Nakaramdam siya ng matinding kaba. Natatakot siya dahil bakit palaging nasa eksena ang lalaking iyon. Dali-dali na siyang bumalik sa kaniyang testing room. Kinuha niya ang kaniyang panyo at tinakpan ang kaniyang ilong dahil sumasagi pa rin sa kaniyang pang-amoy ang pabango ng katabi. Pinagpawisan na naman siya. "Are you okay?" puna ng proctor sa kaniya dahil kanina pa siya napansin na tila balisa. "Y-yes, Maam," mahina niyang sagot at nahiya na rin siya dahil ang ilan sa kaniyang katabi ay lumingon na rin sa kaniya. "Just relax, inhale...exhale. Don't stress yourself," nakangiting sabi ng proctor. Hindi na siya nag-inhale at exhale baka tuluyan na siyang maduduwal kapag na-inhale niyang muli ang amoy ng pabango sa kaniyang tabi. Nag-usal siya ng taimting dasal para mawala ang kaniyang

