Part LXXXVIII

2292 Words

Ilang sandali pa ay bumusina na ang sasakyan ng papa ni Kia sa labas. Nagbigay-galang naman sina Gabbie at Badong sa kaniya at tumugon naman ito. “Papa, uuwi ka na ba?” tanong ni Kia sa kaniya. “Oo…dinaanan ko rito sina Fermie at ang apo ko. Baka kako, okay na at sasama na sila sa pag-uwi ng probinsiya.” Nasagi ng kaniyang paningin si baby Gabriel na gising na ito at kanlong na rin ni Kia kaya nilaro-laro na niya muna ito. “Mabuti na lamang pala at bumalik kayo kanina ni baby, my Love. Kung nagkataon ay baka napadpad nga ako sa probinsiya ninyo,” sabi ni Gabbie. “Hindi ko naman sasabihin kung nasaan ang mag-ina mo kung saka-sakali,” sabad naman ni Kia na nakangiti. “Kahit saan, hahanapin ko pa rin sila.” “Okay na ba kayo?” tanong ng papa ni Kia. Nilipat-lipat niya ang kaniyan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD