CHAPTER 11

1705 Words
Kinabukasan ay maagang nagising kaming mga estudyante dahil ngayon ang unang araw ng activities namin. Nagsuot lang ako ng black leggings at kulay grey na damit. Nakatali ang buhok ko dahil mukhang pagpapawisan ako ng todo ngayong araw. Bumaba kami ni Mads at pumunta ng lounge dahil nandoon ang ibang estudyante at teachers. Nakita namin sila Basty at Martinez sa gilid ng lounge. Syempre lumapit si Mads sa boyfriend niya. "So, for today's activity you have to climb the mountain." Anunsyo ni Mr. Angeles. May mga umangal na estudyante. "But we have a different strategy. Hindi lang kayo basta aakyat sa bundok, we have a twist. May limang level ang nakalagay kung hanggang saan ang kaya niyong akyatin. 50 points ang pinakamataas na points. Lahat ng magka-partner ay nakatali ang mga kamay, para sure tayong sabay niyong kakayanin ang pag-akyat. Remember that this is not the fastest to go there, kung hanggang saan ang kaya ng ninyo. Good luck on your first activity!" Kahit ayaw pa ng iba ay walang silang magagawa. Kung gusto nilang manalo para ma-exempt sa dalawang subjects ay kailangan naming magtiis. "Kaya mo ba 'to?" Tanong Basty sa 'kin. "Anong akala mo sa'kin? Hindi sport na tao?" I jokily rolled my eyes on him. Mahina siyang tumawa. "Edi maganda, dahil siguradong mananalo tayo nito." Binigyan kami ng isang yellow ribbon. "Mas maganda kung we intertwined our together para maayos rin ang pagkakatali ng ribbon." Tumango ako at tinali na ni Basty ang ribbon. Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay namin at ang pagkakatali ng ribbon. Hindi pwedeng matanggal ang tali. Magkaiba kaming team nila Mads at Martinez. Yellow team kami ni Basty habang red team sila. Nauna ang red team bago kami. Nagsimula na kami ni Basty na umakyat sa bundok. "Alalay lang tayo sa pag-akyat para hindi tayo agad mapagod." Sabi ni Basty. "Hmm, pero may mga teacher naman sa bawat dead end. Baka magbigay sila ng tubig para sa 'tin." Ani ko. "Baka," Nagkibit balikat siya. "Hindi naman kataasan ng bundok na 'to, kaya hindi naman siguro tayo aabutin ng maghapon dito." Tiningnan ko siya. "Siguradong meron yan." Aniya. Tahimik kami pareho pagkatapos no'n. Mahigit thirty-minutes rin kaming umakyat sa bundok ng maabot namin ang 1st line. May teacher doon na nag o-offer ng tubig. May 10 points na kaming dalawa ni Basty. "Pahinga muna tayo ng kaunti," Binigyan niya ko ng bottled of water. "Pinagpa-pawisan ka na oh!" May kinuha siyang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang noo ko. "Wala 'yan." Sambit ko. "Pahinga tayo ng 5 minutes para matapos natin 'to ng maayos. Upon muna tayo." Since magka-hawak ang kamay namin, sabay kaming umupo sa batong malaki. Kagaya ng sabi niya ay nag-pahinga kami doon sa malaking bato. Nakatingin lang kami sa mga estudyante na nagpapahinga ng kaunti at magpapatuloy ulit. "Nasa Manila ba talaga lahat ng pamilya mo?" Napatingin ako sa tanong niya. Tumango ako. "Oo, taga-Manila talaga sila Mom at Dad." "Ngayon mo lang nabanggit sa 'kin ang Mommy mo." Ngumiti ako sa kanya. "Wala na ang Mommy ko," Marahang sambit ko. "She died from a car accident 10 years ago. "I'm sorry to hear that." Malumanay na sabi niya. "Okay lang." Ani ko. "Tara na?" Tumango at sabay kaming tumango. Nag-patuloy kami sa pag-lalakad paakyat ng bundok. "Masungit ba ang