"Ahm...Tiya Lupe, Mama, masama lang po kasi ang pakiramdam ni Fermie kasi napuyat siya ng ilang linggo sa pagre-review. At isa pa hindi pa siya masyadong magaling kaya hindi lahat ng pagkain ay kaya na niyang kainin. T-tingnan nga ninyo oh, medyo pumayat siya kasi binabawalan na siya ng doctor sa ilang pagkain na hindi maganda sa kaniyang katawan," pagbasag na ni Kia sa mga pagtatakang nakita nina Tiya Lupe kay Fermie. "Ah, gan’on ba, Kia? Oo tama iyan kapag nasobrahan ng puyat iyang si Fermie talagang nanghihina ang katawan. Kaya nga ang sabi ko sa kaniya huwag niyang sagadin ang katawan niya sa pagpupuyat," agad namang turan ni Tiya Lupe na naniwala sa paliwanag ni Kia. Pilit tinatago nina Fermie at Kia ang totoong kalagayan ni Fermie. Hindi nagpapahalata si Fermie lalo na kapag magkah

