Ini-off na niya ang data ni Gabbie at mahinang inilapag ang cellphone nito malapit sa hinihigaan ng kaniyang kuya. Dahan-dahan na siyang lumabas ng kuwarto ni Gabbie at isinirado ang pintuan nang mahina para hindi makaramdam ang kaniyang kuya. Dumiretso siya kaagad sa kuwarto niya na hindi mapatid ang ngiti nito sa kaniyang mga labi. Hindi rin nakatulog nang maayos si Kia dahil sa pag-aalaga kay Fermie. Lagi niyang pinupunasan ng basang bimpo ang noo ng kaibigan. Naaawa na siya sa sinapit ng kaibigan. Nakatulugan na nitong basa ang mga mata ng luha dahil sa walang tigil na pag-iyak. Hindi rin niya alam ang dahilan kung bakit tila biglang naglaho sa kawalan si Gabbie. Pati na ang savings ni Fermie ay hindi na rin na-e-update ng binata. Isa lang ang ibig sabihin nito, pinutol na ni Gabbi

