng orange juice sa harapan ko at binigay iyon sa 'kin after. Ngumiti ako and then I take a sip.
Naubos ko ang orange juice nang may tumabi sa'kin. "Mind me if I join you, Ms. Beautiful?" Napatingin ako kay Basty.
Ngumiti ako at hinampas siya sa braso. "Sira!"
He's wearing a sleeveless tee and shorts. May nakasabit na Canon DSLR Camera sa leeg niya. Kitang-kita ko ang muscles niya sa suot niya. Maganda ang pangangatawan ni Basty, base sa suot niya ngayon.
"Bakit ka naman nag-iisa dito?" Tanong niya. "Hindi ka sumama kay Mads."
Nagkibit-balikat ako. "Wala naman akong ganang mag-swimming eh. Dito nalang muna ako." Sagot ko.
"Ako rin eh," Aniya at tumayo. "Sama ka sa 'kin." Nilahad niya ang kamay.
Ngumiti ako at tinanggap ang alok niya. "Saan naman tayo pupunta?" Tanong ko.
"Akong bahala."
Hinawakan niya ang kamay ko at umalis kami do'n. Lumabas kami ng beach resort at pumunta sa may mga nagtitinda ng mga souvenir.
Tumingin ako dahil baka may magustuhan ako. Ang daming uri ng souvenirs ang tinitinda dito. May damit, ref stickers, key chain at iba pa. Tumingin ako ng bracelets.
"Ito," Kinuha ni Basty ang bracelet na may crystal at nasa gitna ang snow ang design. "Bagay sayo."
"Talaga?" Tanong ko.
Sunod-sunod siyang tumango at kinuha ang bracelet at sinuot sa 'kin. "Bibilhin ko 'to sayo."
Ngumiti lang ako at nag-libot pa. Pumunta ako sa mga damit. Kumuha ako ng dalawang T-shirt para kay Daddy at kuya, para pag-umuwi ako ay may dala ako sa kanila.
Napatingin ako kay Basty. Sumimangot ako sa kanya dahil nahuli ko siyang kinukuhanan ako ng litrato.
"Siguraduhin mo lang na maganda yang stolen shot ko, kundi lagot ka sa 'kin." Biro ko.
Ngumiti lang siya at kinuhanan ulit ako ng litrato.
"Tama na nga yan! Kanina ka pa!" Saway ko at tinakpan ang mukha ko.
"Ayoko! Bleh!" Ang loko binelatan pa ko.
Sumapit ang gabi at lahat ng students ay nag-plano ng mag-bonfire sa tabi ng dagat. Pumayag ang mga teacher at sumama rin ang ibang students, ang iba naman ay umakyat na dahil napagod.
Sumama kaming apat since wala namang gagawin at maaga pa. Mag-katabi sila Mads at Martinez habang naka-akbay si Martinez kay Mads. Malayo-layo sila sa amin ni Basty.
"Ang boring kung ganto lang," Ani Dexter na classmates namin ni Mads. "Mag-laro tayo!" Dugtong pa nito.
"Oo, maganda yan!" Sang-ayon ng iba.
"Ganto nalang," Si Danica iyon na nanggaling sa HRM. "Mag-open forum tayo. Isali natin sila ma'am at sir para mas masaya."
Pumayag ang teacher sa sinabi ni Danica basta mag iwas-iwas sa mga sasabihin para walang away na mag-karoon. Katuwaan lang daw dapat ang lahat, walang mapipikon.
"Ako na ang mauuna. Matagal ko ng gustong sabihin ito," Tumayo si Dexter at tinuro si Mads. "Mads, matagal kung may gusto sayo. Bago ka pa man ligawan ni Martinez. Pero wala na iyon ngayon." Napakamot ng batok si Dexter.
Inasar naman siya ng ibang naming classmates at mga teachers. Tumawa naman si Mads.
"Sorry ka, pare pero kahit may gusto ka pa dito hindi ko na papakawalan pa 'to." Humigbit ang pagkaka-akbay ni Martinez kay Mads. Si Mads naman ay kinikilig.
Tumawa kaming lahat. May mga umamin pa ng gusto nila at may naglabas ng sama ng loob sa mga exes at kaibigan nila.
Tumayo si Ronan na classmates rin namin ni Mads. "Ms. Lopez, I just want to say that I have a crush on you." Sa akin naman bumaling ang mga students.
"Ligawan mo na 'yan!" Katchaw ng iba.
"Anong masasabi mo, Ms. Lopez sa confession ni Mr. Perez?"
Alinlangan akong ngumiti. "Okay lang. Crush lang naman eh. Lahat naman tayo may mga crush." Simpleng sagot ko.
"Oo, lahat tayo may crush kahit mga teacher natin may mga crush yang mga iyan!" Pang-aasar ng ibang students.
