Part VI

1879 Words
Hindi makabangon si Gabbie. Masakit ang kaniyang katawan. Marahil napagod siya nang husto sa ilang araw nilang pabalik balik sa beach at isla. Hindi naman siya makatanggi na hindi sumama dahil magagalit ang mommy niya dahil minsanan lang naman sila nagsasama sa ganoong mga lugar. Pero kanina hindi siya napilit ng ina na sumama sa siyudad dahil sa bumibigat ang katawan niya. Pero nang sabihin niyang magpahinga siya muna ay nirespeto naman ng Mommy niya at ng kaniyang kapatid na si Mariz. Hinahawakan niya ang kaniyang ulo dahil nakaramdam siya ng pananakit nito nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. "H-hello?" alinlangan naman niyang sinagot dahil numero lamang ang naka-pop up sa kaniyang screen. "Babe? Oh, Babe, where are you? Why did you leave me? Hindi ka man lang nagpaalam na umalis ka! Nami-miss na kita Babe, please come back soon," Tinig ng babae sa kabilang linya. "M-Mae? Paano mo nalaman ang bago kong number? " pagtatakang tanong ni Gabbie. "Why you even ask about that, Babe? Pinagtataguan mo ba ako? Nakalimutan mo na ba ang mga masasaya at masasarap na moment natin? Please Babe, tell me, where are you right now? I want to see you. I want to go wherever you are. I love you Babe, you don't miss me? You don’t miss my hot kisses, my hugs and my caress?" paglalambing na ng babae sa telepono na si Mae. "Mae, I'm sorry, pero I am far away from Manila, and besides I'm with my family right now. This is our moment to be each other as family. So please leave me alone!" May halong lakas na ang boses ni Gabbie. "What? Ganoon na lang ba? Hindi ba ako part ng family mo na hindi ka man lang nag-iwan ng mensahe na aalis ka? What do you think of me, just a piece of rug na basta mo na lang itatapon pagkatapos ng mga gabing pinagsaluhan natin?" galit-galitan nang sabi ni Mae pero may halong paglalambing pa rin. “You become crazy, Mae.” "This is to warn you, Gab, if you do this to other women, but not to Miss Mae Baritton! Do you understand, Babe?" pagbabanta na ni Mae sa kaniya at binabaan na siya ng telepono. Napasandig naman si Gabbie sa headboard ng kaniyang kama. Naisip niyang napakatinik ng babaeng nakilala niya sa bar. Dahil sa anak nga ito ng mayaman lahat na lang ng gustuhin ay kayang gawin. May nangyari nga sa kanila ng gabing iyon ni Mae, pero kapwa sila lasing at inakit siya nito. Hindi nga niya ito niligawan at hindi rin niya ito nobya para angkinin siya at tawaging ‘Babe’. Nagpalit na nga siya ng number para maiwasan na ang babae dahil halos araw- araw na ang pangungulit nito sa kaniya. “My God! I know, si Lance ang nagbigay ng bago kong number sa babaeng iyon!” nabulalas niya sabay sapo sa kaniyang ulo. Dali-dali na siyang bumangon at nag-shower para mawala ang bigat ng ulo niya. Pagkatapos maligo ay agad siyang nagbihis. Pupunta siya ng komidor para kumain at hihingi ng gamot dahil hindi nawala ang bigat na kaniyang naramdaman sa kaniyang katawan. "Naku, Fermie hayun pala si Sir Gabbie, nagpaiwan nga siya. Teka, kakain na yata siya. Nailigpit na natin ang mga ulam. Teka kunin ko ang itinirang pagkain para sa kaniya niya. Fermie ikaw na ang magdala ng pagkain ni Sir Gabbie, at saka ang juice niya kunin mo na lang doon sa juice maker," pakisap ni Aling Mina kay Fermie. "P-po? Bakit po ako ang maghahatid ng pagkain ng taong iyan?" tila galit na sabi ni Fermie lalo na nang naalala niya ang ginawa ni Gabbie. "Uy, huwag ka nang umangal ha, isusumbong kita kay Ginang Mildred na hindi mo pinagsisilbihan ang bisita niya. Sige ka, lalong magalit iyon sa iyo," pagbabanta umano ni Aling Mina sa kaniya. Kinabahan naman si Fermie sa tinuran