Walang nagawa si Gabbie kundi ang paunlakan ang invitation ng kapatid kahit walang gana ang kaniyang buong katawan lalo na ang kaniyang puso. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa dinausan ng party nang makarating na siya. Napakaganda ng lugar. Isa itong sikat na hotel sa Maynila at sa likuran ay may malawak na pool at doon idinaos ang birthday party ng kakilala ni Mariz. Marami na rin ang nagdadatingang mga bisita. Halos mga seksing babaeng nakasuot ng mga maiiksing pang-ibaba at ang iba ay naka-crop top pa at halos luwa na ang kaluluwa. Nagkikislapan ang mga ilaw na nakapaloob sa pool area. Napansin kaagad ni Mariz si Gabbie kaya nilapitan niya ang kaniyang Kuya. Gumuhit ang napakalawak na ngiti sa kaniyang labi dahil pinaunlakan ng kuya niya ang kaniyang gusto. "Hi, Kuya…I'm sure, yo

