Sa huli ay nakita na rin ni Gabbie sina Kia. Na-touch siya sa yakapan ng magkaibigan nang matagal habang nag-iiyakan. Nasabi niya na napakasuwerte ng mga taong nasa lugar na ito dahil makikita ang tapat at tunay na damdamin. Malayo kaysa sa kanila sa Maynila. Kahit nga malapit na magkakaibigan ay nagkakalokohan lalo na sa larangan ng pera. Masayang nanood si Gabbie sa eksenang iyon, gayundin kina Kia at Badong kahit hindi niya ito kilala. Tiningnan niya ang kaniyang pambisig na relo lampas alas siyete na ng gabi, nakaramdam na rin siya ng gutom. Nag-text siya kay Kia. “Congratulations! You deserved those awards! Mauna na ako ha. Kita na lang tayo bukas.” Nilagyan pa niya ng masayang mukha sa dulo ang kaniyang text at saka tumayo na. Nauna na siyang lumabas ng auditorium. Kum

