“Naku, anak malaki yata ang binayaran mo ah. Eh…isanlibo lang naman ang ibinigay ko sa iyo kanina, sa tantiya ko umabot yata ng mahigit tatlong libo ang mga kinain natin. Okay ka lang ba, eh may pera pa bang natira sa ‘yo?” bulong ng papa ni Kia sa kaniya. “Papa, okay lang ‘yon, hindi mo ba alam, madami akong ipon, kaya huwag ka nang magdaldal ha, ang importante lugi po ‘yong Eat all you can sa ating dalawa, kasi pang walong tao ang naubos natin eh,” pabirong sabi ni Kia sa ama at talagang natawa na rin ang kaniyang Papa. “Matalino talaga itong anak ko, akalain mong dinala nga kami sa eat all you can, eh…marami-rami nga ang nakain nating dalawa. Bawing-bawi talaga sa presyo,” nakatawa ring tugon ng papa ni Kia. Ganito sila ka-close ng papa niya. Pareho kasi silang mataba kaya b