ni Aling Mina baka totohanin nito ang pagsumbong kay Ginang Mildred at lalong magalit sa kaniya ang ginang. Kaya wala na siyang magawa, siya na ang nagsilbi sa almusal ni Gabbie. Dahan-dahan niyang dinala ang tray na may lamang pagkain, ngunit habang papalapit siya sa komidor ay nanginginig ang tuhod niya na hindi mawari. Agad naman siyang nakita ni Gabbie kaya dali-daling inagaw ni Gabbie ang dala nito. "Hi, ako na ang magdala niyan,” agad na kinuha ni Gabbie ang tray kay Fermie ngunit lumapat ang mga kamay nito sa kamay ni Fermie na siyang lalong nagpanginig sa buo nitong katawan. Muntik na namang mabitawan ni Fermie ang tray sa pagmamadaling maalis ang mga kamay ni Gabbie na dumadampi sa mga kamay niya. "Oops! Okay ka lang ba? Muntik mo na namang mabitawan ang dala mo," mahinahong nasambit ni Gabbie kay Fermie na hindi inaalis ang pagtitig sa mga mata nito. Tila nahihipnotismo siya tuwing tumama ang kanilang mga mata. "Uhmn…ahem…" Biglang bumalibag ang lalamunan ni Fermie. Hindi na siya makapagsalita nang maayos kaya hinayaan na niyang kunin ni Gabbie ang tray sa kaniya at dali-daling tumalikod pabalik ng kusina. Nakalimutan niya ang juice na kunin sa juice maker kaya kailangan niyang bumalik sa komidor at ibigay iyon sa binata. Parang ayaw ng isipan niyang bumalik pero ang puso niya ay humihila sa kaniya papunta sa komidor kung saan nandoon si Gabbie. "Oh, thank you sa pag-aasikaso, Fermie," agad na sabi ni Gabbie nang ilagay ni Fermie ang juice sa harapan niya. Walang emosyon at ekspresyon ang mukha nito, ayaw niyang maramdaman ng lalaki na nanginginig siya kahit pati mga laman-loob niya. ‘Di niya alam kung nagkokonek pa ba ang buto niya sa kaniyang laman dahil nakakatunaw ang mga titig ni Gabbie sa kaniya. "Ilusyunada," sabi ng isipan niya. Akma na siyang tumalikod nang biglang hawakan ni Gabbie ang kaniyang braso at natigilan siya. "Fermie, galit ka pa ba sa akin? Please kausapin mo ako, oo inaamin ko, ako ang may kasalanan kung bakit ka nakabasag ng pinggan at napagalitan. Please, gusto ko lang humingi ng sorry. Can we be friends?" pakiusap ni Gabbie habang hindi pa rin tumitinag si Fermie sa kinatatayuan niya. Sa halip na sagutin ang lalaki, sa tuwing ibubuka niya ang kaniyang bibig ay tila pumipilipit ang tonsil niya at ayaw itong makisabay sa mga salitang bibitawan niya kaya minabuti niyang tumahimik at pumiglas sa pagkakahawak ni Gabbie sa braso nito. Tuloy-tuloy ito sa kusina na para bang robot kung lumakad. Humagikhik naman si Aling Mina dahil siya ang kinikilig sa eksenang kaniyang pinapanood. Hindi naman niya marinig ang mga sinasabi ni Gabbie dahil malayo ito, pero nagtataka siya kung bakit mailap at tila walang emosyon si Fermie sa mga sinasabi ni Sir Gabbie. Huminga nang malalim si Gabbie. Ngayon niya lang naranasan na isnabin ng isang babae at isang probinsiyana pa. Alam niyang galit si Fermie sa kaniya dahil sa nagawa niya. "Eh, ano kung magalit, ano ba ang pakialam ko sa kaniya, katulong lang siya rito,” mga katagang gustong itatak ni Gabbie sa kaniyang isipan ngunit ayaw ng kaniyang puso. "Gabbie...Gabbie...ano ba ‘to, bakit ka pa pumunta sa lugar na ito, parusa ba to sa akin? Why do I feel this way?” Nagpahinga nang saglit si Gabbie. Mabuti naman at nakainom na siya ng gamot para sa sakit ng ulong nararamdaman niya. Bumalik siya sa kuwartong pinaglalagian niya at humiga siya sa malambot na kama. Bigla na namang tumunog ang kaniyang cellphone. Tiningnan niya muna ang numero, pamilyar ito sa kaniya, iyon ang numerong ginamit ni Mae nang tumawag ito kamakailan lang. Hindi niya ito sinagot, pinabayaan niyang tumunog ito. Nakailang ring na ang