CHAPTER 14

1520 Words
Kinabukasan ay maganda ang gising ko. Umagang-umaga ay nakangiti ako. Malinaw pa rin kasi sa akin ang nangyari kahapon. Akala ko panget na ang nangyari dahil nag-away sila Aaron at Basty, pero iyon pala ang magiging dahilan bakit ako masaya ngayon. Basty finally confessed to me. He said he loves me! Niyakap ko ang unang ko at doon binuhos ang kilig na nararamdaman ko. Tumayo ako sa kama at lumabas ng kwarto. Wala pa sa sala si Basty, siguro tulog pa. Diretso ako ng banyo para maligo. After kong maligo ay lumabas ako at nakita ko si Basty na kalalabas lang ng kwarto niya. Magulo ang buhok niya at mapungay ang mga mata niya ng makita ako. Ngumiti siya bago lumapit sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Good morning, Crystal." He whispered as he buried his face to my neck. "Good morning too." Niyakap ko siya pabalik. "Maligo kana dahil may pasok ka pa." Tuesday ngayon at ako lang ang walang pasok sa 'aming dalawa. Lumayo siya sakin pero nakapulupot pa rin ang braso niya sa bewang ko."Nagpalit ako ng schedule. Wala rin akong pasok ngayon." Hindi ko mapigilan na ngumiti. "Loko ka talaga," Kinurot ko ng marahan ang ilong niya. "Gusto ko lang makasama ka ngayong araw." Nakangiting sambit niya. "May pupuntahan tayo." "Saan?" Tanong ko. "You'll find out later," Bulong niya. "Kaya mag-bihis kana dahil may trabaho ka kaya kailangan ngayon palang umalis na tayo." Tumango ako. "Okay." Binitawan niya ko kaya pumunta na ko ng kwarto ko at nag-bihis kagaya ng sinabi niya. Binuksan ko ang drawer ko at humanap ng magandang masusuot. I decided to wear a black jeans and a gorgeous light blue fitted denim shirt together, and of course I pair it up with black high top Converse. Naglugay ako ng buhok at nag-lagay ng kaunting makeup. Kagaya ng dati ay foundation, powder, pink lipstick at eyeliner lang ang nilagay ko sa mukha ko. Tumingin ako sa salamin ko para tingnan ang hitsura ko. Napangiti ako dahil maayos na ang sarili ko. I grabbed my sling bag and I went outside of my room. Nakita ko si Basty na kakalabas lang din ng kwarto niya. He's wearing ripped jeans pants, grey polo shirts and high sneakers shoes. Napangiti ako ng magtagpo ang mga mata namin. Sobrang gwapo niya sa suot niya. "Let's go?" Masaya akong tumango. Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay. Nandoon sa labas ng bahay ang motor niya. Kinuha niya ang isang helmet at sinuot sa 'kin. Nang masuot na niya ang isa at makasakay ay sumunod akong sumakay at humawak sa likod niya. Huminto ang motor sa isang restaurant. Bumaba ako at tinggal ang helmet. "Dito na tayo?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya. "Oorder lang tayo ng pagkain dito." Hiwakan niya ulit ang kamay ko at pumasok kami sa loob ng restaurant. "Anong gusto mong pagkain para mamayang tanghali?" Tanong niya. "I want carbonara, burgers, fries, and coke." Nakangiting sambit ko. "Okay," Aniya. "Dito ka na lang habang umu-order ako ng pagkain natin." Tumango ako at pumunta na siya ng counter. Nag-take out siya ng pagkain at pagkatapos no'n ay umalis na kami sa restaurant. Halos isang oras rin ang itinagal ng biyahe. Huminto kami sa isang malaking bahay. May gate iyon, pero luma na. Mukhang walang nakatira sa bahay na ito. Tinanggal ko ang helmet. Hinawakan niya ulit ang kamay ko habang hawak niya sa kabilang kamay niya yung inorder namin sa restaurant kanina. Pumasok kami sa loob ng bahay at namangha ako sa loob. Sobrang laki ng bahay. Tatlong palapag ito at may garden sa gilid ng bahay. Bali napapagitnaan ng dalawang garden yung bahay. Mukha lang walang nakatira sa bahay pero ang garden ay maganda pa. Mukhang inaalagaan ng maayos ang mga halaman. May mango trees sa pinakadulo ng bahay. Sa mango trees kami pumunta ni Basty. May blanket na nakalagay doon. "You planned this." Tumingin ako sa kanya bago umupo sa blanket. Ngumiti lang siya at nilabas ang inorder namin kanina. Nilibot ang kabuuan ng lugar. Sobrang ganda talaga dito. "Kaninong bahay 'to?" Tanong ko at kinuha ang burger bago kinagat iyon. "Sa Lola at Lolo ko." Sagot niya. "Nandito sila?" Tanong ko ulit. "Patay na sila." "I'm sorry." Mahinang sambit ko. "Okay lang 'yon," Sabi niya. "Bago sila namatay ay binigay nila itong lupa sa 'kin. Kaya ngayon ay inaalagaan ko kahit na walang nakatira dahil nandito ang memories ng Lola at Lolo." Dugtong niya. Sobrang bait ni Basty sa totoo lang. He's a very selfless person. Mas uunahin niya ang mga taong mahalaga sa kanya, kesa sa sarili niya. Nakita ko kung paano niya alagaan ang mga mahal niya sa buhay. And I love that about him. Handa siyang ibigay ang lahat ng makakaya niya para lang sa mahal niya sa buhay. His parents are very lucky to have him as their son. "Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan." Naputol ang pag-iisip ko nang mag-salita siya. "Masaya lang ako, dahil ang swerte ng pamilya mo sa 'yo. Sobrang buti mong anak, Basty." Ani ko. Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako mula sa likod. Hindi nawala ang ngiti sa labi ko at sumandal sa dibdib niya. "Swerte talaga ako kaya swerte ka rin, dahil dito natin bubuoin ang pangarap nating dalawa." Bulong niya. Lumayo ako sa kanya at tingnan siya. "What do you mean?" Tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm saying that I will build this house for our future. Magsisikap ako para lang mas lalong mapaganda itong lugar para dito tayo titira pag naging mag-asawa na tayo." "Paano kung maghiwalay tayo?" Biro ko. "Hindi ako papayag na maghiwalay tayo, Crystal." Sinapo niya ang mukha ko. "Hindi ako papayag na mawala ka sa buhay ko. I can risk everything that I have just to make you stay." He whispered. I kissed him on his cheeks. "Hindi mo kailangang gawin 'yon, dahil hindi naman ako mawawala sayo at hindi rin ako papayag na maghiwalay tayo." "I love you," Bulong niya. "I love you too." Ani ko at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko alam na makakaramdam ako ng ganitong pag-mamahal. Iba ang feeling na mahalin ang isang Sebastian Herrera. Ang sarap sa pakiramdam. Lumayo ako sa pagka-kayakap sa kanya. "May tanong ako." Sabi ko. "Ano 'yon?" Umupo ako ng maayos at nag-indian sit. "Paano ka nagkagusto sa 'kin?" Tanong ko. Ngumiti siya kaya nakita ko ang dimple niya. "Hindi ko rin alam eh." Sinimangutan ko siya. "Yung totoo?" Kinurot niya ang pisngi ko. "Hindi ko talaga alam. Nakita lang kita sa registrar noong first day of school, tapos iyon." Simple sagot niya. "So, na love at first sight ka sa 'kin? Kagaya simula sa una ay kinukulit mo ako para napansin ko ang atensyon mo." Pang-aasar ko. Nagkibit balikat siya. "Wala eh, tinamaan ako." Malakas akong tumawa. "Patay na patay ka pala sa 'kin. But anyway, you succeed." Tukso ko ulit. "Proud naman ako sa ginawa ko." Tumawa siya at napansin ko ang pamumula ng pisngi niya. "You should be," Ani ko. "Effective lahat ng ginawa mo dahil na-inlove ako sa 'yo." Nag-stay pa kami roon ng ilang oras. Sinulit ang panahon na magkasama kami. Sobrang saya ko lang dahil hindi ko alam na ang pagpunta ko pala rito sa Isla Esme ang siyang magiging dahilan ng kasiyahan ko ngayon. Akala ko magiging isang malaking pagkakamali ang pagpunta ko rito, pero mali ako. Dito ko nahanap ang katahimikan na gusto ko simula ng iwan ako ni Aaron. Buti na lang nakilala ko si Basty, dahil kung wala siya hindi ko alam kung mararamdaman ko ba itong saya na nararamdaman ko ngayon. 2:50 PM nang umalis kami doon. May trabaho pa ko kaya hinatid niya ko sa store. Nang makarating kami ng store ay bumaba agad ako at tinanggal ang helmet. Bumaba rin si Basty at lumapit sa 'kin. "I'll pick you up later." Aniya bago dinampian ng halik ang noo ko. "Kaya pala nag-palit ng schedule ang kumag, gustong ma-solo si Snow!" Napatingin kami kaynila Mads at Martinez na kakalabas lang ng store. "May pahalik pa sa noo!" Pang-tutukso ni Martinez. "Ano na bang level niyong dalawa?" Ngumisi si Basty bago hinawakan ang kamay ko at pinakita ito sa dalawa. Ngumiti lang ako kanila Mads at Martinez na mukhang hindi pa nag pro-process sa utak nila ang nangyayari. Mamaya ay masayang nag-tatalon si Mads. "Sa wakas may girlfriend na si Sebastian!" Sigaw nito. "Snow, first girlfriend ka nitong kaibigan namin kaya alagaan mo ito. Sa wakas at umamin din yan na gusto ka niya. Napakatorpe." Ani Martinez at tumawa pa. "Manahimik nga kayong dalawa! Ang ingay niyo talaga!" Saway ni Basty. "Eh, totoo naman! Ang torpe mo!" Pang-aasar ni Mads. "Pero congrats sa inyong dalawa." Nakangiting sambit nito. "Salamat," Sabi ko. "Sige na, may trabaho pa ko." Paalam ko sa kanila. "Ay, oo nga pala!" Sabi ni Martinez. "Tara na Basty at mag-celebrate tayo dahil hindi kana single!" "Susunduin kita mamaya, ah?" Ani Basty. Tumango lang ako. "Oo, ba-bye na!" I waved my hand to them before I went inside the store.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD