Napuna naman agad ni Ginoong Jaime ang muling pagbabago ni Gabbie. Madalas na itong walang imik at tila malayo at malalim ang iniisip. Nagpapasalamat naman siya dahil inaalagaan pa rin niya ang Mommy nito. Minsan si Gabbie na ang nagbo-volunteer para magpakain sa kaniyang ina. Ipinadama niya rito ang kaniyang pagmamahal at pagmamalasakit. Natutuwa naman si Ginoong Jaime habang minamatyagan ang panganay na lalaki at ang pagpapakita nito ng dakilang pagmamahal sa kaniyang Mommy. Kabaligtaran naman kay Mariz dahil minsan lang niya nakikitaan ng pag-aalaga sa mommy nito. Pag-uwi naman nito galing sa trabaho ay dumidiretso ito kaagad sa kuwarto nito lalo na kapag sinusumpong ng pagkamaldita. Pinagsasabihan din naman niya ito subalit may mga oras na hindi na nakikinig si Mariz. Ang laki na t