cellphone niya, isa...dalawa...nakasampung missed call na yata at wala siyang balak sagutin. "Desperada yata ang babaeng iyon, hindi ba siya makakaintindi? I don't like woman like her, napaka-easy to get, I know, hindi lang ako ang nakaangkin sa kaniya, marami, dahil obvious naman sa personality niya," nasabi na lamang ni Gabbie sa kaniyang sarili. Binalikan niya ang alaala kung bakit may nangyari sa kanila ni Mae nang ilang ulit. "Unngghh...ummm…" ungol na ni Mae habang sinibasib ng halik si Gabbie sa harap ng mga kaibigan nito. Para hindi mapahiya, hinila niya ang babae papuntang parking lot kung saan naroon ang kaniyang kotse. Doon ibinuhos ni Gabbie ang kanina pang gising na gising niyang pag-iinit ng katawan dala na rin marahil ng kalasingan niya at sa mga mapupusok na halik ng babae. Sa loob ng kaniyang kotse ay naganap ang kanina pang pagnanasa. Halos ang babae na ang gumising sa mga ugat ni Gabbie para maging matapang ito sa pagsagupa ng kaniyang bandera. Mae hugged Gabbie’s neck tightly as she has no doubt opened her thighs so that Gabbie’s weapon could enter hers directly. Matagal na pagbubuno ang naganap. Tila sabik sila sa isa’t-isa habang ninanamnam ang init ng kanilang pagnanasa. "Oohhh..." sabay nilang ungol at halos malunod ang kotse sa indayog ng kanilang sagupaan hanggang maabot nila pareho ang karuok-ruukan ng ulap. "Oh my God, you're s-so hot, Babe, I really enjoyed what you did. I really like you…umm…" sabi ni Mae habang nakayakap pa sa matipunong dibdib ni Gabbie at panay pa rin ang halik niya sa lasing na binata. "Hmmm...we will out here na Miss, hik…s-sumasakit a-ang ulo ko," nasambit ni Gabbie at tuluyan na nitong ipinikit ang kaniyang mga mata at dagling nakatulog sa ganoong sitwasyon. Nang magising si Gabbie ay nasa pad na siya ni Lance, ang kaniyang kaibigan. "Hmmm…ang bigat ng ulo ko," sambit ni Gabbie. "Mabuti naman at nagising ka na Gaboy. Hanep ang buhay mo ah. Kumusta ang rosas, masarap ba?" ngising-tanong ni Lance sa kaniya. "L-Lance? Luko ka talaga! Ba't nandito ako sa pad mo? Nasaan ang kotse ko?" takang-tanong niya. "Nag-alala na kami ni Kier kagabi kaya pinuntahan ka namin sa parking lot. Naabutan ka naming nakatihaya sa loob ng kotse at tulog na tulog. Siguro...ilang rounds ba ang kinaya?" ngisi pa ring tanong ni Lance. “Hindi ko natatandaan, lasing na eh. Teka iyong babaeng seksi, saan na siya?" "Hindi na namin naabutan pero nag-iwan ng cellphone number sa tapat ng iyong dibdib. Ang suwerte mo kagabi, akala ko nga share-share eh. Pero parang ikaw lang yata ang tipo. Iba talaga pag pogi." "Very hot nga eh, tsskk…napaka-liberated pa! By the way, I have to go home na Lance, baka nanggagalaiti na si Mommy dahil hindi na naman ako nakauwi. Thanks ha, akin na pala ang susi ng kotse," turan ni Gabbie na kinuha na ang susi kay Lance habang nagbibihis. Lingid naman sa kaalaman ni Gabbie, t-in-ext ni Lance ang numerong iniwan ni Mae at ibinigay ang kaniyang numero rito kaya panay na ang tawag sa kaniya. Dahil na rin sa pangungulit ni Mae, naulit pa ang pagkikita nila at ang mga sandaling pagnanasa ni Mae sa kaniya. Doon na rin nalaman ni Gabbie na liberated at spoiled nga si Mae at lahat ng gusto niya ay nakukuha nito dahil suportado ng mga parents sa State. Para kay Mae, mayroon na silang mutual understanding dahil sa madalas na pagkikita at pag-iisa sa init ng kanilang katawan. Ito naman ang mga tipo ng babae na ayaw seryosohin ni Gabbie at ayaw naman niyang maging ganoon ang ina ng magiging anak niya balang-araw kaya gaya ng dati nagpalit na siya ng number para maiwasan na si Mae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD