"Argh!" Sigaw ko sa loob ng kwarto ko.
Kanina pa ko pagulong-gulo dito sa kwarto ko. Kakauwi lang naming hapon kanina mula sa Baryo Maligaya. Hindi na kami na kasali ni Basty sa mga naging activities dahil nilagnat ako at inalagaan ako ni Basty habang nasa resort kami.
Kaya ayun, 50 points lang ang naging score namin. Hindi naman big deal sa 'kin kung ma-exempt kami ni Basty or hindi. Ang big deal sakin ngayon ay hindi ako makapasok ng trabaho dahil ayaw ni Basty.
Kailangan ko raw mag-pahinga dahil kakagaling ko lang sa sakit. Wala naman na akong lagnat at okay na okay ako, kaso ayaw niya!
Para siyang si Daddy sa sobrang protective! Na pabangon ako kama ko at lumabas ng kwarto. Nakita ko si Basty na nasa kusina, kaya pinuntahan ko siya.
"Ginagawa mo?" Tanong ko.
"Nagluluto ng merienda natin." Simpleng sagot niya. Nakatuon ang atensyon niya sa niluluto niyang Ginataan.
"Wala akong magawa dito sa bahay," Makto ko sa kanya. "Papasok nalang ako sa trabaho. Magaling naman na ako!"
Tinigil niya ang ginagawa at tumingin sa 'kin. "Ang kulit mo! Sabi ngang hindi pa pwede."
Sumimangot ako sa kanya. "Magaling na ko! Wala na akong lagnat, kaya okay lang na pumasok ako. Dalawang araw na kong absent!"
"Bukas ka na pumasok para sure na tayong hindi ka mabinat." Aniya.
I pouted my lips."Sobrang boring dito sa bahay. Wala akong magawa tapos ang tagal mo pang mag-luto nagugutom na ko!" Reklamo ko ulit.
Kinurot niya ang pisngi ko. "After kong magluto at makakain, may gagawin tayo." Masayang sambit niya.
Wala akong magawa kundi ang sumunod sa gusto niyo. Pumunta ako ng dining table at tumunganga do'n hanggang sa matapos siyang mag-luto.
Hinain niya ito at mabilis akong nag-sandok para sa 'kin. Nawala ang inis ko nang matikman ang luto niya. Sobrang sarap mag-luto ni Basty. Mapagkakamalan mong isa siyang professional chief dahil sa galing niya na mag-luto.
Natapos kaming kumain nang mag-tanong ako. "Anong gagawin natin?" Tanong ko nang mahugasan ang pinggan na pinag-kainan namin.
Tumayo siya at pumunta ng kwarto niya. Maya-maya ay lumabas ulit siya na may hawak na snake ladders board.
"Are you serious? Ano tayo mga bata?" Hindi ko mapigilan ang ngiti sa labi ko.
Inosente siyang tumingin sa 'kin. "Bakit? Pang-bata lang ba ang pwedeng mag-laro nito?" Ngumiti siya. "Laro tayo?"
Umupo ulit ako sa dining table at nilagay niya ang snake and ladders board sa lapag ng lamesa bago umupo sa kabilang upuan.
"Ang unang matalo ay pipitikin sa noo, ah?" Ako na ang nag-sabi ng rules.
"Sure!"
Nag-simula kaming mag-laro ng snake and ladders. Natatawa kami pareho dahil hindi pa kami nakakapunta ng finish line.
"Yes!" Napatayo ako sa sobrang saya ng sumakto ang nahulog kong dice para makapunta ng finish line. "Panalo ako! Talo ka!" Pang-aasar ko sa kanya.
Sumimangot siya. "Ang daya!"
"Wala! Show me your forehead, Sebastian!" Nakangiting sambit ko.
Lumapit siya sa'kin at tinaas ang nakababa niyang buhok. Kagaya ng sinabi sa rules ay pinitik ko ng malakas ang noo niya.
"Ahh! Ang sakit no'n!" Napahawak siya sa noo niya na namumula ngayon.
I stick out my tongue. "Pasensya na, hindi ako mabait eh!" Asar ko sa kanya.
Buong hapon ay iyon ang ginawa namin. Mag-laro ng snake and ladders hanggang sa mapagod kami sa katatawa sa ginagawa namin. Para kaming mga bata.
Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ng school. Sabay kaming umalis ng bahay. Syempre sa cafeteria palagi ang meet up namin nila Mads at Martinez.
Nang tumunog ang bell ay pumasok na kami sa first subject namin. Puro quiz ang ginawa namin sa mga subjects namin dahil two weeks from now ay quarterly exam na namin. Natapos ang klase ng gano'n.
"Snow, paturo naman ako sa topic natin mythology and folklore. Hindi ko masyadong gets yung topic natin last week eh." Sabi ni Mads habang inaayos ang gamit niya.
"Sure!" Sagot ko sa kanya at nilagay ang journal notebook ko sa loob ng bag. "Akong bahala sayo, Mads." Nakangiting sambit ko sa kanya.
Niyakap niya ako. "Mabuti nalang talaga at naging kaibigan kita, Snow. Mahal na mahal kita!"
"Wala iyon! Kain na tayo sa baba." Yaya ko sa kanya.
Masaya niyang tumango at lumabas na kami ng room namin. Habang nag-lalakad ay nakita namin si Martinez na tumatakbo papunta sa 'min.
"Si Basty," Aniya habang hinihingal. "May kaaway si Basty sa labas ng school!"
