Inilipat na si Fermie sa kaniyang kuwarto. Dala siya ng nursing aid at nasa stretcher siya nakahiga. Para pa siyang nahihilo. Sobrang sakit ang naramdaman niya nang buong lakas niyang inire ang kaniyang baby. Inihiga na siya sa kaniyang kama at pagmulat niya ng kaniyang mga mata ay si Badong ang kaniyang nasilayan. Tatlong pasyente ang naroon sa kuwartong iyon at halos ang kasama niya ay nanganak din. "Kumusta ka na?” “Badong…” “Salamat sa Diyos at nailabas mo na ang iyong baby Ferm. Congratulations at isa ka nang ganap na ina," nakangiting sabi ni Badong sa kaniya. Ngumiti siya kay Badong at nagpasalamat. “S-si Kia?” nahihiya niyang tanong sa binata. "Nasa labas pa siya Ferm. M-may...may binili lang. Hayaan mo, mamaya nandito na siya," tugon rin niyang kinakabahan. “Huwag kang mag

