Ilang oras din bago nagising si Fermie. Iminuklat niya ang kaniyang mga mata. Nababanaag niyang nasa kuwarto siya ng hospital. Inilibot niya ang kaniyang paningin. Nasa tabi rin niya si Gabbie. "My Love…mabuti naman at nagising ka na, k-kumusta na ang pakiramdam mo, ha?" tanong na kinakabahang pag-alala ni Gabbie sa kaniya. Sinapo niya ang kaniyang ulo. Sobrang bigat ang nararamdaman niya. Nagsimula na siyang umiyak nang maalala ang ginawa ni Mariz sa kaniya. "M-may masakit ba sa iyo? Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? A-ano ba talaga ang nangyari sa iyo?" Alalang-ala si Gabbie sa kaniyang mahal. Humikbi si Fermie at humigpit ang kaniyang kapit sa mga kamay ni Gabbie. “Gabbie…” Parang bigik sa kaniyang lalamunan. May mahinang katok ng pintuan silang narinig. Ilang segundo lang ay pu

