"Huh? P-puwede bang kalasin mo ang kamay mo sa pagkakahawak sa aking braso?" inis na nasambit ni Fermie. Naasiwa kasi siyang hinawakan ito ng estranghero. Hindi niya iyo kilala. Bumitaw na ang lalaki. Tumalikod na si Fermie para pumasok sa loob ng mall. Hindi niya namalayan na sumusunod ang lalaki sa kaniya. Pupunta sana siya sa botika para bumili ng gamot nang biglang dumikit uli ang lalaki sa kaniyang gilid. "Miss…wala naman akong masamang intention. G-gusto lang kitang makilala. Masama ba ang nakikipagkilala?" agad nitong sabi na kinabigla muli ni Fermie. "Look, Mister nakakaistorbo na po kayo sa mga lakad ko. Anyway, thank you sa pagpulot mo ng bag ko, pero hindi na kailangan para kilalanin mo pa ako," mahina niyang sagot at sabay talikod sa lalaki. Humabol muli ang lalaki para kau

