Napatingin si Badong kay Kia. Nagtatanong ang kaniyang mga mata. Sinuklian naman siya ng isang matipid na ngiti ng dalaga. “Hayaan na natin sila. Bawat isa ay may mga dahilan kung bakit naging ganito.” “Ganoon lang ba kadali, King?” “They are both in love with each other. Maghintay na lang tayo sa mga susunod na pangyayari. Ikalma mo na ang sarili mo.” Sapat na rin iyon para kumalma si Badong kahit halos nagbubulungan lamang sila ni Kia. Naawa lang kasi siya kay Fermie kaya hindi niya naawat ang kaniyang sarili nang muling makita ang pagmumukha ng lalaking naging dahilan ng pagdurusa ng kanilang kaibigan. Humigpit din ang pagkahawak ni Badong sa mga kamay ng dalaga at pinipisil-pisil pa ito. Sobrang kiliti naman ang lumatay sa lamanloob ni Kia at inihilig na niya ang kaniyang u

