Dumiretso si Kia sa mall dahil may bibilhin itong libro. Paglabas niya sa bookstore ay naisipan niyang tingnan ang savings ni Fermie. Sigurado siyang malaki na ito lalo na at nadadagdagan na ito ng ilang buwan. Tamang-tama dahil may panggastos na si Fermie sa panganganak nito at sa mga gamit ng kaniyang baby. Isinalang niya ang atm card sa isa sa mga machine. Pinindot niya ang Balance Inquiry at nagtaka siya kung bakit hindi nadagdagan ang savings ng kaibigan. Kinuha na niya ang card. "Bakit hindi na nagpapadala si Gabbie? Ilang buwan na sanang nadagdagan ang savings ni Fermie. Ano na ba ang nangyayari sa taong iyon? Kahit sa akin hindi na rin siya nagme-message. May nangyayari bang hindi namin alam?" taka niyang tanong sa kaniyang isipan. "Miss tapos na po ba kayo? Marami pa kaming pumi