Lumapit kami kay Martinez. "Sino ang kaaway niya?" Tanong ko.
Hinihingal na umiling siya. "Hindi ko kilala, pero bago ang mukha. Parang di taga-rito sa Isla."
Kinabahan ako sa sinabi ni Martinez. Pumasok si Aaron at ang mga sinabi niya kay Basty noong pumunta siya rito.
"Nasaan sila?"
"Halika kayo."
Mabilis kaming tumakbo pababa ng building ng bsed. Sinundan namin si Martinez hanggang sa mapunta kami sa likod ng St. Willford. May kalayuan sa school ang lugar na ito.
At doon ay nakita ko si Aaron at Basty na nag susuntukan. Nasa taas si Aaron habang nakahiga sa ilalim niya si Basty. Mabilis akong pumunta sa kabilang dalawa at pumagitna.
"Tama na!" Sigaw ko sa kabilang dalawa.
Tumigil silang dalawa. Lumapit ako kay Basty at sinapo ang mukha niya. Dumudugo ang gilid ng labi niya at may pasa siya sa mata niya.
"Okay ka lang?" Nag-aalala na tanong ko sa kanya.
Tumango siya. Tumayo ako at lumapit kay Aaron.
"Ano bang ginagawa mo dito? Diba sabi kong wag ka ng babalik? Bakit ba hanggang ngayon ginugulo mo ang buhay ko?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko. "Bakit mo ginawa 'to kay Basty?"
"I told you, we need to talk." Huminahon ang boses niya bago tumingin kay Basty. "Pakialamero kasi yang lalaking 'yan! Bagay lang yan sa kanya."
"Umalis kana," Walang emosyon na sambit ko.
"No, I can't." Lumapit siya sa 'kin at hiwakan ang kamay ko. "I'm sorry, Snow. I know I'm a jerk for cheating on you, but I still love you. Please, give me another chance. I need to explain myself." Umamo ang niya.
I can feel that he's sorry, but I can't give him another chance.
Umiling ako sa kanya. "I can't give you another chance and you don't have to explain yourself to me. Umalis kana, Aaron. Please lang, wag mo akong guluhin dito."
"Hindi mo na ba ako mahal?" Pang-susumamo niya sa 'kin
Tinulak ko siya papalayo sa 'kin. "Umalis kana!" I stared at him blankly. "Please lang, Aaron."
Wala siyang nagawa kundi ang umalis. Nang makaalis siya ay mabilis akong bumalik kay Basty na akay ni Martinez.
Nakatingin si Basty sa'kin. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Nag-iwas siya tingin.
"Hatid na namin kayo sa bahay." Sabi ni Mads.
Tumango lang ako. Hindi ko alam paano haharapin si Basty. Kasalanan ko bakit siya nabugbog. Nakarating kami sa bahay at inalalayan siya ni Martinez na makaupo sa sofa.
"Salamat sa inyong dalawa," Sabi ko. "Ako na ang bahala kay Basty."
"Sige, basta tawagan mo kami pagkailangan mo sa tulong." Ani Mads.
Malungkot ako na tumango sa kanilang dalawa at hinatid sila sa gate. Bumalik ako sa loob ng bahay at pumunta ng CR para kunin ang first aid kit.
Bumalik ako sala at umupo sa tabi ni Basty. Binuksan ko ang first aid kit at nag-lagay ng ointment sa bulak. Marahan kong dinampi iyon sa gilid ng labi ni Basty.
Tahimik lang siya habang ginagamot ko ang sugat niya sa mukha. Hindi siya nag-salita, nakatingin lang siya sa 'kin.
"Bakit mo pa kasi pinatulan si Aaron. Siguradong magkakapasa ang mata mo." Ani ko.
"Simpleng tao lang ako, Crystal. Hindi ako kagaya ng ex-boyfriend mo na lumaki sa yaman. Taong probinsya ako at wala akong ibang mapagmamalaki sa'yo kagaya ng ex mo na kaya kang bilhan ng kahit anong gusto mo." Napatingin ako sa kanya.
"Anong ba ang pinagsasabi mo?" Tanong ko.
"I'm saying I love you," Napahinto ako sa ginagawa ko at nag-taas ang tingin sa kanya. "Hindi man ako kasing yaman ng ex mo, pero kaya kong alagaan at protektahan ka. Hinding-hindi kita sasaktan tulad ng ginawa niya sa 'yo. Malaki man ang agwat namin ng ex mo sa estado ng buhay, but I can promise to you that I will love you more than he love you."
Nakatingin lang ako sa kanya. I don't know what to say. Hindi ko alam kung sasabihin sa kanya.
"You still love him," He whispered, then I saw his tears coming out from his eyes. "It's fine. Maghihintay ako hanggang sa makalimutan—" I stop him by kissing him on the lips.
He was stunned but he kissed me back. Marahan niya akong hinalikan sa mga labi. Napapikit ako sa init ng halik niya.
Lumayo ako at sinapo ang mukha niya. "Does it answer your question?" Bulong ko. "Mahal kita, Basty kaya kung ano man ang sinabi sayo ni Aaron, wag mong pansinin 'yon. Wag mong ipag-kumpara ang sarili mo kay Aaron dahil magkaiba kayong dalawa. Sobrang layo mo kay Aaron, so stop comparing yourself to him. Mas lamang na lamang ka sa buhay ko ngayon kaysa kay Aaron." Sambit ko.
Sinapo niya mukha ko. "I love you, Crystal," He whispered, then he kissed my forehead. "Mahal na mahal na kita."