Daddy at kuya mo?" Tanong niya maya-maya. "Hindi naman, pero kung manliligaw ka sa 'kin baka." Biro ko. "Nag-tanong lang naman ako. Wala akong sinabing liligawan kita." Ngumisi siya. Inirapan ko siya. "Bakit? Sasagutin ka ba kita pag-niligawan mo ako? Asa!" Tumawa siya. "Nagbibiro lang ako," kinurot niya pisngi ko. "Pero may pag-asa ba 'ko?" "Hmm," Umakto akong nag-iisip. "Depende sa performance mo 'yan." "So, pwede na kitang ligawan ngayon?" Napahinto ako sa paglalakad. Dahil nakatali ang kamay namin ay napahinto rin siya. Nakatingin lang ako sa kanya. Binabasa sa mga mata niya kung nag-bibiro ba siya, pero seryoso siyang nakatingin sa mga mata ko. "Nagbibiro lang ako kanina, eh." Mahinang sambit ko. "How many times do I have to tell you that I'm serious? Hindi uso sakin ang pag-bibiro, Crystal. Lalo na kung ikaw ang nasa usapan." He looked at me straight in my eyes. Lahat ng pangamba sa puso ko ay nawala dahil sa sinabi niya. Siya na mismo ang nag-sabi. Hindi man niya sabihinin na may gusto siya sa 'kin, at least may assurance na ko sa kanya. "Ikaw ang bahala," Nakangiting sabi ko. Tinago ang kilig na nararamdaman ko. Ngumiti rin siya sa 'kin ng may bumato sa 'min ng issue. "Ang sabi umakyat sa bundok, hindi yung magtitigan at mag-ngitian. Ang aga-aga para ganyang eksena!" Napatingin kami kay Mads at Martinez. "Inggit ka lang." Pang-aasar ni Basty. Napataas ang kilay ni Mads. "Sebastian, bakit ako maiingit? May jowa ako eh, kayo? Ano na bang level niyong dalawa?" Pagtataray nito. Nagkatinginan kami ni Basty dahil sa sinabi ni Mads. Ngumiti kami pareho dahil pareho lang ang nasa isip namin ni Basty. Wala man kaming level ngayon, at least alam namin na pareho kami ng nararamdaman para sa isa't-isa. Naabot namin ang pinaka-taas ng bundok. Pareho kaming may 50 points nila Mads at Martinez. Maganda ang nasa itaas ng bundok, dahil kita mo ang buong isle Esme. "Picture tayo!" Masayang sambit ni Mads at nilabas ang cellphone niya. Nag-pose kami kaming apat. Nilabas ko rin ang cell phone ko at kinuhaan ng litrato ang view sa taas ng bundok. Nag-picture rin ako sa cellphone ko. Habang kumukuha ako ng picture, tumapat ang camera ng cellphone ko kay Basty. Hawak niya rin ang cellphone niya, kumukuha rin ng pictures kaya kita ko ang malalim niyang dimple sa kaliwa. Wala sa sariling, clinick ko ang shot button ng cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato nang nakaganoon ang posisyon. Ang gwapo niya lang tignan. Tumingin siya sa gawi ko, kaya mabilis kong binaba ang cellphone ko at nag-iwas ng tingin. "Kung gusto mo kong kuhaan ng picture, bakit hindi nalang tayong dalawa ang mag-picture." Hindi iyon pa-tanong. Kinuha niya ang cellphone ko at tumabi sa 'kin. "On 3," Tinataas niya ang cellphone. Nag-piece sign pose ako. "1, 2, 3..." Then he clicked the shot button. "Ang ganda nito, pasa mo sa 'kin yan mamaya." Tumango ako sa kanya. "Sorry to interrupt you, but we need to go down now because the weather forecast says that it will rain soon. Delikado kung maabutan tayo ng ulan at ma-stranded dito, dahil mataas ang bundok at baka magkaroon ng landslide." Naputol ang ginagawa namin dahil sa sinabi ni Sir. Aguilar. Bumaba kaming lahat kagaya ng sinabi ng mga teacher. Ramdam mo rin na uulan dahil makulimlim na at mukhang malakas ang ulan. Naka baba kaming lahat sa bundok at