Thursday ngayon at sabay kaming pumasok ni Basty sa school. Na-late kami ng gising dahil nag-movie marathon kami kagabi, kaya ito at hindi sa cafeteria ang diretso namin kundi sa room.
Hawak-hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa building ng BSED. Maraming nakatingin samin na estudyante, pero hindi namin iyon pinansin ni Basty. Nasa daan ang tingin niya habang paakyat kami ng building. Nakarating kami sa tapat ng room ko.
Binitawan niya ang kamay ko. "Sunduin kita mamaya break time." Aniya.
Tumango ako. "Sige. Punta ka na sa building niyo at baka ma-late ka sa first subject mo." I said while smiling.
He puts his hands in his pocket before he starts walking. Pumasok naman na ko ng room at nakatingin na naman ang mga classmates ko sa 'kin. Diretso ako sa upuan namin ni Mads.
"Ang weird ng mga tao ngayon," Bulong ko kay Mads at binaba ang bag ko.
"Eh, syempre taken na si Sebastian! Iyan ang big news ng University dahil sa in-a-relationship niyo ni Basty na nakalagay sa Facebook." Nakangisi si Mads. "Alam na ng buong campus na kayo!
"Hindi naman big deal iyon, right?" Tanong ko. Buti nalang wala pa si ma'am Alvarez para sa first subject namin.
"Anong hindi big deal?" Na pataas ang kilay niya. "Alam mo bang big deal iyon sa iba dahil si Sebastian ang topic. Alam mo namang ang daming nagkakagusto at maraming naghihintay kung sino ang magiging girlfriend nyan ni Basty. Remember noong field trip? Tinutukso siya kay Dennise."
At dahil napasok na naman si Dennise ay sumama na naman ang mukha ko. Ewan! Naiinis lang ako.
"Sino ba yang Dennise na 'yan, Mads?" Tanong ko. "Eh, kasi sabi may gusto raw si Basty sa kanya dati."
"Oh, well as far as I know may gusto naman talaga si Basty kay Dennise dati." Pag-umpisa niya. "Bago kami magkakilala nila Basty at Martinez ay sila Dennise at Basty muna ang magkaibigan. 10 years old kami ng maging magkakaibigan kami nila Martinez at Basty. Ang alam ko sila Basty at Dennise ay mula bata pa talaga sila. Mas matanda kasi ng 3 years si Dennise kay Basty, kaya nung mga bata sila ay baby-baby ni Dennise si Basty. Pero alam mo, Snow literal na crush-crush lang talaga ang naramdaman ni Basty Kay Dennise kaya don't worry."
"Eh, nasaan na si Dennise? Dito ba siya nag-aaral?" Tanong ko ulit.
Mahinang tumawa si Mads. "Nasa ibang bansa na si Dennise. Doon na siya nag-aaral at ang alam ko doon na sila titira, kaya huwag kang mag-alala dahil kahit nandito siya ikaw ang mahal ni Basty kaya don't be jealous." Tinapik-tapik niya ang balikat ko.
Napa-irap ako. "Hindi naman ako nag-seselos," Tanggi ko.
"Sus! Kitang-kita diyan sa mga mata mo, oh!" Pang-aasar ni Mads.
Hindi 'no! Hinding-hindi ako mag-seselos diyan sa Dennise na 'yan! Kagaya ng sabi Mads, wala na si Dennise kaya dapat panatag ang loob.
"Nga pala, sasama ka bukas sa birthday ni Tita Grace diba?" Tukoy niya sa Mama ni Basty na birthday bukas.
Tumango ako. "Oo, bukas pa kami ni Basty pupunta after class."
"'Yon! Balak naming matulog do'n tapos sa Saturday ng hapon ang balik dito." Masayang sambit niya.
"Hindi ba nakakahiya sa magulang ni Basty?" Tanong ko.
"Lagi naming ginagawa 'yon tuwing birthday ni Tita, dahil alam mo ang birthday ay para sa kasiyahan." Aniya.
Dumating ang lunch break, pero walang Basty na dumating sa room namin. Sinukbit ko ang bag ko at tumingin kay Mads.
"Mads, mauna kana sa cafeteria. Puntahan ko lang si Basty sa building nila." Sabi ko.
