Hinawakan ni Gabbie ang maliit na kamay ng sanggol. Bigla itong umiyak. Napatda si Gabbie. Sa kauna-unahang pagkakataon, parang sinundot ang kaniyang puso sa munting tinig na iyon ni Baby Gab. Lumulukob sa kaniyang buong pagkatao na tila ba naniningil sa mga sandaling naging ligalig ang kaniyang puso’t isipan. Nanginginig ang kaniyang labi. Nakikita niya ang kaniyang reflection sa maamo at makinis na mukha ng batang ito. The new version of Baby Gabbie. “Sssh…stop crying, Baby.” Hindi alam ni Gabbie kung anong salita ang gusto nitong ipalabas mula sa kaniyang bibig para ipaabot kung gaano siya kasaya sa sandaling iyon. Lukso ng dugo! Oo, siguro nga dahil nanalaytay sa kaniyang mga ugat ang bawat pagpihit ng matinis na tinig na mula sa batang ito. Nakatingin lang si Fermie. Hindi r

