'Hi, Gabbie, how’s your stay there? Mamasyal kami mamaya sa mall, Sa SM Great Mall lang muna. Doon kami kakain ng lunch. Kasama namin si Fermie at ang kaniyang tiyahin. Ilang araw at oras na lang ang hihintayin mo.’ ‘Sana magiging maayos na ang lahat.’ “Sige ha, hihintayin mo na lamang mamaya ang mga update ko.’ Ilan lamang iyon sa laman ng mga text messages ni Kia at agad namang nag-reply si Gabbie. ‘Nasa ‘di kalayuan lamang ako. I will wait for your updates at kung saan kayo mamaya.’ ‘Thank you for everything you’ve done.’ “Mama, handa na po ba kayo ni Papa? Aalis na po tayo papuntang mall,” sabi ni Kia sa kaniyang mama pagkatapos nilang magpalitan ng text messages ni Gabbie. “Oo naman anak. Nag-uusap muna sila ng iyong Tiyo Bor. Ang Tiya Lupe mo at saka si Fermie ba ay hindi sasa

