Tinawagan na rin ni Kia ang kaniyang papa at mama sa probinsiya at ibinalita sa mga ito na nagising na si Fermie at maganda na ang kondisyon nito. Inihatid din niya ang mensahe kay Marie para ipaabot kina Tiya Lupe ang kondisyon ng kaibigan at naghihintay na lamang ng agarang paggaling. "Salamat po, Panginoon, dininig Mo ang aming hiling na mailigtas si Fermie at mapagtagumpayan ang kaniyang operasyon," pasasalamat ni Tiya Lupe nang malaman ang balita. Nalaman din nina Ginoong Victor at Ginang Mildred ang nangyari kay Fermie. Nakaramdam nang matinding awa si Ginoong Victor. Kahit hindi pa hilom ang galit ni Ginang Mildred kay Fermie ay nahabag na rin ito at nanghinayang din na hindi nakasaksi ng kaniyang graduation ang dalaga. "Nakakaawa naman si Fermie. Pangarap sana niya iyon sa kan