pumunta ng lounge. "Okay, alam naming pagod kayo kaya wala na tayong gagawin ngayong araw. You can now go back to your room and enjoy the rest of the day." Anunsyo ni Mr. Angeles. Bumalik kami ng mga kwarto namin para maligo at babalik ulit sa baba para kumain. Umakyat kami ni Mads ng 3rd floor. "Muna na akong maligo, Snow." Aniya pagdating namin sa kwarto namin. "Okay lang," Tumango ako at humiga sa kama. Pumasok naman si Mads sa banyo. Ngayon ko lang naramdaman pagod. Ang sakit pareho ng dalawang paa ko sa pag-akyat at baba sa bundok. Nag-beep ang cellphone ko kaya kinuha ko ito para tingnan kung sinong nag-text. From Annica: Snow, can we talk? I badly need to explain myself to you. I rolled my eyes when I read the message. Annica used to be my best friend when I was in Manila, but she betrayed me. Alam niyang niloloko na ako ni Aaron, pero hindi man lang niya sinabi sa 'kin. Sa ibang tao ko pa na nalaman na may alam siya. Wala akong balak na mag-reply sa kanya. Wala na ko pakialam sa kasinungalingan nila ni Aaron. I ignored the message when I noticed my left hand. Nawawala ang bracelet na binigay sa 'kin ni Basty kahapon. Yung may nakabalibot na crystal sa gilid at nasa gitna ang snow. Tumayo ako at tingnan ang kama kung nandoon, pero wala. Tiningnan ko ang ilalim ng kama pero gano'n parin. Napahawak ako sa ulo ko at inalala saan ko pwedeng nahulog ang bracelet. "Anong ginagawa mo?" Tanong ni Mads pagka-labasa sa banyo. "Yung bracelet ko," Sambit ko at inibot ang buong kama. "Nawawala." "Baka nahulog mo sa lounge kanina." Tumayo ako mula sa pagkakadapa. "Hanapin ko lang." Ani ko at nagmamadaling lumabas. "Oh, sige basta wag kang lalabas ng resort dahil baka maabutan ka ng ulan!" Sigaw ni Mads. Patakbo akong pumunta sa elevator at pinindot ang pinakababang palapag. Nang makapunta ako ng lounge ay sunuri ko ng maayos ang paligid. Tiningnan ko ng maayos ang sahig, pero wala talaga. Nakita ko ang isang janitor kaya lumapit ako agad sa kanya. "Kuya, may nakita po ba kayong bracelet na may crystals sa gilid snow sa gitna?" Tanong ko. "Wala ma'am. Kakatapos ko lang pong mag-map dito, pero wala po akong napansin na gano'ng bracelet." Aniya. Malungkot ako tumingin kay kuya. "Sige po. Salamat!" Parang akong binagsakan ng langit at lupa. Hindi pwedeng mawala iyon! Iyon ang unang bigay sakin ni Basty. Nakatingin ako sa bintana ng resort. Tanaw ko ang bundok na inakyat namin kanina. Mabilis akong lumabas ng resort nang maisip na baka sa bundok ko iyon nahulog. Pag-labas ko ay saktong umambo na. Saglit lang naman ako. Mabilis akong tumakbo paakyat ng bundok. Habang pataas ako ng pataas ay mas lalong lumalakas ang ulan. Dumidilim na rin kaya mas pinag-ingatan kong suriin ng mabuti ang nilalakaran ko. Habang lumalakas ang ulan ay dumudulas na rin ang lupa. Basang-basa ako ng ulan at nanginginig na rin dahil hindi ako nakapagpalit ng damit. Ito pa rin ang suot ko mula kaninang umaga. Manipis ang suot kong dami kaya mas lalo kong ramdam ang lamig. Nakarating ako ng unang lane at napangiti ng makita ko na nandoon ang bracelet ko. Nasa malaking bato. Kinuha ko iyon pero hindi na kinaya ng katawan ko. Sa sobrang lamig, pagod at sakit ng paa ko ay natumba ako. Nawalan ako ng ganang tumayo. I tried but when I was about to stand up again, everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD