Hindi alam ni Gabbie kung ano ang gagawin. Mayroong tatayo, uupo, palakad-lakad, sasapuin ang ulo, titingin sa emergency room, maupo ulit, lalakad…tatayo…at naging balisa. Hindi niya maintindihan alam kung ano ang mararamdaman sa sandaling iyon. Hindi matigil-tigil ang kaniyang panalangin. "Lord, I need you, please make this day peaceful and full of hope to all of us. Let your healing power be in Fermie's life right now. I want her to be happy. Lord, I promise to love her for the rest of my life. Please Lord, she's my everything, I will do what is best for her, please save the love of my life," usal niya habang palakad-lakad at hindi namalayang may mga butil ng luha na palang umaagos sa gilid ng kaniyang mga mata. Kahit naguguluhan sina Tiya Lupe at Tiyo Bor sa ipinakitang concern ni Gab