Tumango siya. "Sige, dahil nag-aalbutoro rin si Martinez ko dahil kanina pa siya gutom. Kanina pa siya walang klase." Natawa siya.
Mag-hiwalay kami landas ni Mads. Kumaliwa ako dahil nandoon ang daan papuntang building ng agriculture. Umakyat ako ng 3rd floor at hinanap ang room nila Basty. Nang makita ang room nila ay nag-tanong ako sa classmates niyang nasa labas.
"Si Basty?" Tanong ko sa lalaking matangkad at may suot na blue polo shirt.
"Sebastian, ang girlfriend mo nandito!" Sigaw niya kaya medyo nahiya ako. Buong room nila alam na ako ang girlfriend niya.
Lumabas si Basty sa room nila at nakangiti ng makita ako. "Crystal, pasok ka. May ginagawa lang kaming para sa project namin." Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami ng room nila.
"Hello, Ms. Lopez!" Bati sa'kin ng mga classmates niya.
Nahihiyang ngumiti ako. "Hi!"
"Upon ka," Sabi ni Basty. Umupo ako sa tabi ni Basty.
"So, ikaw pala ang first girlfriend nitong si Sebastian." Sabi ng naka-white na long sleeve.
"Kaya, pala iba ang aura nitong si Basty eh. Ikaw pala ang may dahilan." Sabi pa ng isa.
Feeling ko namumula ang pisngi ko dahil agaw atensyon ako.
"Manahimik nga kayo! Pag-patuloy na natin itong project natin para makakain na kami ni Crystal." Hinawakan ni Basty kanang kamay ko na nasa lap ko.
"Crystal, gusto mo nitong chips?" Alok ng lalaking kulay green ang shirt.
Sinamaan siya ng tingin ni Basty. "Don't call her Crystal. Ako lang ang tumatawag no'n sa kanya." Buo ang boses ng sabihin iyon ni Basty.
"Ang possessive pala ni Basty!" Natawa ang mga classmates niya sa kanya.
Natuloy ang pag-aasar ng nga classmates ni Basty sa kana, pero seryoso lang mukha ni Basty. Parang wala lang sa kanya yung pang-aasar ng mga classmates niya at sanay na siya.
Natapos ang meeting niya about sa project nila para next month. Hanggang last week nalang kasi ang pasok dahil Christmas break na. Bumaba kami ni Basty ng building nila at pumunta ng cafeteria.
Nandoon sila Martinez at Mads kumakain kaya umorder rin kami ng sa amin ni Basty at umupo sa table.
"Ang tagal niyo!" Maktol ni Mads at kinain ang fries niya.
"Nag-meeting pa kami para sa project namin na gagawin next month." Ani Basty at nag-simula ng kumain.
"Christmas break na! Anong plano niyo for Christmas break?" Tanong ni Martinez.
"Uuwi ako sa amin," Sabi ko.
Tumingin sa 'kin si Basty. "Kelan?" Tanong niya.
I shrugged my shoulders. "Hindi ko pa alam kung sa Christmas or sa New year. Gusto ko kasing makasama sila Daddy at kuya kahit bago magtapos ang taon." Sagot ko.
"Sasama ako," Aniya. "Gusto ko ring ipagpaalam ka ng maayos sa pamilya mo about sa'tin."
Ngumiti akong tumango. "Okay, kakausapin ko si Daddy para diyan."
After break ay bumalik kami sa mga room namin. 2 subjects nalang ang meron kami ni Mads. Natapos ang subjects namin na pulls long test dahil by next month ay quarterly exam na.
Habang hinihintay ang last subject ay may tumawag sa phone ko. Si Aaron ang tumawag. Nakatingin lang ako, nag-iisip kung sasagutin ko ba or hindi.
Nang mawala ang tawag ay maya-maya ay tumawag ulit ito. Hindi ko ulit sinagot ang tawag. Nang tumawag ulit ay sinagot ko na ito.
"Ano bang kailangan mo?" Mariing sambit ko.
"Ma'am, pasensya na po pero lasing na lasing na po kasi ang may-ari ng cellphone." Sabi ng kung sino man ang nasa kabilang linya.
"Nasaan siya?" Tanong ko.
"Nasa tapat po siya ng bahay niyo at paulit-ulit na tinatawag ang pangalan niyo kaya tinawagan ko po kayo. Baka pwede pong puntahan, kawawa naman po. Lasing na lasing."
Napapikit ako ng mariin. "Sige, hintayin niyo ko diyan." Sabi ko at kinuha ang bag ko.
"Saan ka pupunta? May klase pa tayo!" Ani Mads at nag ta-takang tiningnan ako.
"Punta lang ako ng bahay. May aasikasuhin lang." Sabi ko at mabilis na lumabas ng room.
Patakbo akong lumabas ng campus at dumiretso sa bahay. Nakita ko si Aaron na nakaupo sa tapat ng bahay.
"Ma'am, mabuti po at nakarating kayo. Kanina pa po yan nandiyan." Napatingin ako sa lalaking tumawag sa 'kin. "Ito po ang cellphone niya."
"Salamat po." Sabi ko at kinuha ang cellphone.
Umalis ang lalaki at tumingin ako kay Aaron. He looks so wasted. Lasing na lasing siya.
"Snow..." Bulong niya.
Lumapit ako sa kanya. "Bakit ka ba nandito? Dapat umuwi ka na lang sa Manila kung mag-kakaganto ka rito!" Pinilit kong wag magalit.
Naawa ako sa kanya dahil hindi siya ganto dati. Ngayon ko lang siya nakitang ganto na kalasing. Pinatayo ko siya at inalalayan na pumasok sa bahay.
"Snow, I'm sorry." Bulong niya ulit at tumingin sa 'kin. Mapungay ang mga mata niya.
"Aaron, please lang wag mo na akong guluhin dito." Tumingin ako sa mga mata niya.
Nakaupo siya sa tapat ng pinto. "Bumalik kana sa 'kin." Bulong niya.
Umiling ako. "I can't. Iba na ang mahal ko, so stop wasting your time on me."
Mapapatawad ko siya sa panloloko niya sa 'kin, pero ang bumalik sa kanya ang hindi ko kayang gawin.
"Promise, I'll never cheat on you this time. Mag papakabait ako para sayo. I'll do my best to become your boyfriend again, so please come back to me." Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi.
Napahinto ako dahil doon. Hindi ako agad makagalaw dahil mariin niya akong hinalikan. Mainit ang halik niya sa 'kin.
"I love you, Snow." He whispered between his kisses.
Nang makabwelo ako ay tinulak ko siya, pero huli na. I saw Basty standing in front of us. Para akong binuhusan ng malamig sa tubig sa tingin ni Basty samin.
"Basty," Bulong ko at mabilis na tumayo. "Mali ang nakita mo."
Lumapit ako sa kanya at hinawakan dapat ang kamay niya ng iniwas niya 'yon sa'kin. Masama siyang tumingin sa'kin bago umalis.
"Basty!" Sigaw ko at hahabulin dapat siya ng hawakan ni Aaron ang kanang kamay ko.
"Snow,"
Mariin kong tinanggal ang kamay ko sa pakakahawak niya. "Umalis kana, Aaron. Hindi na kita mahal! Si Basty ang mahal ko kaya please lang umalis ka na." Galit kong sigaw sa kanya.
Mabilis akong lumabas ng gate at tinawag si Basty pero umalis na siya. Natulala ako bago tuluyang tumulo ang luha ko sa akong mga mata. Napaluhod ako sa labas habang umiiyak.
Galit si Basty sa'kin at kasalanan ko 'yon. Nasaktan ko siya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Basty, pero hindi niya sinasagot ang tawag.
Hinanap ko si Basty, kaso hindi ko alam kung nasaan siya nag-punta. Tinawagan ko sila Mads at Martinez at nag-tanong kung alam ba nila kung nasaan si Basty, pero hindi daw nila alam.
Bumalik ako sa bahay at wala na doon si Aaron. Akala ko nasa bahay na si Basty, pero wala. Napaupo ako sa sofa at umiyak doon.
This is my fault.
Hinintay kong umuwi si Basty, kaso wala. Hindi siya umuwi.