Sinimulan niyang basahin isa-isa ang mga nagsisimula sa surname na M. "Naku napakarami naman. Dito na ako malapit sa apelyido ko...teka, babasahin ko. Mojia, Mar Sai Chavez...Molabon, Evelyn Padeo...Molina, Ria Dagami...naku Bes, classmate ko ito si Ria...wow nakapasa siya." "Ipagpatuloy mo pa, Bes…" excited na ring sabi ni Kia. "Mollio, Analyn Franco…naku wala yata ang pangalan ko rito," kinakabahan na ring sambit niya. Muli niyang itinuloy ang pagbabasa. "Montalban, Amie Navarito...classmate ko rin ito si Amie...cumlaude namin ito. Nakakatuwa naman. Montalban, Carol Azur...si Ate Carol ‘yong nanay-nanayan naming, wow…mabuti naman at nakapasa rin siya.” Huminga nang malalim si Fermie bago muling nagpatuloy. “Montalban, Fermie Divino...” Napahinto siya sa pagbabasa. Nakanganga ang ka

