Kakaligo ko lang at nakita ko si Martinez na nakahiga sa kama niya. Nang makita niya ako na katatapos lang maligo ay tumayo na siya.
"Tara na, kanina pa ko nagugutom eh," aniya niya.
Nilagay ko towel ko sa lalagyan. "Tara."
Sabay kaming lumabas ni Martinez ng kwarto at sumakay ng elevator. Bumukas ang elevator at nakita namin si Mads.
"Papunta dapat ako sa inyo eh." Aniya nang makita kami.
Pumasok kami ni Martinez sa loob ng elevator. "Si Crystal?" Tanong ko.
"Nasa lounge," Sagot ni Mads. "Hinahanap niya yung bracelet niya."
Nang nakarating ang elevator sa baba ay umalis kami roon. "Muna na kayo. Hanapin ko si Crystal." Sabi ko at pumunta ng lounge.
Nakarating ako ng lounge at hindi ko nakita si Crystal do'n. Inikot kong mabuti ang lugar pero wala talaga siya. Bumalik ako ng kwarto nila pero walang nag-bukas ng pinto nang kumatok ako.
Naisip na baka kumakain na siya kaya mabilis akong pumunta sa cafeteria pero wala siya doon. Nag-simula na akong kabahan. Bumalik ako ng lounge pero wala talaga siya doon.
"Kuya, may nakita ka pong babae na mahaba ang buhok tapos medyo may katangkaran at mabuti?" tanong ko sa guard.
"Siya po yata, boss yung nakita kong lumabas kanina. Kulay grey po ang suot na damit." Sagot ng guard.
Tumingin ako sa labas. Malakas ang ulan sa labas. Mabilis akong bumalik ng kwarto namin ni Martinez at nag-palit ng damit. Kumuha ako ng jacket sa dala kong damit, sinuot iyon at bumaba ulit.
Kumuha ako ng payong na gamit sa resort at lumabas. Isa lang ang nasa isip ko. Baka umakyat ng bundok si Crystal.
Hindi niya kabisado ang daan do'n at baka may mangyaring masama sa kanya! Malakas ang ulan at siguradong maputik ang daan roon.
Marahan ngunit mabilis akong umakyat ng bundok. Sana lang talaga hindi pa siya nakakalayo at kung saan siya mapunta. Malakas ang ulan lalo na ang hangin kaya nasasanggi ang payong na dala ko.
Nakarating ako sa unang lane ng bundok kung saan kami nagpahinga kanina, pero wala siya doon. Nagawi ako sa malaking bato out of nowhere.
I saw that there's someone laying on the ground. Nabitawan ko ang payong na dala ko at mabilis akong tumakbo papunta doon ng ma-releaze na si Crystal 'yon.
"Crystal, gising!" Tinapik ko ang pisngi niya pero wala talaga siyang malay.
Sobrang lamig rin ng katawan niya. Binuhat ko siya at mabilis na humanap ng pwedeng masisilungan doon. Sobrang lakas ng ulan kaya hindi pwedeng mag-stay kami rito.
May nakita akong isang kubo hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Mabilis akong pumunta doon. Kumatok ako pero walang sumasagot, kaya no choice ako at binuksan ko ang pinto at wala talagang tao sa loob.
Puro kahoy ang nasa loob ng kubo. Nilapag ko si Crystal ng dahan-dahan sa sahig at pinasandal sa kahoy na nakapatong. Nilagay ko ang palad sa noo niya. Sobrang lamig ng katawan niya!
Kailangan niyang mainitan. Tumingin ako sa loob kubo, wala kang makikitang ibang bagay kundi kahoy. No choice ako. Hindi pwedeng ganito siya!
Hinawakan ko ang laylayan ng T-shirt niya at tinaas iyon para tanggalin ng hawakan niya ang kamay ko. "A-anong ginagawa mo?" Nahihirapan na sambit niya. Nakapikit ang mga mata niya.
"Kailangan mong magpalit ng damit," sagot ko. "Basang-basa ka!"
Nakapikit parin ang mga mga mata niya ng umiling siya. Pinilit niyang mag-salita pero walang lumabas sa mga labi niya.
"Wala akong gagawing masama sa 'yo. Trust me!" Tiningnan ko siya sa mga mata.
Dahan-dahang dumilat ang mga mata at tumingin sa'kin. Hindi siya nagsalita kaya pinagpatuloy ko ang ginawa. Tinanggal ko ang t-shirt niya at mabilis na pinigaan iyon at sinambay sa may kahoy na nakahelera doon.
Mabilis kong tinanggal ang suot kong jacket at pinigaan rin iyon. "Suotin mo 'to," Marahang sambit ko at inalalayan siyang suotin ang jacket.
Nang masuot niya ang jacket ay kumuha ako limang kahoy para makagawa ng apoy. Nang makagawa ako ng apoy ay pumunta ako Kay Crystal. Yakap niya ang tuhod niya sa sobrang lamig.
Umupo ako sa tabi niya at nilapit ko siya sa'kin. I put my hands around her shoulder and put her head on my shoulder. She pulled me against her and rolled her hands around my waist. Ramdam ko ang panginginig ng katawan niya.
"Hihintayin lang natin na huminto ang ulan, tapos aalis na tayo," bulong ko. Tumingin ako sa bintana ng kubo. Malakas pa rin ang ulan sa labas.
Tinaas niya ang kaliwang kamay niya. "I found the bracelet that you gave to me." Mahinang sambit niya. Suot-suot na niya yung bracelet na binili ko sa kanya kahapon.
"Okay lang naman kahit hindi mo mahapan yan," Ani ko. "Tingnan mo ang nangyari sayo? Buti nalang nahapan kita, paano kung hindi? Sobra akong nag-aalala sa 'yo!"
Ramdam kong umiling siya habang nakasandal ang ulo niya sa balikat ko. "Hindi pwede. This is the first thing that you gave me."
"Ganyan ba kahalaga sayo 'yan para hindi mo maisip na pwede kang mapahamak dito sa pag-akyat mo sa bundok?"
"Hmm," Marahan siyang tumango. "Because you gave this to me, so this is important to me." Mahinang sambit niya.
Ngumiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Magpahinga kana." I said then I kissed her forehead.
•••
Nagising ako sa sobrang init ni Crystal. Umaga na at wala na ring ulan. Sobrang taas ng lagnat niya. Binuhat ko siya at umalis ng kubo.
Bumaba kami ng bundok. Nang makababa kami ay nakita kong sobrang daming tao sa resort. Nandoon ang mga teacher, sila Mads at Martinez at may pulis.
"Nandito na po sila!" Sigaw ng mga estudyante nang makita kami.
Agad na lumapit sa 'min ang mga tao. "Anong nangyari sa inyong dalawa?" Nag-aalala na tanong ni Mr. Angeles.
"Naabutan po kami ng ulan kagabi," Sagot ko. "Nilalagnat si Crystal. Kailangan niya ng gamot."
Kinuha nila si Crystal sa 'kin at dinala sa kwarto nila ni Mads.
"Magpalit ka muna ng damit, baka ikaw naman ang mag-kasakit." Ani Mr. Angeles.
"Akong ng bahala kay Snow, Basty." Dugtong ni Mads.
Tumango lang ako at pumunta ng kwarto namin ni Martinez para maligo. After kong maligo ay mabilis akong pumunta ng kwarto nila Mads at Crystal. Nakapagpalit na ng damit si Crystal, pero tulog pa rin siya.
"Nakainom na ng gamot si Snow," Sabi ni Mads. "Kailangan lang niya ulit magpahinga."
"We've decided na hindi na kayo makakasali sa activity na gagawin ngayon." Anunsyo ni Mr. Angeles. "Both of you need to take a rest, so you don't have to participate in our activity for today."
"Ako na ang bahalang magbantay kay Crystal," Sabi ko at tumingin kanila Mads at Martinez. "Pwede na kayong mag-participate sa activity natin."
"Sure ka?" Tanong ni Martinez.
Tumango ako. "Oo," Sagot ko.
"Basta pag-kailangan mo ng tulong, tumawag ka lang. Tapos nandyan ang mga gamot na kailangan na inumin ni Snow mamaya." Ani Mads.
Tumango lang ako bago sila lumabas ng kwarto. Kinuha ako ng upuan at nilagay iyon sa tabi ng kama ni Crystal. Hinawakan ko ang kamay niya nang tumunog ang cellphone niya na nakalagay sa night stand.
Kinuha ko iyon at sinagot ang tawag ng Daddy niya. "Thank god you finally answered my calls! We're so worried about you! Ang sabi ng kaklase mo ay nawawala ka raw!" Bungad ng Daddy niya.
"Hello, Sir, okay na po si Crystal. Nagpapahinga lang po siya. Gusto niyo po bang makausap siya?" Sagot ko.
Natigilan ang nasa kabilang linya. Akala ko nawala ang connection ng tawag, pero ng tingnan ko ay naka-connect pa naman.
"Hello, Sir?" tawag ko ulit.
"Oh, no, just let her rest." Sagot niya. "You called my daughter Crystal?" Tanong niya maya-maya.
"Yes, Sir." Sagot ko.
"Thank you for taking care of my daughter, Mr?"
"Herrera po," Sagot ko. "Sebastian Herrera."
"Oh, thank you Mr. Herrera for taking care of Snow." Aniya. "It's good to know someone is looking after my daughter there."
"Sabihin ko na lang po na tumawag kayo."
"Okay, Mr. Herrera. Thank you."
Nang mawala ang tawag ay umupo ulit ako sa tabi ni Crystal at hinawakan ang kamay niya bago ko dinampian ng halik ang likod ng lapad niya.