Si Fermie naman ay balikwas nang balikwas. Hindi rin dalawin ng antok. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Parang muling bumalik ang pananabik niyang makitang muli si Gabbie. Ipinikit niya ang kaniyang mata. “Sa panaginip na lamang kita makikita, Gabbie. Sana kahit masaktan man ako, mahawakan man lang kitang muli, sa panaginip ko na ulit malasapan ang init ng iyong mga halik. Hah! Sana makatagpo rin ako ng lalaking nasa katauhan mo.” Nahihirapan man siya sa pag-aaral bagkus nilabanan niya ang hirap para maabot niya ang mga minimithing pangarap. Ngunit bakit pagdating sa larangan ng pag-ibig, ay naging mahina na siya? Nasa ganoon siyang pag-iisip nang unti-unting dumalaw ang antok sa kaniyang diwa. Maagang nagising si Fermie. Naghanda na siya ng kanilang almusal ni Kia. Naglinis na