"Ligwak kana Ronan, dahil hindi ikaw ang type yang si Snow namin." Sabi ni Mads.
Ngumiti lang ako at tumingin kay Basty na seryoso ang mukha. Mukhang malalim ang iniisip.
Ano naman kaya 'yon?
"Maiba tayo," Sabi ng isang estudyante na hindi ko kilala. "Basty, kelan ka ba magkaka-girlfriend? Ang tagal na naming hinihintay ang magiging girlfriend mo."
"Oo nga! Ang gwapo-gwapo mo wala kang girlfriend." Sabi ng iba pang estudyante na mukhang ka-klase niya.
Napatingin ulit ako sa kanya. "Wala ka pang nagiging girlfriend?" Tanong ko.
"Wala pa." Simple sagot niya. "Wag kayong mag-alala soon makikilala niyo rin siya. Hinihintay ko lang siyang maging ready." Sabi niya sa mga kaklase niya.
"Sus! Baka naman si Dennise yan!" Sabi ng kaklase yan.
"Oo! Yung anak ni Mang Edgar. Diba, close kayo no'n? Crush na crush niya yun since Senior high school kami." Dagdag pa isa.
Nawala ang ngiti ko. Ewan, may kung anong pumiga dito sa puso ko. I bit my lower lip. Nagiging OA ako eh, crush lang naman niya yung Dennise.
Na-curious tuloy sa Dennise na 'yan. Maganda ba siya? At anong katangian ang meron siya para maging crush siya ni Basty.
"Tingnan niyo, namumula si Basty!" Hindi natigil ang pang-nunukso kay Basty.
Ayokong tingnan ang mukha ni Basty dahil naiinis ako! Yumuko ako. Ayokong makita ng mga tao na nagkakaganto ko dahil ang mababaw ng kinaiinis ko.
Natigil rin ang pang-aasar kay Basty at nag-patuloy ang forum. Tumayo ako dahil nawalan ako ng gana.
"Saan ka pupunta, Mr. Lopez" Tanong ni sir. Angeles.
"Matutulog na po, Sir." Sambit ko. Tumango siya kaya nag-lakad na ko papalayo sa kanila.
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang tatlong palapag ng building. Nang makarating ako sa 3rd floor ay nag-lakad ako papuntang room namin ni Mads.
I was about to open the door when someone grabbed my left hand.
"Crystal..." bulong ni Basty.
"Bakit?" Malumanay na sambit ko. Naka-yuko ako. Ayokong tumingin sa kanya dahil naiinis parin ako.
"Hey, look at me." His voice is so soft.
Parang may kung anong meron sa uri ng boses niya kaya dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Mababaw ang tingin ng mga mata niya na nakatutok sa 'kin.
"Hindi naman totoo lahat ng panunukso ng mga kaklase ko," Mahinahong sambit niya.
"Okay lang 'yon. Tsaka, hindi mo na kailangan mag-explain. Crush—"
Naputol lahat ng sasabihin ko ng bumaba ang mukha niya at hinawakan ang batok ko para kabigin ako. Then, the next thing I knew. His soft lips crashed mine.
Hindi ako makagalaw agad sa ginawa niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko at mas pinalaliman ang halik niya. He's now nibbling my lower lip. Slowly. Feeling ko kakapusin ako ng hininga sa ginawa niya.
Dahan-dahan niyang pinakawalan ang labi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi tapos tiningnan ako ng diretso sa mga mata.
He's dark brown eyes looked so serious. "I don't want you to assume some things that aren't true." Malumanay na pag-kakasabi niya.
"Pero totoo na nagkagusto ka kay Dennise," Bulong ko.
"Oo, nagkagusto ako sa kanya pero ang mahalaga ngayon ay hindi ko na siya gusto." Tiningnan niya ko ng mas malalim sa mga mata. Parang ng a-assure. "Iba na ang gusto ko ngayon kaya itigil mo na yang tumatakbo sa isip mo."
"Wala naman akong iniisip ah?" Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Mahina siyang tumawa at kinurot ang pisngi ko. "Wag mo ng isipin ang nangyari kanina. Matulog kana."
And then, I felt his soft lips again on my forehead. "Good night, Crystal." Parang wala lahat ng kinaiinisan ko kanina-nina lang.
Tumango ako. "G'night rin sayo." Ani ko at pumasok na ng kwarto.
Mabilis kong sinira ang pinto at sumandal doon. Wala sa sarili ng napa-hawak ako sa labi ko at napangiti.
He kissed me.
Parang tumalon ang puso ko dahil hinalikan niya. Para akong tanga na nakangiti mag-isa rito. Dahil sa lahat ng nangyari ay isang bagay akong nasagot.
I'm falling for him.
I'm sure of that.